Dean's POV
Bakit parang feeling ko may tinatago sila sakin??
Sobrang hirap ba ng tanong ko??
Madali lang naman eh... gusto ko kang malaman kung si Ed ba talaga yung daddy ni Dwayne..
Napatingin ako kila Gel
Tatanungin ko ba sila? Or baka si Jema talaga yung kailangan kong tanungin?
Dibale, hahanap nalang ako ng tyempo para makausap si Jema..
Naupo ako sa bakanteng upuan..
"Bro, ok ka lang?" tanong sakin ni Tots
"Yeah, uhm saan pala yung punta natin mamaya?" tanong ko kay Tots
"Naku! baka dito lang din sa Tagaytay..." sagot ni Tots
Napabuntong hininga ako..
"Lalim ha.." sabi ni Riri
"Hay! feeling ko kasi may tinatago kayo sakin ehh.." sabi ko sabay tingin kay Riri, napangisi naman sya
"Parusa sayo yan bro, tagal mong nawala ehh..." sabi ni Riri napailing naman ako
"Hay!" buntong hininga ko
Maya maya bumalik uli si Bryle
"Guys, lunch na tayo para makaalis na tayo.." sabi ni Bryle
Sabay sabay kaming naglakad papasok ng bahay nila Bryle, pagdating namin sa dining area, nakahanda na yung napakaraming pagkaen.
Maya maya nandito na din sila Jema, bagong ligo na si Dwayne, pogi na uli..
"Dean, bakit hindi mo sinama sila Irish dito?" tanong ni Jho sakin
"Ah, may sarili din kasi silang lakad.." sagot ko
Pumwesto na kami sa lamesa
"Dada Dean, tabi po tayo ha.." napatingin ako kay Dwayne
"A-Ahh Sure.. tabi tayo.." sabi ko sabay ngiti
"Mommy, tabi tayo kay dada.." sabi ni Dwayne sa mommy nya
Wala namang magawa si Jema kundi ang sumunod sa anak nya kaya napangiti ako..
Feeling ko tuloy pinaglalapit kami ng anak nya..
Hays! Dean, may asawa na si Jema! tigil na..
Habang kumakaen kami, nagsalita si Bryle..
"Dean, nagtataka ako, bakit kasama mo si Ivy pumunta dito sa Pilipinas? Nandyan naman yung asawa nya.." tanong ni Bryle
"Hmmm.. actually hindi naman nakatira si Shy doon sa US, bumibisita lang sya doon, kasi nga hindi nya maiwanan yung tungkulin nya dito... Nakiusap lang sakin si Shy na kung pwede kong samahan papunta dito yung mag ina nya.." kwento ko
"Ahhh... bakit ano bang tungkulin ni Shy dito?" tanong naman ni Tots
"Pulis kasi sya" sagot ko.
"Ahhh kaya pala.." sabi ni Tots
"Eh ikaw? pagkatapos na hindi matuloy yung kasal nyo ni Ivy, ano ng nangyare sayo?" tanong ni Gel sakin
"Ayon, nagtayo din ako ng business, hindi na ako umasa sa parents ko, hindi din kasi kami ok ngayon ni daddy.." sagot ko
"T-Talaga?? grabe noh? h-hindi ka nag try na makipag ayos?" tanong ni Gel sakin
"Kaya nga ako bumalik dito.. p-para makipag ayos na din sa kanila.." sagot ko
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanfictionBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito