Part 2

2.2K 66 1
                                    

Dean's POV

Habang kumakaen kami, napapatingin ako sa kanya.

Maganda naman pala itong babaeng ito.. mukhang dragona nga lang kapag nagagalit.. sampalin ba naman ako kanina..

"Anong course mo sa Ateneo?" tanong ko

"tourism" maikling sagot nya, tumango naman ako

Habang kumakaen kami, nililipat nya yung sim card nya sa bagong phone.

Paminsan minsan napapakamot sya sa ulo nya..

Hahahaha first time nya ata magkaroon ng phone na ganyan..

"Akina... ako na mag lalagay.." sabi ko

Inabot nya naman sakin yung phone at agad kong nilagay yung sim card sa phone.

Na set up ko na din yung phone nya..

Nang matapos ako, binalik ko na iyon sa kanya

"ohh pag aralan mo nalang yan.." sabi ko

"thank you... dapat kasi yung simple lang yung binili mo.. hindi ako sanay sa ganto.." sabi nya

"Ok na yan.. nabili ko na eh.. saka pambawi na din yan sa ginawa ko kanina.." sabi ko, feeling ko namula ako.

Hindi nya naman ako pinansin. 

Nakatingin lang ako sa kanya..

Maya maya nag babasa na sya ng message..

Habang nag babasa sya, parang lumungkot yung mukha nya..

Napainom din sya ng tubig..

"Ok ka lang?" tanong ko, dahan dahan naman syang tumango..

Ano kayang nabasa nya?

Parang gusto kong malaman..

"Ahm may nakalimutan pala akong gawin sa phone mo.. pwede pahiram saglit?" tanong ko, tumango naman sya at inabot sa akin iyon.

Lihim kong pinuntahan yung messages nya.

Merong isang text doon, kaya binuksan ko iyon.

From: Tito ❤️

Jema, sorry hindi ako makakapag padala ngayon para sa tuition mo, nawalan kasi ako ng trabaho dito sa US.. sorry.. gawan nyo muna ng paraan.. babawi si Tito ok? love you

Napatingin ako sa babae,

So Jema ang name nya..

Halata sa mukha nya na problemado sya..

Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya..

Binalik ko sa kanya yung phone..

"Anong ginawa mo?" tanong nya

"A-aahh inadjust ko y-yung brightness.." palusot ko.. napataas naman yung kilay nya..

Ano ka ba Deans.. ang daming pwedeng ipalusot bakit yung brightness pa?

Napaiwas ako ng tingin sa kanya..

Maya maya nag salita uli ako..

"Anong full name mo?" tanong ko

"Jessica Margarett Galanza.." sagot nya, napatango lang ako..

"uhmm Tara balik na tayo sa school.." sabi ko, sumunod naman sya sakin.

Pag dating namin sa school nag paalam na sya sakin..

"Ingatan mo yang phone... at tumingin ka na din sa dinadaanan mo lalo na kapag nagmamadali ka!" sabi ko sa kanya, tumango naman sya

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon