Dean's POV
Nandito na ako ngayon sa school.
Inaabangan ko si Jema, kung saan ko sya nakabangga..
Anong oras ba dadaan yon, bakit ang tagal naman, baka malate nanaman ako..
Tumingin ako sa relo ko..
Maya maya natanaw ko na sya kaya automatic akong napangiti..
Humarang ako sa dinadaanan nya
"Anong kailangan mo?" tanong nya
"Uhmm alam ko na kasi kung ano yung ipang babayad mo sakin" sabi ko habang nakangiti
Agad namang nag salubong yung kilay nya
"Ano yun?" tanong nya
"gusto ko, ikaw yung magiging personal maid ko tuwing Saturday at Sunday sa bahay..." nakangiting sabi ko
"w-what!!??" kunot noong tanong nya
"sabi ko.. gusto ko, ikaw yung magiging personal maid ko tuwing Saturday at Sunday sa bahay..." pag uulit ko sa sinabi ko, mas lalong kumunot yung noo nya..
"B-baliw ka ba??.." inis na tanong nya
"oh? bakit? magiging yaya lang naman kita.." sabi ko, "yaya lang.. pagsisilbihan mo ako, sasama ka sakin kapag may lakad ako, tapos ayon.. syempre gusto ko doon ka matutulog kapag saturday night.." sabi ko pa
"Baliw ka na nga..." inis na sabi nya
"Ano ka ba.. marangal na trabaho naman yon ha.." sabi ko
"Alam mo, mag isip ka nalang ng ibang pangbabayad ko sayo ok?" inis na sabi nya
"yun lang yung naiisip ko eh.." sabi ko
"Ayaw ko!" inis na sabi nya
"Ok.. sige, mababayaran mo yung 160K na yon sa loob ng 5 months.. ay hindi sige, 7 months pala.. para hindi naman ako lugi.. 7 months, every Saturday at sunday lang.." nakangiting sabi ko habang nakatingin sa kanya
Napaisip naman sya sa alok ko..
Nakatingin lang ako sa kanya habang naka cross arm.
"ano? hindi kana lugi don.. magandang offer na yon.. kung sa iba, ilang year pa bago mo mababayaran yon.." sabi ko sa kanya
Tumingin naman sya sakin..
"B-baka bastusin mo ako don?" tanong nya, napa roll eyes naman ako...
"Hindi ako ganon.." nakangusong sabi ko
"tsk.. hinalikan mo nga ako sa CR.." sabi nya, masama din yung tingin nya sakin, napakamot naman ako
"Biglaan yon.. no choice na ako non.. ang ingay mo kasi.." pag dedepensa ko sa sarili ko
Huminga naman sya ng malalim..
"Ok... sige payag na ako.." sabi nya, pagkatapos nag lakad na sya palayo..
Napangiti naman ako..
"See you sa Saturday!" sigaw ko
Pagkatapos patakbo akong pumunta sa room ko..
Late nanaman ako..
Si Gel ang nakaisip ng idea na yon, at nagustuhan ko naman.
Ok na din yon para naman may bago akong mukha na makikita sa bahay..
-----------------------
Jema's POV
Habang nandito ako sa room, iniisip ko yung napag usapan namin ni Dean..
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanficBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito