Dean's POV
Sunday..
Ilang araw na din simula ng makauwi kami galing sa Siargao.
Nandito ako ngayon sa apartment nila Jema, tinutulungan ko kasi syang mag ayos ng mga gamit nya. Pumayag na kasi sya na doon na sya titira sa condo ko, syempre kasama nya ako..
Hindi naman gaano karami yung gamit ni Jema, actually isang hakutan nga lang ito, balak kasi naming mamili ng mga gamit pagkatapos naming maayos itong mga gamit nya sa condo mamaya..
Pagkatapos naming mag ayos ng gamit nya, isa isa ko iyong dinala sa sasakyan.
"Jema kapag nagka problema ka don alam mo naman kung saan bahay namin diba? Welcome na welcome ka don.." rinig kong sabi ni Kyla kaya napatigil ako sa harap nila
"Kyla, don't worry, aalagaan ko si Jema don.." sabi ko
"Aba dapat lang no... kapag ito nangayayat lagot ka sakin.." pagtataray nya sakin, natawa nalang si Jema, nagsilabasan na din sila Jho mula sa kwarto nila..
"Jema, kita nalang tayo bukas sa ICATS ha? hihintayin daw tayo ni Ed don.." sabi ni Jho, napatingin ako sa kanila..
"Ed??" tanong ko kaya napalingon sila sakin
"Oo, si Ed.. yung kaibigan namin.." sagot ni Ced
"A-Aaahh.." sabi ko sabay tango, nagpatuloy nalang ako sa pag hahakot ng gamit habang si Jema nagpapaalam sa mga kaibigan nya..
Ed? ramdam ko may gusto ay Jema yun eh..
Hindi ko muna inisip masyado iyon, itatanong ko nalang siguro next time si Jema..
Nang matapos ko ng dalhin lahat ng gamit ni Jema sa sasakyan ko, lumapit na ako sa kanila..
"Jema, nahakot ko na lahat.." sabi ko, tumingin si Jema sa mga kasama nya
"Mga bes, pano ba yan.. ingat kayo ha.. mamimiss ko kayo.. kita nalang bukas ha.." sabi nya samin
"Bye Jema.. ingat ha.." sabi ni Kyla pagkatapos tumingin sakin, "Dean ingatan mo yang beatfriend ko.." sabi nya sakin, ngumiti ako at tumango..
"Wag kayong mag alala, aalagaan ko si Jema... mahal ko to eh.." sabi ko sabay akbay kay Jema..
Nakipag kwentuhan pa ng konting minuto si Jema, maya maya umalis na kami..
Nang nakarating kami sa condo ko inilibot ni Jema yung paningin nya..
"Ang lawak naman dito B.." sabi nya, napangiti naman ako
"syempre kapag bubuo na tayo ng pamilya kailangan talaga ng malaking space.." sabi ko, hinawakan ko yung kamay nya at hinila paupo sa sofa.. (Wow the house of us lang? haha)
"Balang araw B, uupo tayo dito at papanoorin natin yung mga magiging anak natin na naglalaro dyan kasama si Milo..." sabi ko habang nakaturo sa isang space na nasa harap namin, nakita kong napangiti si Jema
"Tapos dyan sa wall ilalagay natin yung pagkalaki-laking picture frame, at syempre ang picture na nakalagay dyan ay yung kinasal tayo.." sabi ni Jema, mas lalo akong napangiti dahil sa sinabi nya, "Gagawa tayo ng maaarraaaaamiing memories....." dagdag nya pa..
"Ayang TV na yan, papalitan ko yan ng mas malaki pa, para naman mas maganda lalo kapag nagmo-movie date tayo kasama ng mga magiging anak natin.." sabi ko habang nakaturo sa TV na nasa harap namin..
"Gusto ko lagi mo akong sasamahan kapag nag gogrocery ako..." sabi nya
"Oo naman.. tapos pagkatapos nating mag grocery ipagluluto mo ako ng mga paborito kong ulam.." sabi ko habang nakangiti
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanfictionBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito