Part 65

5.4K 107 28
                                    

Jema's POV

Kakarating lang namin galing sa US.. Ilang araw din akong walang pahinga. Na e-excite na akong umuwi dahil gusto ko ng makita yung mag ama ko. Nakakausap ko naman sila sa video call pero iba parin talaga kapag kasama ko sila sa personal..

Napatingin ako sa relo ko..

7 PM...

"Bes, excited kanang umuwi no?? excited ka nang makita yung mag ama mo.." sabi ni Kyla, napangiti naman ako

"Super..." sagot ko

"Susunduin ka ba nila ngayon?" tanong ni Jho sakin

"Oo, baka nga nandyan na sila.." sagot ko

Nang makalabas kami, nakita namin sila Bryle, Tots, Riri at Angel na nag aabang sa labas, inilibot ko yung paningin ko

"Si Dean?" tanong ko

"Ay Jema, sabi nga pala ni Dean sumabay kana daw kila Angel, hindi ka daw nya masusundo.." sabi ni Bryle

"B-Bakit daw? sabi nya kagabi susunduin nya ako dito kasama si Dwayne" kunot noong sabi ko

"Ewan ko dun, may pupuntahan ata yung mag ama mo.." sagot ni Bryle

"Jema, hahatid kita kung nasaan sila.." sabi sakin ni Angel

Wala naman akong nagawa kundi ang sumama kila Angel at Kyla, pero masama parin talaga yung loob ko, nag promise kasi sya sakin na susunduin nila ako ni Dwayne..

"Saan ba kasi sila pumunta?" inis na tanong ko

"E-Ehh malay mo naman Jema may surprise sayo yung mag ama mo kaya ganon.." sabi ni Bryle, napabuntong hininga nalang ako

Halos isang oras din yung byahe namin, maya maya huminto kami sa Memorial Circle..

Naalala ko tuloy noong pumunta kami dito ni Dean para mag bike..

"A-Anong gagawin natin dito?" tanong ko kay Angel, bumaba kami ng sasakyan, nagulat ako dahil pagbaba namin bigla nya akong nilagyan ng blind fold

"Sorry Jema, napag utusan lang ako.." sabi ni Angel

Inalalayan nya akong maglakad para hindi ako matisod

Nakakaramdam na din ako ng kaba..

Maya maya, huminto kami..

"Dahan dahang tinanggal ni Angel yung nakatakip sa mata ko..

Sa unang tingin ko, sobrang labo, puro ilaw yung nakikita ko, nang medyo luminaw na yung paningin ko, inilibot ko yung mata ko sa paligid..

Sa unang tingin ko, sobrang labo, puro ilaw yung nakikita ko, nang medyo luminaw na yung paningin ko, inilibot ko yung mata ko sa paligid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Author: for imaginary purposes imagine nyo na may mga flowers din dyan haha! ganda dyan kapag gabi..)

Makulay na fountain, nagkalat din yung mga flowers sa floor..

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon