Jema's POV
Habang nakikinig ako sa prof namin bigla kong naalala si Dean kaya napangiti ako.
Actually muntik ko na syang sagutin noong nasa KTV kami.
Siguro kung hindi lang sumingit si Manong Ruben noon nasagot ko na sya..
"Jema, sila Dean oh.." bulong sakin ni Jho habang nakaturo sa labas, napatingin ako sa labas.
Nakita ko si Dean na nakaabang sa labas ng room namin.
Ngumiti sya at kumaway sakin..
May sinasabi sya, pero yung naintindihan ko lang ay yung "I Love You" napangiti naman ako, ang cute cute nya...
Kinawayan ko lang sya..
Kasama niya sila Bryle, Tots, at Riri.
Napatingin sa kanila yung prof namin
"Boys, bakit nandiyan kayo? Hindi nyo ba nakikita na may klase kami??" tanong sa kanila ng prof namin
"Uhm may hinihintay lang po kami Ma'am" sagot ni Bryle, tumaas yung kilay ng prof namin
"Ow, Mr. de Leon, ngayon ka lang naging magalang sakin... anong nakain mo?" tanong sakanya ng prof namin, narinig kong nagtawanan yung mga kaklase namin
Napayuko si Bryle...
Oo nga pala, sabi pala dati ni Ced sumasagot sagot daw to sa mga prof..
Maya maya..
"Ok class, dismissed.." sabi ng prof namin, nang makaalis na sya, lumabas kami
"Hi.." bati sakin ni Dean habang nakangiti, kinurot ko yung pisngi nya kaya napanguso sya..
"Bryle, ano yung narinig ko kanina?" tanong ni Jho kay Bryle habang nakataas yung isang kilay, napakamot naman ng kilay si Bryle..
"Heheheh.." tawa nya
"Ikaw! galangin mo nga yung mga prof dito.." kunot noong sabi ni Jho
"Yan, pagsabihan mo yan Jho, hahaha" sabi ni Riri kay Jho, tiningnan naman sya ng masama ni Bryle
Tumingin sakin si Dean
"Jema, sasabay sana kaming mag lunch.." sabi ni Dean sakin
"Sige.." sabi ko sa kanya habang nakangiti
Napansin kong ang tahimik ni Tots at Ced..
"Tots, sasama ka?" tanong ni Dean kay Tots..
"Oo, kapag sinabi kong sasama ako, sasama ako, hindi naman ako talk shit di tulad ng iba dyan.." sabi ni Tots sabay tingin kay Ced..
"Ehem!" ubo ni Ced..
"Teka lang mga bro ha.. may kukunin lang ako.." paalam ni Tots
"Baka naman mag tagal ka bro?" tanong ni Bryle kay Tots
"Hindi, mabilis lang ako, hindi ko naman kasi ugali ang magpahintay ng matagal.." sabi nya habang nakatingin kay Ced na nakayuko..
"Hahahah.. parang may pinaparinggan ka.." sabi ni Riri
"Obvious ba??" tanong ni Tots, "Sige na, mabilis lang ako.." paalam nya, pagkatapos umalis na sya..
After 3 mins. bumalik na sya..
"Oh diba? sabi sa inyo eh, hindi ko ugaling magpahintay.." sabi ni Tots
"Hahahaha! may pinaparinggan talaga to bro.. hahah" asar ni Bryle kay Tots
Natatawa nalang kami nila Jho
"Masama parin loob nyan, halos 6 hours ba naman mag hintay! hahaha!" asar ni Riri kay Tots
![](https://img.wattpad.com/cover/308711077-288-k778446.jpg)
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanfictionBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito