Dean's POV
Ilang araw ko ng napapansin na parang balisa si Jema, parang ang lalim ng iniisip nya.
Baka iniisip nya parin yung parents ko. Baka nalulungkot sya.
Ring... Ring... Ring...
Napakunot yung noo ko nang makita kong tumatawag si Ate Maddie, sya yung pinagkakatiwalaan ko sa Sachi Ramen House, kilala ko na sya simula bata pa, sya yung ate-atehan ko, kilala din sya nila Bryle, Tots, Gel at Riri.
"Te Madz.." sagot ko
"Dean, may problema tayo.." sabi ny sakin, napakunot yung noo ko
"A-Ano yun?" tanong ko
"Hihintayin kita dito sa office ko, dito sa Sachi Ramen House, dito natin pag usapan.." sabi nya sabay baba ng phone, medyo kinabahan ako dahil mukhang seryoso si Ate Madz, tumingin ako sa relo ko.
Malapit ng mag uwian sila Jema, sakto lang pala yung pag tawag ni Ate Madz, dederetso na kami doon ni Jema dahil magtatrabaho din ngayon si Jema..
Dali dali akong pumunta sa parking kung saan naka park yung sasakyan ko.
Nang mkarating ako sa tapat ng ICATS, nakita ko si Jema na naghihintay sa labas at parang ang lalim ng iniisip.
May problema ba sya?
Bumaba ako ng sasakyan at lumapit sa kanya.
"B.." tawag ko sa kanya, parang natauhan naman sya
"B, n-nandyan kana pala.." sabi nya
"L-Let's go?" tanong ko sa kanya, pero nakatingin ako sa mga nata nya, tumango naman sya
Nang makasakay kami sa sasakyan tumingin uli ako sa kanya.. hindi ko na natiis kaya naman nagtanong na ako sa kanya..
"B, m-may problema ba? p-parang ilang araw na kasi kitang napapansin na tulala at parang wala sa sarili.." tanong ko sa kanya, tumingin sya sakin at tipid na ngumiti
"B, pagod lang ako, pahirap na kasi ng pahirap yung training namin.. hindi ko nga alam kung papasa ako.." sabi nya
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya..
"B, I know na kaya mo yan ok? Malakas ka diba?" tanong ko sa kanya, tumingin sya sakin at ngumiti
"Thank you.. ikaw nalang yung nagpapalakas sakin B kapag naiisip kong sumuko nalang.." sabi nya, nakita kong nangilid yung luha sa mga mata sya kaya agad kong pinunasan iyon..
"Thank you kasi hindi ka sumusuko lalo na sa pangarap mo.. isipin mo nalang yung family mo.. kapag natupad mo yung pangarap mo maiaahon mo na sila sa kahirapan.." sabi ko, kumalas sya sa pagkakayakap ko
"Hay! paano nalang ako kapag wala ka?" tanong nya sakin
"Hindi naman ako mawawala.." sabi ko, tumingin sya sakin at pinisil yung pisngi ko..
Habang nasa byahe kami katulad ng dati nagkukwentuhan kami, pagdating namin ng MOA kumakaen muna kami bago dumeretso sa Sachi Ramen House..
Nang makarating kami sa Sachi Ramen House nag bihis agad si Jema, ako naman dumeretso sa office ni Ate Madz..
Pag pasok ko napatingin sya sakin
"Sorry, na late ako, sinundo ko pa kasi si Jema.." sabi ko
"It's OK.." sabi nya, "Dean, m-may problema tayo.." sabi nya
"A-Ano yun?" tanong ko
"Y-Yung pinagkukunan natin ng products para sa Ramen, ayaw ng mag bigay satin... tinerminate din nila yung contract natin.." sabi ni Ate Madz, nasapo ko yung noo ko
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanfictionBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito