Jema's POV
"Para saan pa Ri? Wala naman na akong babalikan dito.."
Tangina??
Kaya lang naman ako umiwas sa kanya kasi akala ko sila talaga ni Ivy.. saka ang alam ko ikakasal sila, malay ko ba na hindi pala natuloy..
Nakaramdam ako ng inis kay Dean, pero at the same time nakaramdam din ako ng inis sa sarili ko..
"Mommy.. ok lang po kayo?" napatingin ako kay Dwayne
Nakahiga kaming dalawa dito sa kwarto at pinapatulog ko sya, ngayon ko lang napansin na kanina pa pala nakatingin sakin yung anak ko..
"Yes, ok lang ako anak.. matulog kana.." sabi ko
"gusto ko po sanang katabi si Dada Dean.." sabi nya
Hmmm talagang dada yung tawag nya kay Dean?? Sabagay daddy nya naman talaga yon..
"Anak, sino nagsabi sayo na dada yung itawag mo kay Dean?" tanong ko sa anak ko
"Si Irish po.." sagot nya, napatango naman ako
Bigla kong naalala yung naging bulungan nila ni Dean kanina..
Ano kaya yon??
"Uhmm Anak, may itatanong si mommy sayo.." sabi ko, tumingin naman sya sakin at halatang inaantok na
"Ano po yun mommy?" tanong nya sabay hikab
"A-Ano yung binulong sayo ni Dean kanina?" tanong ko sa kanya, napangiti naman sya
"Mommy secret po namin ni Dada yun.." sabi nya habang napapa-pikit..
"Ano ba yan.. hindi ko naman sasabihin na sinabi mo sakin ehh.." sabi ko at nag act na nag tatampo..
"Mommy, promise ko kay Dada Dean yun kahit sayo hindi ko po sasabihin.." sabi nya
Aba...! mukhang magkasundo talaga sila.. Ayaw sabihin.. pero ok lang.. Alam kong madudulas to kapag makakatulog na sya..
Nakatingin lang ako sa kanya at hinihintay syang makatulog..
Humikab uli si Dwayne pagkatapos pumikit sya..
Ayan.. itatanong ko uli..
"Dwayne, a-ano yung binulong sayo ni dada Dean kanina?" tanong ko sa kanya, nakapikit na sya..
"'I love your mother until now..' yan po ang sabi ni Dada Dean.." bulong nya habang nakapikit, pagkatapos non nakatulog na sya..
Hindi ko alam, pero nakaramdam ako ng kilig..
Napakagat ako sa labi ko habang nakangiti..
Ilang years ko ding hindi naramdaman yung ganitong pakiramdam..
Totoo ba yun?
Napabuntong hininga ako..
Kinabukasan...
Tanghali na ng magising ako, nagising ako ng wala na yung anak ko sa tabi ko..
Hay! saan nanaman kaya nagsusuot yung batang yun?
Bumangon ako at naglakad papunta sa CR para gawin yung morning routine ko..
Pagkatapos kong mag ayos, lumabas na ako sa kwarto..
"Oh! ayan na si Jema... siguro napagod ka kahapon kaya tanghali kana nagising.." sabi ni Carly sakin
"Oo eh, Good Morning..." bati ko sa kanila habang nakangiti, inilibot ko yung paningin ko..
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanficBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito