Part 23

2.2K 53 4
                                        

Dean's POV

"Dean.." sabay sabay kaming napalingon sa tumawag sakin..

Napanganga ako ng makita ko kung sino iyon..

Nakatayo sya at nakangiti habang nakatingin sakin..

1 year ko din syang hindi nakita..

Lumapit sya sakin, pagkatapos niyakap nya ako...

Hindi ako makapag react...

"Kamusta kana??" tanong nya sakin nang kumalas sya sa pagkakayakap nya sakin..

Nakatingin lang ako sa mukha nya..

Namiss ko sya...

"Ate Jov..." tawag sa kanya ni Bryle

Jovelyn Gonzaga...

"OMG! Ate Jov, namiss ka namin!" sabi ni Carly, sabay lapit kay Ate Jov at nag yakap sila.

"Oo nga, ang tagal mong nawala ha..." sabi naman ni Gel, nag silapit na din si Riri, at Tots sa kanya para yakapin din sya..

"Long time no see.." bati ni Riri kay Ate Jov, nginitian lang sya nito, pagkatapos tumingin uli sakin.

"Ikaw? Tutunganga ka nalang ba dyan? hindi mo ako namiss??" tanong nya sakin at may halong tampo yung boses nya..

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya..

"Namiss kita.. bakit ngayon ka lang bumalik?" tanong ko sa kanya

"haha, alam mo naman, busy.. kamusta kana?" tanong nya sakin, ngumiti naman ako

"Ito, pogi parin.. hahaha.." pagyayabang ko

Napatingin si Ate Jov sa iba naming kasama..

"Mukhang marami kayong ikukwento sakin ha.." sabi ni Ate Jov..

"Naku Ate, ayang si Dean, maraming ikukwento.." sabi ni Riri, napailing nalang ako habang nakangiti

Si Ate Jov, kaibigan namin sya simula bata pa kami, sya lagi yung nandyan kapag malungkot ako. Ang alam ko nagkagusto sa kanya itong si Riri pero parang tinanggihan sya ni Ate Jov, hindi ko din alam kung anong reason..

Nagkagusto din ako sa kanya dati, pero natakot din ako kasi baka tulad ni Riri baka matanggihan din ako..

"Pakilala nyo naman ako sa mga kaibigan nyo" sabi ni Ate Jov

"Uhm Ehem! ako muna, papakilala ko lang sayo yung pinakamamahal ko Ate Jov.. si Ces.." pakilala ni Riri kay Ces

"Hi po.." bati ni Ces kay Ate Jov

"Hello.. kapag nag loko yang si Riri batukan mo" sabi ni ate Jov kaya nagtawanan kami

"Ate Jov, si Ced nga pala girlfriend ko.." pakilala naman ni Tots kay Ced

"Oh? parang ibang babae yung pinakilala mo sakin noong nakaraan ha" sabi ni Ate Jov kay Tots

"Ate naman.. mamaya hiwalayan ako nyan eh" sabi ni Tots habang nakanguso

"Hahaha.. joke lang.. Hi Ced.. nice to meet you.." sabi ni Ate Jov kay Ced, binati din sya ni Ced

Nakatingin lang ako kay Ate Jov habang nakikipag kilala sya sa mga kasama namin.. nagpakilala na din sa kanya si Kyla..

Ang ganda nya ngyon lalo.. Pero wala na akong feelings sa kanya, natutuwa lang ako dahil nakita ko uli sya..

"Dean, ipakilala ko naman si Jema kay Ate.." sabi ni Gel sakin kaya natauhan ako

"A-Aaahhh Yeah.. u-uhm.. Ate Jov, meet Jema, girlfriend ko.." pakilala ko kay Jema sa kanya, hindi ko alam pero parang biglang lumungkot yung mata nya..

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon