Jema's POV
Nagising ako kinabukasan dahil naramdaman kong may nakatingin sakin. Sinilip ko yung mukha ni Dean pero tulog pa pala sya, tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Dwayne na nakaupo at nakatingin samin.
Gumalaw ako para humarap sa kanya, pero itong si Dean mas lalong hinigpitan yung yakap sakin kaya natawa ako.
"Dada, why are you hugging my mom??" tanong ni Dwayne na ikinagulat ni Dean kaya sya nagising.
Lagot ka, seloso pa naman tong anak mo.
Natawa ako sa mukha ni Dean dahil mukhang hindi nya alam yung sasabihin kay Dwayne.
"A-Ahhh b-because I want to??" alanganin na sagot ni Dean babang nakataas yung isang kilay, maya maya napangiti sya at niyakap uli ako, "because she's mine..." dagdag nya pa
"No! don't hug her!" sabi ni Dwayne, pagkatapos tumayo sya at pumagitna sa aming dalawa ni Dean..
Sorry ka anak, kagabi pa sya nakayakap sakin...
Natawa nalang si Dean dahil sa inasal ng anak namin.
"Sabi sayo eh, manang mana to sa tatay nya eh" bulong ko sa kanya, napangiti naman si Dean
"Kailan natin sasabihin sa kanya?" bulong na tanong din sakin ni Dean
Tiningnan ko si Dwayne,
"Dwayne" tawag ko sa anak ko, tumingin naman sya sakin
"Yes mommy?" tanong nya sakin
"Diba gusto mong makilala yung daddy mo?" tanong ko sa kanya, umiling naman si Dwayne
"Ayaw ko na po syang makilala mommy.." sabi ni Dwayne sakin, napakunot noo ako pagkatapos tumingin ako kay Dean na halatang nagulat sa sinabi ng anak namin
Ibinalik ko yung tingin ko kay Dwayne
"B-Bakit??" tanong ko sa kanya
"Kasi po, gusto ko ng maging daddy ay si dada Dean.." sabi nya, napanganga naman ako dahil sa sagot nya, pagkatapos tumingin sya kay Dean
"Dada Dean, pwede po ba ikaw nalang daddy ko?" tanong nya kay Dean, "Ligawan nyo na po kaya si Mommy?" tanong uli ni Dean
Natawa naman si Dean..
"Hmm kung gusto ng mommy mo, liligawan ko sya.." sabi ni Dean habang nakangiti, tumingin sakin si Dwayne
"Oh mommy, kung gusto mo daw, liligawan ka na daw po ni dada Dean.." sabi sakin ni Dwayne
"Sabihin mo sa dada Dean mo, gusto ko yung totoong daddy mo yung manligaw sakin.." sabi ko kay Dwayne, parang nalungkot naman si Dwayne dahil sa sinabi ko
"Mommy... gusto ko si dada Dean.." sabi sakin ng anak ko, nakatingin lang sakin si Dean
"Eh pano kung sabihin kong nakita ko na yung daddy mo at pupunta sya ngayon dito?" tanong ko kay Dwayne, napayuko naman si Dwayne
"E-Edi..." bumuntong hininga si Dwayne, "Ok po mommy, gusto ko nalang pong makita si daddy" sabi nya sakin, pagkatapos tumingin sya kay Dean, "dada, kahit nandito na po yung daddy ko, dada Dean ko parin po kayo ha.." sabi ni Dwayne kay Dean, napangiti naman si Dean
"Sure.." sabi ni Dean pagkatapos niyakap nya si Dwayne, nang matapos syang yakapin ni Dean, humarap sakin si Dwayne at niyakap din ako..
"Mommy anong oras po pupunta si daddy? gusto ko na po syang makita, pogi din po ba sya katulad ko?" tanong ni Dwayne sakin, natawa naman ako dahil sa tanong nya, tumingin ako kay Dean at itinaas baba nya yung kilay nya
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanfictionBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito