Part 64

2.9K 85 31
                                    

Dean's POV

Nandito kami ngayon sa airport, hinatid kasi namin ni Dwayne si Jema. 

"Mommy, take care ok?" sabi ni Dwayne sa mommy nya, napangiti naman ako dahil kahit na 5 years old palang sya may pagka-matured na yung isip nya. 

Talagang maganda yung pagpapalaki ni Jema sa anak namin. 

"Yes naman baby.." sagot ni Jema, pagkatapos tumingin sya sakin, "Dean, ikaw na yung bahala sa kanya ha.." sabi ni Jema sakin

"Opo.. bye, ingat ka ha.." sabi ko kay Jema, tumango naman sya, "I love you.." sabi ko

"I love you too.." hinalikan nya ako sa lips pero smack lang

"Mommy, ako din..." sabi ni Dwayne, natawa si Jema

"Ay syempre naman meron ding kiss para sayo.." hinalikan ni Jema si Dwayne sa pisngi

"Ingat kayo pauwi ok?" pahabol ni Jema

"Yes po.." sabay naming sagot ni Dwayne

Hinintay naming makapasok sa airport si Jema, nang makapasok na sya sa airport umalis na kaming dalawa ni Dwayne

Imbis na umuwi kami dumeretso kami ni Dwayne sa Laguna.. 

"Daddy, saan po tayo pupunta?" tanong ni Dwayne sakin

"Sa lolo mo, sa Laguna.." sagot ko

"Really? Sige po, namimiss ko na po kasi sila Lolo at lola, pati sila Tita Mafe at Tita Jov..." sabi ni Dwayne

"Kaya papasyal tayo doon.." sabi ko habang nakangiti

Yung totoo, kinakabahan ako, alam ko kasing galit sakin si Tito Jess.. 

"Dwayne, daan muna tayo sa mall, bibili tayo ng pasalubong.." sabi ko 

"Ok po daddy.." sabi ni Dwayne habang nakangiti

Dumaan kami sa Mall ni Dwayne, bumili kami ng cake, nag grocery din kami, binilihan ko din ng bagong damit si Dwayne dahil kung sakaling maging ok kami ng parents ni Jema balak kong doon nalang matulog. 

Pagkatapos namin mamili ni Dwayne nag drive na ako papunta sa Laguna.. 

Habang palapit kami ng palapit mas lalo akong kinakabahan.. 

Alam ko kung saan yung address ng bahay nila Jema dito sa Laguna dahil tinanong ko sa kanya kanina, pero sinabihan nya ako na wag muna akong pupunta doon dahil ang gusto nya magkasama kaming pupunta doon pag balik nya.. Pero dahil matigas yung ulo ko at dahil sa kagustuhan ko na din na maayos yung problema namin sa pamilya namin lihim kong gagawin ito.. gagawin ko ito ng walang kaalam alam si Jema dahil meron din akong sariling plano..

"Daddy, are you okay?" tanong ni Dwayne sakin

"Nervous.." sagot ko

"Relax daddy.." sabi nya sabay hawak sa kamay ko, tumingin ako sa kanya, biglang gumaan yung pakiramdam ko, nginitian ko sya

"Ok, mag rerelax na si daddy.." sabi ko

Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila Jema napabuntong hininga ako.. 

Okay! This is it!!

Bumababa na si Dwayne sa sasakyan ko kaya naman napilitan na din akong bumaba para sumunod sa kanya.. 

"Lolo!!" rinig kong sigaw ni Dwayne

"Apo! hahaha! nandito ka.. sinong kasama mo ha? akala ko ba wala yung mommy mo?" rinig kong tanong ni Tito sa apo nya

"Si daddy po yung kasama ko.." sabi ni Dwayne

"D-Daddy?" rinig kong tanong ni Tito Jesse

Dahan dahan akong naglakad papasok sa gate nila, rinig na rinig ko yung lakas ng tibok ng puso ko.. 

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon