Part 48

1.8K 56 24
                                    

Dean's POV

Habang nag dadrive ako, kinukulit ako ni Adi..

"Huy! alam mo ba talaga kung saan yon?" tanong nya sakin

"Oo naman! Sa Santolan lang yon!" inis na sabi ko

"Sungit talaga nito.." irap nya sakin..

Saan nga ba kami papunta ngayon??

Papunta lang naman kami sa Camp Crame..

Nang makarating kami doon, nakita kaagad namin yung isang lalaki na nakatayo at naghihintay.. Nang ihinto ko yung sasakyan mabilis na lumabas si Adi..

Nakita ko na bigla silang nagyakap ng lalaki nang makalapit si Adi sa kanya..

Natawa nalang ako...

Tsss! Iwan kita dito eh..

Si Shy.. boyfriend ni Adi..

Natawa ako ng bigla kong maalala yung naging pag uusap namin ni Adi nung nagkita kami sa US..

Flashback..

Nandito kami ngayon sa isang restaurant sa San Francisco..

Habang hinihintay namin yung magiging fiancée ko, nag eemote ako habang iniisip ko si Jema..

Maya maya, nagsalita si daddy..

"Kumpare!" bati ni dad, napatingin ako sa mga dumating, lumaki yung mata ko ng makita ko si Adi, Ivy yung totoong name nya pero Adi yung tawag ko sa kanya.. 

"Ikaw/Ikaw??!" sabay naming sabi ni Adi

"Hahah oo nga pala, magkakilala na sila.." sabi ng daddy ni Adi

Umupo si Adi sa harap ko habang nakakunot noo, ganon din naman ako sa kanya. 

"Namiss ata nila ang isa't isa.. hahah!" sabi ng daddy ni Adi

"Oo nga..." sang ayon ni daddy..

Sya? Namiss ko? never!

Habang kumakaen ako, napapansin kong tinitingnan ako ng masama ni Adi pero hindi ko sya pinapansin..

Maya maya tumingin si Adi sa daddy nya..

"Dad, pwede ko bang makausap muna si Dean?" tanong ni Adi sa dad nya kaya napatingin ako sa kanya

"Sure anak..." sabi ng daddy nya, tumingin sya sa daddy ko, "Excuse po muna tito.." sabi nya kay Dad

"Sige iha.." sabi ni dad kay Adi

Naglakad na si Adi palabas ng restaurant, sumunod naman ako sa kanya habang nakasimangot..

Nang makalayo kami nagsalita na ako..

"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya, tumingin sya sakin..

"Gusto ko lang sabihin na ayaw ko sayo.. hindi kita gusto.." sabi nya sakin, napanganga ako dahil sa sinabi nya..

"Wow! As if naman na gusto din kita... hoy! hindi ikaw yung tipo ko noh!" pagsusungit ko sa kanya, napa cross arm sya habang nakatingin sakin

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon