Dean's POV
Nagising ako kinabukasan dahil may doorbell ng doorbell..
Nagpalinga linga ako..
Nakatulog pala ako dito sa sofa..
Napatingin ako sa picture frame na hawak hawak ko..
ding! dong!
Natauhan ako dahil tumunog uli yung doorbell ng room ko..
"Sagleeeettt!!" sigaw ko, alam kong si Adi ito
Ibinalik ko yung picture frame sa lalagyan nito, pagkatapos naglakad ako papunta sa pinto at binuksan iyon..
"Good Morning Adi!" bungad sakin ni Ivy habang nakangiti, sabay yakap sakin
"Tsk! kailangan may yakap?" reklamo ko, napanguso naman sya
"Arte nito!" irap nya sakin
Napailing nalang ako, bumalik ako sa sofa at nahiga doon..
Ang sakit ng katawan ko.. pano ba naman kasi, matulog ba naman ng nakaupo...
"Adi, may pupuntahan ka ba ngayon?" tanong sakin ni Ivy
"Meron, may meeting kami nila Bryle.." sagot ko habang nakapikit
"Talaga? Sama naman ako.." sabi nya, napatingin ako sa kanya
"At bakit?" tanong ko sa kanya
"Eh kasi w-wala naman akong kakilala dito, nasa US pa si Eya.." sabi nya sakin habang tinitingnan yung mga picture namin ni Jema
Napakunot yung noo ko..
Hay! wala akong choice kundi yung isama sya kung saan man ako mag punta.. maliban nalangbkung nagkikita sila ni Shy
"Ok!" tipid na sagot ko
"Adi, yung kasama ba ni Jema kagabi, yun ba yung sinsabi mong boyfriend nya?" tanong nya uli sakin
"O-Oo.." utal na sagot ko
Hindi ko na uli sya pinansin uli, tumalikod ako para hindi nya makita yung mukha ko..
Kahit anong gawin ko, si Jema parin yung nasa puso ko..
Pero kahit na ganon yung ginawa nya sakin, hindi ko magawang magalit sa kanya.. pero nasasaktan ako kapag nakikita ko sya, lalo na kapag kasama nya si Ed...
Mabilis akong tumayo mula sa pagkakahiga ko at pumunta sa kwarto ko para maligo.
Halos isang oras din ako sa CR, ganito na yung nakagawian ko simula ng maghiwalay kami ni Jema, iiyak ako sa CR habang naliligo, sinasabay ko sa patak ng tubig yung luha ko..
Nang matapos akong maligo, nagbihis na ako at nag ayos..
Pagkalabas ko sa kwarto ko, nakita kong nakaupo si Adi habang nanonood..
"Tara na.." aya ko sa kanya, pinatay nya yung tv at sumunod sakin palabas..
Nang makasakay kami ng sasakyan ko, nag drive na ako papunta sa office namin, pagdating namin don sinalubong ako ni Bryle..
"Bro, haha namiss kita dito sa office.." sabi nya, napangiti naman ako
"Ano ba yung pag uusapan natin?" tanong ko sa kanya, tumingin muna sya kay Adi
"Uhm Ivy.. wait lang ha.. kaausapin ko lang itong kaibigan ko.." paalam ni Bryle kay Ivy
"Oh, sure.." sabi nya
Inakbayan ako ni Bryle at pumasok kami sa office nya..
Nang makapasok kami doon, nakita kong nakaupo na din si Gel, Riri at Tots..
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanficBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito