Dean's POV
Nandito kami ngayon sa airport, nakasakay na din kami sa eroplano at anomang oras pwede ng umalis.
Excited at masaya ako dahil ngayon ko lang makakasama si Jema sa pagtravel.
Naramdaman kong sumandal si Jema sa balikat ko kaya naman hinawakan ko yung kamay nya.
"Sleepy?" tanong ko sa kanya, tumango naman sya habang naka pout kaya napangiti ako.
Ang cute cute nya talaga kapag ginagawa nya yun.
"Tulog ka muna B.." sabi ko sa kanya, isiniksik nya yung ulo nya sa leeg ko, maya maya napansin kong tulog na sya.
Ang bilis talagang makatulog nito..
Ilang minuto lang yung byahe namin. Paglabas namin ng airport ng Siargao...
"Cousin!" napatingin kami sa nag salita, nang makita ko sya napangiti ako.
"Angel!" nakangiti akong lumapit sa kanya.
"Bro, sya ba yung pinsan mo na sinasabi mo samin na kasama natin dito?" tanong ni Bryle sakin, tumango ako
"Yeah, actually galing pa sya ng ibang bansa, nainip ata sa Manila kaya nauna na dito.." sagot ko, pinakilala ko yung mga kaibigan ko sa pinsan ko, nang ipakilala ko na sya kay Kyla napansin kong kakaiba yung tingin nya dito..
Hmmmmm... parang alam ko na to...
Si Angel pinsan ko, sa ibang bansa sya lumaki, pero marunong naman syang mag tagalog kahit papaano..
Habang naglalakad kami papunta sa sasakyan tumabi sakin si Angel..
"Bro" bulong nya sakin kaya napatingin ako sa kanya.
"Yes?" tanong ko
"S-Single ba si Kyla?" pabulong na tanong nya sakin, napangisi naman ako
"Bakit?" tanong ko sa kanya, napanguso naman sya
"N-nothing.." utal na sagot nya
Sus.. nothing daw... ahahaha ayaw pa umamin..
"You like her?" tanong ko sa kanya
"N-no..." pagmamaang-maangan nya kaya natawa ako, liningon ko si Jema na kasabay maglakad si Kyla
Dala dala ko yung gamit naming dalawa, nang makalapit sila ni Kyla samin hinawakan ko yung kamay ni Jema, pagkatapos tumingin ako kay Kyla
"Kyla, sabayan mo nga yung pinsan ko hahah.. walang kasabay kawawa naman.." sabi ko sa kanya, napangiwi naman si Kyla at tumingin kay Angel kaya napayuko yung pinsan ko
Ahahahha! torpe...
"Bakit ko sasabayan yan eh hindi ko naman close yan.." mataray na sabi ni Kyla
"Hahaha, pwede namang getting to know each other.." sabi ko sabay wink sa kanya, inikutan nya lang ako ng mata
"Haha, halika na nga B, mamaya maasar pa sayo yang si Kyla.." sabi sakin ni Jema, naglakad kami papunta sa van, pagpasok namin doon nakapwesto na din sila Bryle sa loob at kaming apat nalang yung hinihintay
Habang nasa byahe kami, bigla akong may naalala..
Tumawag nga pala si Ate kanina sakin, malapit na daw bumalik sila Mom and Dad.. sana naman wag silang magtagal dito..
Kung dati gustong-gusto ko na umuuwi sila dito, ngayon parang ayaw ko na..
Ang ipinagtataka ko lang, bakit alanganin ng uwi nila? Parang kinakabahan ako..
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanfictionBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito