Jema's POV
Hindi ako nakatulog dahil sa kakaisip kay Dean.
Habang nag aalmusal kami medyo lutang ako.
Kamusta na kaya sya?
"Tingnan mo yung isa, tulala, hahah" rinig kong sabi ni Kyla
"Kakaisip ata kay ano yan.." sabi naman ni Ced
"Jema, nagising na daw kagabi si Dean, mga bandang 11:30 daw" sabi ni Ces, bigla akong napatingin kay Ces
"T-Talaga??" tanong ko, tumango naman sya
"Hoy Ces bakit mo alam?" tanong ni Kyla kay Ces
"Eh s-sinabi ni Riri.." sagot nya
"Ikaw ha.. anong meron sa inyo?" tanong naman ni Ced
"Gago wala!" sabi nya
"Asus... malalaman ko din yan.." asar ni Kyla
"Alam nyo issue kayo.." irap nya sa dalawa..
Napangiti ako..
Mabuti nalang ok na sya..
Dali dali akong kumaen
"Jema, baka naman maubusan kami ng almusal ha, takaw nito.." sabi ni Kyla, inirapan ko lang sya.
"Nasaan na pala si Jho?" tanong ni Ced
"Bakit?" tanong nya, kakalabas nya lang ng kwarto nya.
"Wala, namiss lang kita.. ano namang ganap nyo ni Bryle kahapon ha?" tanong ni Ced sa kanya
"Wala, nagpasama lang yung tao." sagot ni Jho
"Nagpasama daw, tapos gabi na umuwi..." mataray na sabi ni Ced
"Alam mo, ikaw Ced bitter ka, palibhasa kasi hindi ka inaya mag date.." asar ni Jho
"Hoy inaya kaya ako..." sabi nya, pero nagulat sya na nasabi nya yon
"Oh, edi na dulas ka din hahahah!" sabi ni Jho
"Aaway away pa sila kunware tapos mag didate din pala sila hahaha!" sabi naman ni Kyla
"Oo nga, arte!" asar ni Jho, inirapan lang sila ni Ced
Hahaha, ang kukulit nila
Maya maya umalis na kami para pumasok sa school.
"Hi girls.." bati samin ng mga kaibigan ni Dean ng makarating kami sa school. Inaabangan pala kasi nila yung pagdating namin.
"Oh, bakit nandito pa kayo?" tanong ko sa kanila
"Itatanong lang namin kung sasama ka ba mamaya sa hospital, dadalawin namin si Dean, mamayang gabi na din yung labas nya e" sabi ni Tots
"Osige, sasama ako.." sabi ko sa kanila, "K-Kamusta na pala sya?" tanong ko sa kanya
"Naku, ayon nabaliw na ata ahahhaha!" sabi ni Tots, bigla naman syang sinangga ni Bryle, kaya napatingin sya kay Bryle
"Ingay mo.." sabi ni Bryle sa kanya, pagkatapos tumingin sya sakin, "Jema, ok na si Dean.. masigla na uli" sabi ni Bryle habang nakangiti
"Mabuti naman..." sabi ko habang nakangiti
Nakita kong napatingin si Bryle sa likuran ko, kaya nilingon ko kung sino yung tinitingnan nya..
Hahahaha si Jho...
"Tinitingin tingin mo dyan?" pagtataray sa kanyani Jho, tinawanan lang sya ni Bryle
Kunwari pa to, pero kinikilig yan...
Maya maya nag paalam na kami sa kanila.
"Jema, sasama ka talaga sa kanila mamaya?" tanong sakin ni Ced
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanfictionBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito