Dean's POV
Saturday na.. nandito ako ngayon sa garden namin.
Hinihintay ko kasi si Jema.. ngayon yung start nya..
Nang mainip ako, pumasok muna ako sa loob ng bahay..
"Yaya, kapag dumating si Jema, paki briefing sya ng mga gagawin nya bilang personal maid ko.. pakilinis din ng kwarto sa katabi ng kwarto ko, doon sya matutulog mamaya.." sabi ko kay Yaya Lorna
"Sige iho.," sagot nya, nag lakad naman ako papunta sa kwarto ko..
Pag pasok ko, naupo ako sa study table ko..
Hay baka hindi na pumunta dito yun..
Pero siguro hindi naman sya ganon..
Naalala ko nanaman yung nangyare sa CR noong nakaraang araw, kaya napangiti ako..
Bakit ba hindi maalis sa isip ko yun?
"Hayyy!!" buntong hininga ko
Binuksan ko yung laptop ko para gawin yung model ng bahay na gagawin ko.. autocad lang ang gamit ko..
Bibili pa pala ako ng mga gagamitin ko para sa project na ito..
After kasi na magawa ko yung design, gagawin ko naman sya sa actual.. kung baga bubuuhin ko yung bahay..
Ilang oras din akong nabusy sa kaka autocad ng bahay..
Napatingin ako sa orasan ko..
Wala pa ba sya??
Maya maya, may kumatok..
"Bukas yan.." sigaw ko
Pumasok naman si Yaya Lorna..
"Dean, nandito na sya.. nasa baba" sabi ni Yaya
"kakarating nya lang ba?" kunot noong tanong ko
"Hindi, kanina pa, sabi mo kasi i briefing ko sya.. kaya ayon, kakatapos lang namin.." sabi ni Yaya, napakamot naman ako sa kilay ko..
"O-ok.. pakisabi sa kanya paki handaan ako ng lunch.." sabi ko
"Sige iho, ano ulam ang gusto nyo?" tanong ni Yaya
"Adobong chicken.." sagot ko
"Dito ka ba kakaen or doon sa dining room?" tanong nya uli
"Dito sa kwarto" sagot ko
"Si Ms. Jema, saan kakaen?" tanong nya uli
"Kahit saan yaya.." sabi ko
"Ok sige.. bababa na ako ha.. wala ka ng ibang utos..?" tanong ni Yaya
Napakamot uli ako sa kilay ko
"Wala na po.." sagot ko
"Ok po sige... bababa na ako ha.. sure ka ha.." sabi nya, napa roll eyes ako..
Ang kulit... pero sanay na ako dyan..
"Opo.." walang ganang sabi ko
Napasandal naman ako sa upuan ko..
Malaki nga ang bahay namin, pero parang walang buhay.. Mga kasama ko dito puro yaya lang..
Sila Mommy kasi nasa ibang bansa.. May dalawa akong kapatid, si Ate Cy at si Ate Nicole.. kaso nasa ibang bansa sila at may kanya kanyang buhay na..
Ako lang ang naiwan dito.. binibisita naman nila ako dito kaso dalawang beses lang sa isang taon..
Pero kahit papaano, hindi naman sila nagkulang sa pag bigay ng pangangailangan ko.. sobra sobra pa nga.. kaya yung itinulong ko kay Jema barya lang sakin yon..
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanfictionBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito