Part 39

1.8K 68 12
                                        

Jema's POV

Isang buwan na ang nakalipas simula ng mangyare yung nakakahiyang karanasan ko sa restaurant ni Dean.

Aaminin kong nainis ako dahil inilihim nya sakin na sa kanya pala yung restaurant na yon, pero mas pinili kong intindihin sya.

Ilang buwan na din kaming nag titraining, nakakapagod, stress, pero kailangan kayanin.

4 months din yung training namin, 3 months nalang at tapos na kami, pagnatapos kaming mag training mag aapply na kami.

Sa isang buwan naming pagsasama ni Dean parang ang gaan lang, masaya, syempre sya yung kasama ko, palagi nya din akong hinahatid at sundo, kaso minsan nag aaway kami dahil kay Ed dahil parang napapadalas dito ngayon si Ed para lang makita kami.

Habang naglalakad kami palabas ng ICATS nakasalubong uli namin si Ed..

"Hi Ed, parang simula nung nag titraining kami dito parang halos araw araw ka dito ha.." sabi ni Jho

"Hahaha.. eh namimiss ko kasi kayo.." sabi naman ni Ed

"Sus.. hahaha parang isa lang yung namimiss mo.." sabi naman ni Ced

"Hahah, kayo talaga.. baka anong isipin ni Jema nyan ha.." sabi ni Ed na para bang nahihiya, pero nagulat ako sa sinabi ni Ed

"Hahaha, wala naman kaming binanggit na pangalan, ikaw na din yung naghulog sa sarili mo hahahah!" asar ni Ced, tama siya.. wala syang binanggit na pangalan, si Ed na din mismo ang nag banggit ng pangalan ko, halatang natigilan si Ed..

"U-Uhm...a-ano ba kayo haha.. akala ko kasi si Jema yung tinutukoy nyo.." sabi ni Ed, tumingin sakin si Ed na para bang nahihiya, nakatingin lang din ako sa kanya..

Huminga sya ng malalim..

"Ok.. J-Jema.. pwede ba kitang makausap? kahit saglit lang?" tanong ni Ed sakin

Parang naramdaman ko na kung saan patungo itong pag uusapan namin..

Pero kailangan kong magpakatotoo sa kanya..

Tumango ako, naglakad sya palayo, sumunod naman ako..

Nang nakarating kami sa labas huminto sya..

"J-Jema.. thank you k-kasi pumayag ka na makausap kita ngayon.." sabi nya

"Ed, pwede bang diretsuhin mo nalang ako? baka kasi dumating na si Dean at baka magselos na naman sya.. ayaw kong nasasaktan ko yung taong mahal ko.." sabi ko kay Ed, napayuko naman sya..

"J-Jema, mahal kita, s-simula pa nung college.. s-sorry pero hindi ko dapat to nararamdaman, pero naiinis ako kapag nakikita ko kayong magkasama.. J-Jema s-sana pala nilakasan ko yung loob ko dati, sana pala inamin ko nalang sayo yung nararamdaman ko sayo, s-siguro tayo----"

"Ed, kahit na sinabi mo sakin dati yan walang magiging tayo.. alam mo kung bakit? Kasi kaibigan lang yung tingin ko sayo.. hanggang don nalang yun.." mahinahon na paliwanag ko kay Ed, halatang nasaktan sya sa sinabi ko

"Ed, sana maintindihan mo ako, s-sana maging masaya ka nalang saming dalawa ni Dean.. sya yung mahal ko eh.." dagdag ko pa

Napangisi sya, pero kita parin yung pagkadismaya sa mukha nya..

"Jema, b-baka pwede namang ako nalang yung mahalin mo? P-Promise.. mas hihigitan ko pa yung pagmamahal na binibigay nya, ipagmamalaki kita, tutulungan kita, mas tatanggapin ka ng pamilya ko kaysa sa pamilya ni Dean.. hindi ka tanggap ng parents ni Dean!" sabi nya, natigilan ako sa sinabi nya

"E-Ed, a-anong pinag sasabi mo?? Tanggap ako ng parents ni Dean.. sabi ni Dean yun..." kunot noong sabi ko, natawa sya sa sinabi ko

"Sabi ni Dean yon... Jema imulat mo nga yang mga mata mo! Hindi ka tanggap ng parents niya! At sila mismo yung nagsabi non! Halos isang buwan na dito yung magulang ni Dean pero kahit kailan hindi ka manlang pinadalaw sa kanila! Nagsisinungaling lang sayo yang boyfriend mo---" dahil hindi ko na natiis yung mga pinag sasabi nya bigla ko syang nasampal

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon