Dean's POV
Maaga palang nandito na kami sa Guyam Island, hinihintay namin yung mga girls dahil nagpapalit sila ng damit.
"Asan na ba sila?" yamot na sabi ko habang nakakunot noo
"Bro, relax, alam mo naman yung mga girls.." sabi ni Bryle sakin
"Oo nga Deans.. hahaha baka magulat ka sa suot ni Jema.." sabi ni Riri, kunot noo akong tumingin kay Riri, pero biglang nahagip ng mata ko si Jema na naglalakad kasama sila Jho..
Sunod sunod yung naging paglunok ko..
Pinagmasdan ko yung suot ni Jema, naka 2 piece sya...
Ang ganda ng hubog ng katawan nya at bagay na bagay sa kanya yung suot nyang 2 piece...
"Wwooaahh! hahaha Deans, ano na? tulala kana dyan.." asar ni Tots sakin
Nang makalapit sakin si Jema wala parin ako sa sarili..
"B, ok ka lang?" tanong nya sakin
"H-Ha?? O-Ok lang... b-bakit ganyan suot mo..?" utal na tanong ko sa kanya
"B-Bakit? Pangit ba??" tanong nya sakin at tiningnan yung sarili
"Deans.. bagay naman kay Jema.." sabi ni Jho..
Bagay nga.. pero sobrang sexy nya...
"B-Bagay B.. pero baka mamaya pagtinginan ka ng mga lalaki nyan.." sabi ko sa kanya, narinig kong nagtawanan yung mga kasama ko
"hahahah! Ano ka ba Deans.. gusto mo ba naka suot pang madre si Jema habang naliligo dito sa beach?" asar ni Tots sakin, tiningnan ko lang sya ng masama..
"B, wag kang mag alala.." sabi ni Jema sabay lapit ng bibig sa tenga ko, "Sayo lang ako.." bulong nya, napalunok uli ako at ramdam ko na namula yung tenga ko..
"Hahahahah! Deans.. ok lang yan.. tara na.. enjoy na tayo!" sabi ni Bryle.
Hay! sige na nga... Hindi nalang ako lalayo sa kanya.. baka may lalaking lumapit dito..
Pero sabi nya naman... sakin lang sya.. hehehe kaya ok na..
"B, lagyan mo naman ng sun block yung likod ko.. di ko abot.." sabi nya sakin habang naka pout, kinuha ko yung sun block at nilagyan ko yung likod nya..
"Ang sweet naman!" asar samin nila Riri
"Talaga!" pagyayabang ko
Magdamag kaming nag swimming sa beach, hindi din ako humihiwalay kay Jema, kapag nay tumitingin sa kanyang lalaki inaakbayan ko sya..
Tsss! hanggang tingin lang sila...
Nang magsawa kami sa kakaligo sa dagat nagpahinga muna kami at nag lunch..
Nang matapos kaming kumaen, nagpunta kami ni Jema sa dalampasigan at doon naupo..
"B, nakausap mo na ba sila Jho?" tanong ko sa kanya, napakunot noo naman si Jema at tumingin sakin
"Tungkol saan B?" tanong nya
"B naman.. diba sabi ko, magsama nalang tayo sa iisng condo? para naman makatipid ka.." sabi ko sa kanya, parang naalala nya naman yung pinag usapan namin nung nakaraang araw
"Oo nga pala B.. uhm, baka pag uwi natin sa Manila itatanong ko sila ok? sa ngayon gusto kong mag enjoy muna tayo.." sabi nya sakin sabay pisil sa pisngi ko, ngumiti lang ako
Tumayo ako at umupo sa likod nya, pagkatapos niyakap ko sya, sumandal naman sya saakin.
"B, parang gusto ko na ganto nalang tayo maghapon.. ayaw ko ng lumangoy..." bulong ko sa kanya, narinig kong tumawa sya pagkatapos hinampas nya ng mahina yung braso ko
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanfictionBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito