Part 9

2K 59 13
                                    

Jema's POV

Nakangiti ako habang naglalakad papunta sa apartment namin..

Sa totoo lang, nakita ko yung totoong Dean kanina..

Kita ko yung saya sa mukha nya..

Ang masasabi ko lang, mali yung mga narinig ko kay Ced tungkol sa kanya..

Pagpasok ko sa apartment namin, nakita ko sila na nakaupo sa sala, nag sitayuan sila nung nakita nila ako na pumasok at patakbo silang lumapit sakin..

"Jema kamusta? pinagod ka ba don? inapi api ka ba??" nag aalalang tanong ni Kyla

"Oo nga Jema.. kamusta?? baka binully ka don ng Dean na yun ha??" sabi ni jho

"Naku malamang.." sabi naman ni Ced

"Girls! relax.. ok lang ako.. ni hindi nga ako napagod.." sabi ko sa kanila

"Talaga? ano lang ginawa nyo?" tanong ni Ces

"Wala, hinandaan ko lang sya ng pagkaen, tapos sinamahan sya bumili ng gagamitin nya para sa project.." sabi ko

"Ayun lang?" tanong ni Jho

"Bakit? meron pa ba?" tanong ko sa kanya

"Wala hehehe.. mabuti naman.. kung hindi makakatikim sakin yung Dean na yun kapag pinahirapan ka nya.." sabi ni Jho, natawa naman ako

"Pero Jema, makakaya mo kaya?" tanong ni Kyla

"kakayanin para sa future.." sabi ko, "osya, matutulog na ako, maaga pa tayo bukas eh.." paalam ko sa kanila

"Tingnan mo yan.. hinintay natin sya pero tutulugan din pala tayo.." sabi ni kyla

"Bukas na.." sabi ko

"Sige na.. go na.. matulog kana.." sabi ni Jho

Natawa nalang ako sa kanila.

Kinabukasan...

Habang naglalakad kami papunta sa room namin, may tumawag sakin.

"Jema.."

Lumingon naman kami at nakita namin si Bryle na papalapit samin.

"Bryle, bakit?" tanong ko

"Ahh wala.. kamusta?" tanong nya habang nakatingin sakin

Weird..

"Ok lang.." sagot ko

"Jema.. let's go na!" seryosong sabi ni Jho

"Ahh sige Bryle, bye na, baka kasi malate kami.." sabi ko, tumango lang sya habang nakangiti, habang naglalakad kami nagsalita si Ces

"Alam mo girl, feeling ko may gusto sayo yung Bryle na yon.." sabi ni Ces, napatingin naman ako sa kanya

"Huy! kayo talaga.. wala yun.. baka ganon lang sya.." sabi ko

"Sabagay.." sabi ni Ces

Nang makarating kami sa room, napansin kong tahimik si Jho..

"Ok ka lang?" tanong ko, tumango lang sya..

Bakit kaya?

Nagkatinginan lang kami ni Kyla, siguro napansin nya din kasi kanina madaldal pa to..

"Jema.. ano yung trato sayo ni Dean noong nasa bahay ka nila?" tanong ni Ced

"uhmm pano ko ba sisimulan?? actually ibang iba sya kapag kasama nya yung kaibigan nya at kapag nsa bahay sya.." kwento ko, parang naguluhan naman sila

"Ano daw?" tanong ni Kyla

"Kasi ganito yun, kapag kasama ni Dean yung mga kaibigan nya mayabang sya at presko, mapang asar.. basta yung mga na describe ni Ced,.." kwento ko

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon