Part 31

2K 52 2
                                        

Dean's POV

"Ok na ba ang lahat?" tanong ko sa mga staff na nag ayos ng venue

"Ok na po sir" sagot nila

"Yung slide show, naka ready na ba?" tanong ko uli sa kanila

"Sir, Ok na po, ready na pong mag play kapag dumating sya" sagot ni Jayson, head ng staff dito sa inupahan kong resort sa pansol

"Eh yung flowers? fireworks? yung mga foods? yung cake? saka yung gift ko sa kanya?" sunod sunod na tanong ko kay Jayson

"Sir don't worry po, nakaready na po lahat" nakangiting sagot ni Jayson

"Bro, ano ka ba, ok na nga daw lahat haha!" sabi ni Gel na nakaupo habang nakatingin sakin at nakapangalumbaba

"Oo nga" sang ayon naman ni Riri

"Ano ba kayo, gusto ko lang maging perfect lahat..." sabi ko, napahawak ako sa noo ko

Ano pa bang nakalimutan ko?

Kinuha ko yung phone ko at nakita kong nagtext si Mafe, malapit na daw sila dito, kasama nya yubg family nya maliban kay Jema. Kasama kasi nila Jho si Jema at sabay sabay silang pupunta dito.

Naglakad ako pabalik balik sa harap ng mga kaibigan ko dahil hindi din ako mapakali.. 

"Bro, relax! nahihilo ako sayo" reklamo ni Bryle

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nya

"Asan na daw sila?" tanong ko sa kanya

"On the way na daw bro.." sagot nya

Maya maya nakita kong pumasok na ng resort sila Mafe, Ate Jov, Tita Fe, at Tito Jesse, agad ko naman silang sinalubong at nag bless ako sa magulang ni Jema.

"Kaawaan ka ng Diyos iho.." sabi ng papa ni Jema

"Wow.. ganda ha.. parang debut lang ha.." sabi ni Mafe habang nakangiti

"Magugustuhan kaya ng ate mo to?" tanong ko kay Mafe

"Naku! Oo naman kuya!" sabi nya

"Dean, nasaan na daw ba sila Jema?" tanong ni Tita Fe

"Uhm, sabi po ni Bryle on the way na daw po sila" sagot ko, napatango naman si Tita Fe

"Dean, baka naman sobrang mahal ng nagastos mo dito? Nakakahiya naman" sabi naman ni Tito Jesse

"Tito, hindi naman po, saka para naman po ito sa mahal ko" sagot ko

Maya maya, lumapit samin yung mga kaibigan ko at binati yung family nila Jema.

"Bro, nandyan na daw sila.." sabi sakin ni Bryle

"Talaga?!" tanong ko sa kanya, tumango naman sya

"Oh? kailangan ba nating mag tago?" tanong ni Tito sakin, ngumiti naman ako

"Uhm, hindi na po tito.." sabi ko, "Wait lang po.." paalam ko sa kanila

Naglakad ako papunta sa Gate at sinundo sila.

Nang makita ako ni Jema agad nya akong niyakap kaya mas lalo akong napangiti

Naka dress sya na color yellow, at talaga namang bagay na bagay sa kanya..

"Nakakainis ka, akala ko kung saan na ako dadalhin ng mga to.." sabi nya sakin habang naka pout

"Halika na, naghihintay na sila" sabi ko, hinawakan ko yung kamay ni Jema pagkatapos naglakad kami papasok

Nang makapasok kami sa gate napatingin ako sa kanya, halata sa mukha nya yung pagkagulat, nirentahan ko kasi itong buong resort..

May mga nakapalibot na sunflower, nag start na din yung slide show na puro picture namin..

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon