Part 55

2.1K 58 5
                                    

Jema's POV

Nandito ako ngayon sa room namin at iniisip yung naging sagutan naming dalawa ni Dean kagabi.

Pagkatapos nya akong yakapin kagabi, iniwan nya akong mag isa doon..

"Jema, nasaan yung mga boys?" tanong sakin ni Jho kaya bumalik ako sa ulirat ko

"E-Ewan ko, h-hindi ko alam.." sagot ko

"Girl, wag mong tatanungin yan, iyak ng iyak kagabi yan" sabi ni Kyla

Lumapit sakin si Jho kaya nagsilapitan na din sila Kyla, Carly, Ced at Ces, wala dito sa room namin ngayon si Ivy..

Baka kasama ni Dean..

"Jema, nagkausap na kayo ni Dean kagabi diba?" tanong sakin ni Jho, tumango ako

"Nasabi mo na sa kanya?" tanong ni Ced, tumango uli ako

"Parehas lang naman kasi kayong nasaktan Jema, siguro hindi pa yon yung tamang panahon para sa inyo..." sabi ni Ces, napabuntong hininga ako

"Or, baka hindi naman talaga kami yung para sa isa't isa..." sabi ko

"Ano ka ba, wag kang mag iisip ng ganyan.. wag mong pangunahan yung mga mangyayare... sa ngayon ang mas maganda nyong gawin ngayon, go with the flow lang.." sabi ni Jho

"Alam mo ba Jema, nung anniversary nyo, mag popropose sana sayo si Dean.." sabi ni Carly kaya napatingin ako sa kanya

"H-Hindi ko alam.." sabi ko, napayuko naman sila

"So, anong plano mo ngayon Jema?" tanong ni Ced

"Wala, sabi nga ni Jho, go with the flow lang.. pero hindi ko parin maitatanggi na sya parin yung mahal ko.." sabi ko sa kanila

"Hay! bakit ba kasi kailangang mangyare sa inyo yan?" tanong ni Ced, nagkibit balikat naman ako

Natulog lang kami maghapon dahil sa puyat, inumaga na kasi kami sa San Juan resort kaya naman ramdam yung pagod..

Kinagabihan, hindi parin namin nakikita yung mga boys, maging si Ivy..

"Naiinis na ako! ni hindi ma contact!" inis na sabi ni Jho habang hawak hawak yung phone

"Wala ba sila sa room nila?" tanong ko

"Hay naku! wala!"  inis na sagot nya

Nasaan naman kaya yung mga yon?

Maya maya, may sunod sunod na kumatok sa room namin. 

"Jho!" rinig naming sigaw ni Tots

Mabilis na pumunta si Jho sa pintuan at binuksan iyon.. 

Nakita namin na hingal na hingal si Tots..

Hinawakan nya yung kamay ni Jho..

"Sumunod kayo sakin!" sabi ni Tots kiya ko yung pag aalala sa mukha nya

Napabangon kami at sumunod sa kanila, nakalimutan na din naming isarado yung pinto ng room namin dahil sa kakamadali..

"Tots! ano nangyare?!" nag aalalang tanong ni Jho

"Bilisan natin! wala na akong oras oara mag kwento! kailangan ka ni Bryle!" mangiyak ngiyak na sabi ni Tots, halatang mas lalongnag alala si Jho

"Nasaan sila Dean?!" tanong ko kay Tots

"N-Nasa dagat! hindi ko sila makita!!" sabi nya

Kinabahan ako dahil sa sinabi ni Tots..

Tangina!

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon