Part 41

1.8K 53 8
                                    

Jema's POV

Nagising ako kinabukasan dahil sa naramdaman ko yung paggalaw ni Dean.

Ramdam ko yung sakit ng katawan ko.

Tumingin muna ako kay Dean na mahimbing yung tulog, dahan dahan akong naupo, nang makaupo ako nasapo ko yung noo ko ng maalala ko yung nangyare kagabi.

Nakakahiya... Pero wala akong pinagsisihan sa nangyare kagabi, alam kong parehas naming ginusto ni Dean iyon..

Alam kong walang mabubuo dahil nasa safe date ako para maiwasan yung pagbubuntis..

Napatingin ako sa relo..

5 AM.. maaga pa pala.. 9 AM kasi yung pasok ko sa training namin..

Dahan dahan akong umalis sa kama para hindi magising si Dean, nang makatayo ako isa isa kong dinampot yung short at underwear ko, hindi ko na kinuha yung damit ko dahil nadaganan iyon ni Dean, lumapit nalang ako sa cabinet ni Dean at kumuha ng isang damit..

Pagkatapos kong nakapili ng damit, pumunta ako sa CR nya para gawin yung morning routine ko..

Nang matapos kong gawin yung morning routine ko lumabas na ako para magluto ng breakfast namin ni Dean..

Pancake, hotdog, at bacon ang niluluto ko, ito kasi yung paborito ni Dean..

Habang nag luluto ako naramdaman kong may yumakap sa likod ko kaya napangiti ako.. 

Gising na sya..

"Good Morning b.." bulong nya sakin sabay halik sa leeg ko, nakaramdam ako ng kiliti

"Good morning, upo kana don para makakaen na tayo B, malapit ng matapos to.." sabi ko sa kanya habang nakangiti

"Nakakahiya naman, dapat ako yung gumagawa nyan eh" sabi nya, tumingin ako sa kanya at natawa

"Bakit? marunong ka bang mag luto?" tanong ko sa kanya

"Oo, prito prito nga lang.." sagot nya, natawa uli ako

"Upo kana don, pagsisilbihan kita ngayon ok?" sabi ko sa kanya sabay halik sa lips nya, pero smack lang, sumunod naman sya sa sinabi ko, naupo sya sa sily at naghintay ng pagkaen.

Nang matapos akong magluto agad kong nilagyan yung plato nya, tinimplahan ko na din siya ng coffee..

"B, 9AM pa yung pasok mo diba?" tanong ni Dean habang kumakaen, bago ako sumagot binigay ko muna yung coffee nya naupo ako sa harap nya

"Oo, hay! alam ko, isang nakakapagod na training nanaman to.." sabi ko

"Alam kong kaya mo yan B.." sabi nya habang nakangiti, tiningnan ko sya ng matagal

"Ikaw B, sa Sachi Ramen House ka ba pupunta?" tanong ko sa kanya

"Opo, susunduin kita mamaya, papasok ka diba?" tanong nya sakin, tumango naman ako, "Kung wag ka muna kayang pumasok B? Pahinga ka muna mamaya" sabi nya sakin

"Ano ka ba.. hindi pwede, kailangan ko ding magtrabaho ngayon.." sabi ko sa kanya

Gusto ko sana yung sinabi nyang magpahinga muna dahil ang sakit din ng buong katawan ko kasi hindi pwede, nang hihingi din kasi sakin ng budget si Mafe..

Nang matapos kaming kumaen, naligo na ako at nag prepare, bawal kasi yung nalilate sa amin..

Halos isang oras at kalahati din yung tinagal ko para makapag prepare, paglabas ko ng kwarto ko nakita ko si Dean sa sofa na nakaupo at nakatingin sa phone nya, nang maramdaman nyang lumabas na ako ng kwarto ko napatingin sya sakin at napangiti, tumayo sya at lumapit sakin..

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon