Part 54

2.1K 78 20
                                    

Dean's POV

Habang naglalakad ako pabalik sa cottage namin, nakita ko sa malayo si Jema at si Ed na magkayakap...

Aray!

Napahawak ako sa dibdib ko dahil kumirot nanaman iyon..

Ang sakit sa mata ng nakikita ko.. ako dapat yung nasa posisyon nya eh...

Naramdaman ko yung pagpatak ng luha ko...

"bro.." mabilis kong pinunasan yung luha ko ng nakita kong palapit sakin si Bryle..

Tiningnan nya yung tinitingnan ko pagkatapos tumingin uli sya sakin...

Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin..

"Wag mo nalang silang tingnan bro kung nasasaktan ka.." sabi nya, dinala nya ako sa cottage namin at pinaupo ako doon..

Naalala ko yung posisyon ni Jema at ni Ed kanina..

"Ganito ba talaga kasakit magmahal bro? h-hindi ba pwedeng maramdaman yung pagmamahal ng walang sakit na nararamdaman?" sunod sunod na tanong ko kay Bryle habang nakatulala..

Nakatingin lang sya sakin at para bang awang awa sa akin.. pumatak nanaman yung luha sa mata ko..

"D-Dati, y-yung pagmamahal yung bumubuhay sakin... p-pero p-parang ito din yung ikakamatay ko..." sabi ko habang nakatulala, tuloy tuloy din yung pagpatak ng luha ko, lumapit sakin si Bryle at niyakap ako..

"Ang hirap magpanggap... ang hirap magpanggap na hindi ako nasasaktan.. na hindi ako na aapektuhan, k-kasi sa tuwing makikita ko sya, n-naaalala ko yung sakit na h-halos ikabaliw ko.." sabi ko habang umiiyak... "A-Ang hirap bro!"  paos na sabi ko

Walang salitang binitawan si Bryle, niyakap nya lang ako hanggang sa maging ok ako..

Maya maya, tumigil na ako sa pag iyak..

Sinuot ko yung shades ko para hindi mahalata ng mga kaibigan ko na umiyak ako..

Kinahapunan, bumalik na dito sa cottage yung mga kaibigan namin ganon din si Jema at si Ed..

"Guys! Stay tayo dito.. bukas na tayo umuwi.. rent tayo ng videoke.. chill chill" sabi ni Bryle

"Ay! Bet ko yan.." sabi ni Jho..

Nakita ko si Ivy na nakatingin sakin, alam kong alam nya na hindi ako ok..

Lumapit sya sakin at niyakap ako, nakita kong nagsitinginan samin yung mga kaibigan namin..

"Aayiie! init init eh nagyayakapan!" sabi ni Ced habang nakatingin samin, pilit kong pinasaya yung awra ko..

"Ok ka lang Adi??" mahinang tanong sakin ni Ivy, umiling ako..

"Gusto mo ba syang kausapin?" tanong uli ni Ivy sakin

"Nakausap ko na sya kanina.." sabi ko

"Hmm.. ay, nandyan na pala si Shy.. kasama ko sya kanina" sabi sakin ni Ivy habang nakangiti

"Ok..." maikling sabi ko




Kinagabihan, nandito na sa cottage namin yung videoke, nakabili na din ng inumin sila Bryle, nakatapos na din kaming mag dinner..

Kumuha ako ng isang beer at binuksan yon..

"Wow.. hahah hindi pa nakakababa kinaen namin bro magsisimula kana?" tanong ni Gel sakin

"May problema ata to." sabi naman ni Angel..

Nakita kong kumuha din ng beer si Jema..

"Ay! tingnan mo yan.. may problema din ata?" sabi din ni Kyla habang nakatingin kay Jema

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon