Part 56

2.4K 66 60
                                    

Dean's POV

Ilang araw na ng makauwi kami galing  ng La Union, nandito ako ngayon sa condo ko dahil ayaw ko munang makita si daddy..

Simula nung nagkausap kami ni Jema noong gabing yon, hindi ko na uli sya kinausap..

Nung nalaman ko kung anong pinagdaanan nya dati, yung pagpapahirap ni dad sa kanya, nakaramdam ako ng hiya..

Habang nakaupo ako sa sofa, biglang tumunog yung phone ko..

Si Bryle..

Sinagot ko iyon..

"Yes??" sagot ko

"Bro, bar tayo mamayang gabi? chill lang?" tanong nya

"Sure.." sagot ko, gusto ko din kasi talagang uminom












Kinagabihan, naligo na ako at nag ready, nang matapos ako agad akong umalis at pumunta sa bar na pinag usapan naming dalawa ni Bryle..

Nang makarating ako doon,nagulat ako dahil nandon sila Jema..

Akala ko ba kami kami lang?

Yung mga nandito si Bryle, Gel, Tots, Riri, Angel, Jho, Carly, Ced, Ces, Kyla at Jema..

Tumabi ako kay Bryle..

"Akala ko pa naman tayo tayo lang..." bulong ko, natawa naman si Bryle

"Hahaha, ok lang yan bro, celebration din kasi nila yan, kasi start na silang mag trabaho sa Philippine Airlines.." sabi ni Bryle, natigilan ako..

Napasulyap ako kay Jema..

Mabuti naman.. natupad na nya yung pangarap nya..

Nakaramdam ako ng saya..

"Bukas na din yung flight nila papunta sa Japan, akalain mo yun, international agad pupuntahan nila.." sabi pa ni Bryle..

Lumapit ako sa mga girls, kaya napatingin sila sakin..

"Uhm, hi.. congrats nga pala sa inyo.." sabi ko sa kanila

"Ay! hahah ayiee... thank you Dean!" sabi ni Jho

Tumingin ako kay Jema, naramdaman  nya ata na nakatingin ako sa kanya

"J-Jema, c-congrats.." bati ko sa kanya, tipid syang ngumit

"T-Thank you.." sabi nya

Mag uumaga na ng matapos kaming mag inuman..

"Dean, hatid mo naman si Jema sa apartment nya.." sabi sakin ni Bryle, napatingin ako kay Jema..

"K-Kung ok lang sa kanya.." sabi ko

Okay na din siguro.. para makausap ko sya.. yung kaming dalawa lang..

Sana pumayag..

"Jema, pahatid kana kay Dean.." sabi ni Jho, medyo may tama na din kasi si Jema..

"Ok.." sabi nya habang nakangiti

"Oh! bro, pumayag na si Jema, ikaw na bahala sa kanya ha.." sabi ni Bryle, tumango naman ako

Nagpaalam na kami sa mga kaibigan namin, nang makasakay kaminsa sasakyan ko napatingin ako kay Jema, nakangiti sya..

Siguro masaya sya dahil natupad na nya yung pangarap nya..

Nagsimula na akong mag drive..

"Uhmm Congrats uli.." sabi ko sa kanya, ngumiti sya

"Thank you.." sabi nya

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon