Dean's POV
Habang nandito ako sa room namin.. naalala ko nanaman si Jema..
Nabigla talaga ako sa ginawa ko sa kanya kanina..
Pero napansin ko parang first kiss nya yon.. hahahaha
Napapangiti ako habang iniisip iyon.
"Huy! pangiti ngiti ha.." sabi ni Bryle sakin
"Hahahaha, masama ba?" tanong ko sa kanya, umiling naman sya
"Hahahahah hindi, pero iba ang ngiti mo eh.." sabi nya, natawa nalang ako
Si Bryle de Leon, kaibigan ko ito, maya maya lumapit din samin si Tots, Gel, at Riri
"Aba, iba ngitian natin ngayon ha.." sabi ni Riri sakin
"Isa ka pa Ri ha.. mang aasar ka nanaman.." saway ko sa kanya kaya natawa sya
"Mukhang naka move on na kay Ysa.." nakangiting asar sakin ni Tots, kaya tiningnan ko sya ng masama
"shut up.." inis na sabi ko
"Naku! wag nyong iniinis tong kaibigan natin, alam nyo na... baka hindi nanaman tayo pansinin ng tatlong araw.." sabi ni Gel
"Ewan ko sa inyo.." inis na sabi ko
Tinawanan lang nila ako.
Maya maya nagpaalam na ako sa kanila para umuwi.
Pag dating ko sa bahay, ramdam ko nanaman na mag isa ako..
Puro yaya lang yung kasama ko dito sa bahay, yung parents ko nasa ibang bansa, ganon din sila ate..
"Dean, nandito kana pala.. kakaen ka ba?" tanong ni Yaya Lorna.. umiling naman ako
"Hindi po yaya" sabi ko
"Sigurado ka?" tanong nya
"opo.." sagot ko pagkatapos umupo ako sa sofa
"Sure ka na talaga Dean? wala kang gustong kainin?" paninigurado nya
"opo yaya.." walang ganang sagot ko
"osige.. aalis na ako at mag luluto ako ng dinner mo.." paalam nya
Si Yaya Lorna, simula bata yaya na namin yan dito.. parang anak na din yung turing nyan sakin, kilala na din nya ako, kung sino ba talaga ako, kung ano yung totoong ugali ko...
"Wait yaya.." tawag ko sa kanya
"hay nako.. sabi ko na nga ba may kailangan ka eh.." sabi nya, natawa naman ako
"Ya, tumawag ba sila mommy dito?" tanong ko
"Ay hindi pa iho.." sabi nya, tumango lang ako..
Ano pa nga bang bago?
"Sige po, gawin nyo na yung gagawin nyo, magpapahinga lang ako sa kwarto ko.." paalam ko sa kanya
Nakatingin lang sya sakin habang naglalakad ako paakyat.
Pagkapasok ko sa kwarto ko pabagsak akong nahiga..
Habang nakahiga ako naalala ko si Ysa.. 1 month na din pala simula ng maghiwalay kami..
Si Ysa, ex girlfriend ko sya, halos 1 year din yung itinagal namin.
Sa una masaya.. ganon naman talaga sa una diba?? masaya, nakakakilig.. pero kapag nagtagal na, magsasawa na.. tulad nya.. nag sawa agad sya sakin kaya nakipag hiwalay sya sakin.. naalala ko tuloy yung araw na nakipag hiwalay sya sakin..
flasback...
Masaya ako ngayon dahil mag didate kami ni Ysa..
Papunta ako ngayon sa kanila para sunduin sya, nang masundo ko sya agad kaming pumunta ng mall
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanfictionBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito