Part 38

1.6K 51 0
                                    

Jema's POV

"Yes! start na ng training bukas! Goodluck satin!" sabi ni Kyla.

Ramdam ko din yung saya ngayon dahil sa wakas, palapit na ako ng palapit sa pangarap ko.

Para saming graduate ng tourism, ok lang sana na hindi na mag take ng training sa mga training schools, pwede na sana kaming mag apply deretso sa mga hiring na nangangailangan ng FA, pero mas pinili parin naming mag training para mas lalong madagdagan yung kaalaman namin.

"Hi Jema.." napalingon kami sa nag salita

Ed...

"Oh, Ed, buti naabutan ka namin dito. kakarating mo lang?" tanong ni Jho

"Kanina pa, hinintay ko lang talaga kayong matapos.." sabi nya sabay tingin sakin, "Hi Jema.." sabi nya habang napangiti

"Wow.. bat samin walang 'Hi'?" tanong ni Kyla

"hahaha.. edi hi din sa inyo.." sabi nya habang nakangiti

"Uuwi kana Ed?" tanong ni Kyla

"Oo eh, hinintay ko lang talaga kayo heheh" sabi ni Ed, "Baka gusto nyo munang mag lunch?" tanong nya sa amin, napatingin ako sa relo ko..

May usapan pa naman kami ni Dean na sabay kaming mag lalunch..

Tumingin ako sa kanila..

"Sorry guys, susunduin kasi ako ni Dean, may usapan kami na sabay kami mag lalunch.." sabi ko, nakita kong nawala yung ngiti sa labi ni Ed

"Ganon ba bes? sige, ingat ka ha.." sabi ni Jho, tumango ako at ngumiti

Maya maya nag ring yung phone ko kaya agad kong kinuha iyon.

Si Dean..

Sinagot ko iyon...

"B, nasaan kana?" tanong ko sa kanya

"Nandito na ako B, sa labas, wait po kita dito.. I love you.." sabi nya

"Ok, papunta na, i love you too!" sabi ko, binaba ko na yung call

"Yiieeh! ang sweet talaga.." sabi ni Kyla at Ced

"Hahah, baliw.. una na ko guys, nandyan na kasi si Dean.. see you tomorrow!" paalam ko sa kanila

Paglabas ko ng building, nakita ko yung sasakyan ni Dean, mabilis akong sumakay sa sasakyan nya.

Pagkasakay ko, hinalikan ko agad sya sa pisngi nya kaya napangiti sya..

Tumingin ako sa mata nya, parang medyo namumula iyon..

Umiyak ba sya?

"B, nakauwi ka ba sa inyo?" tanong ko kay Dean

"Oo, s-sorry medyo natagalan, k-kinausap ko pa kasi sila Mom.." sagot nya

"Talaga? nandyan sila?" tanong ko, tumingin sya sakin

"O-Oo, uhm k-kinakamusta ka nga nya.." sabi nya sabay ngiti

"Talaga? A-Alam na ba ng parents mo na magkasama tayo sa condo mo?" tanong ko sa kanya

"H-Ha? Oo naman.. sabi nga ni mommy mas ok daw yon..." sabi nya, napangiti naman ako

Buti naman.. medyo mawawala na yung pag iisip ko na baka kung anong isipin nila sakin..

"Talaga? Gusto ko sanang mag thank you sa kanila.." sabi ko, mabilis na tumingin sakin si Dean

"H-Ha? Umalis na kasi s-sila B.. a-alam mo naman yun diba? umaalis lang sila agad kapag umuuwi dito sa Pilipinas.." sabi ni Dean, medyo nalungkot naman ako

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon