Jema's POV
Nang makabalik ako sa lamesa namin, nakita kong nakangiti si Dean.
Tumabi ako sa kanya pagkatapos humigop ako ng shake habang nakakunot noo..
Hindi ko alam, kanina kasi habang kumakanta ako sya yung pumasok sa isip ko..
Bakit kaya??
"Jema ok ka lang?" tanong sakin ni Dean, tumingin muna ako sa kanya ng ilang segundo bago sumagot
"O-Oo.." utal na sagot ko
Maya maya, nag aya na sila papa umuwi.
Habang naglalakad kami, nauuna sila papa, mama, ate jov at mafe. Kami naman ni Dean parang nagpapakiramdaman.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay namin, nakapasok na silang apat, kami nalang dito sa labas ni Dean. Papasok na sana ako sa loob kaso hinawakan ni Dean yung kamay ko, kaya napatingin ako sa kanya..
Nakangiti sya habang nakatingin sakin..
"Jema, thank you.." sabi nya
"B-Bakit?" tanong ko sa kanya
"Thank you, kasi... sa pamamagitan ng family mo, parang nakasama ko na din yung family ko..." sabi nya, tiningnan ko yung mga mata nya, mas makinang pa yung mga mata nya kaysa sa nga bituin..
Ngumiti naman ako..
"Welcome.." sabi ko, "welcome ka palagi dito.." dagdag ko, natawa naman sya..
"Baka araw-arawin ko dito sige ka.." sabi nya sakin
"Hahaha, ok lang para araw araw naman akong makauwi dito.. haha" sabi ko
"Hahaha kaso may pasok.." sabi nya
"Halika na, pasok na tayo nang makapag pahinga kana din.." sabi ko sa kanya, tumango naman sya
Nang makapasok kami sa bahay nagsalita si Dean
"Saan nga pala ako matutulog?" tanong nya
"Doon ka muna sa kwarto ko, makikitulog muna ako sa kwarto ni Mafe.." sagot ko
"Talaga? ayaw mo akong katabi?" biro nya sakin, inirapan ko naman sya
"Baliw! halika na, inayos ko na kanina yon.." sabi ko, pagkatapos umakyat na ako para pumunta sa kwarto ko, sumunod naman sya sakin
Pagpasok namin sa kwarto ko, kumuha ako ng damit pantulog ko.
"Dean, mag papalit ka ba ng damit?" tanong ko sa kanya
"Uhm, pwede din" sagot nya, kinuhaan ko na din sya ng damit.
"Ayan, mag bihis ka nalang ha, punta na ako sa kwarto ni Mafe.." sabi ko sa kanya, tumango naman sya
"Sige, thank you uli Jema.." sabi nya, tumango lang ako
Kaso nagulat ako ng bigla nya akong yakapin, pero saglit lang, bumitaw agad sya..
"Good night.." sabi nya sakin habang nakangiti
"Ehem! g-goodnight" sabi ko, pagkatapos mabilis akong lumabas ng kwarto..
Feeling ko kasi namumula yung mukha ko at ayaw kong ipahalata sa kanya yon dahil baka asarin nya lang ako..
Pagpasok ko ng kwarto ni Mafe, nag bihis na ako, pagkatapos tumabi na ako kay Mafe..
Habang nakahiga ako, naalala ko yung pagyakap sakin ni Dean kanina...
Napangiti ako...
Bakit kinikilig ako??
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanfictionBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito