Part 7

1.9K 63 3
                                    

Dean's POV

"I never felt alone, I was happy on my own and who would ever know there was something missing" rinig kong kanta ni Jema, pero hindi ko sya pinansin kasi baka tumigil sya

Hmmm maganda pala boses nya.

"I guess, I didn't see the possibility it was waiting all the time but it never crossed my mind till you opened up my eyes now, all I think about is" napangiti ako, hindi ko alam kung bakit..

Tinutukan ko na uli yung ginagawa ko..

Sobrang nahihirapan talaga ako sa mga command dito sa autocad..

Command, presspull, heigh 2,000 mm width 3,000 mm, left.. click ok!

Maya maya malapit ko ng matapos yung 3D design..

Sa sobrang busy ko sa project ko, hindi ko napansin si Jema kaya napatingin ako sa kanya.

Napangiti ako ng makita ko sya na tulog.

Hehe nakatulog sya. Sabi ko kasi sa kanya sa kama ko nalang sya mahiga.. ayan tuloy nakatulog sya sa upuan..

Lumapit ako sa kanya pagkatapos yumuko at pinagmasdan ko yung bawat parte ng mukha nya..

Yung mata nya ang ganda.., hindi katangusan yung ilong nya pero bagay sa kanya.., yung labi nya ang pula.. medyo chubby din sya.. bumagay din sa kanya yung blonde short hair nya..

(Author's note: guys, short hair pa dito si Jema.. yung blonde pa yung hair nya.. cute nya don hehehe..)

Naalala ko nanaman yung paghalik ko sa kanya sa CR kaya napangiti ako..

Dahan dahan ko syang binuhat papunta sa kama ko at inihiga sya doon, kinumutan ko din sya.

Mabuti nalang talaga at hindi sya nagising.

Nang mahiga ko na sya sa kama ko, bumalik ako sa upuan ko kanina para ipagpatuloy yung ginagawa ko.

Maya maya may kumatok kaya pumunta ako sa pinto para bukasan yon..

Pagkabukas ko nakita ko si Yaya Lorna..

"Dean--"

"ssshhhh... wag kang maingay.." saway ko sa kanya, sabay turo kay Jema na natutulog sa kama ko

"Ayy sorry heheheh.." natatawang sabi nya sakin, tumingin sya sakin na parang nang aasar sabay sundot sa tagiliran ko kaya nakiliti ako, "aayyiieee ang alaga ko oh.. gusto mo sya?" bulong sakin ni Yaya Lorna

"H-hindi ah.. inaantok kasi sya kaya nakatulog sya dyan.." sabi ko sa kanya

"Assuss.. hahaha kilala kita simula noong bata ka pa.." asar nya sakin, natawa naman ako at napa face palm

"Wala nga po Yaya Lorna.. teka.. ano po ba yung kailangan nyo?" pag iiba ko ng topic

"Eh itatanong ko lang naman kung mag memeryenda kana.." sabi ni Yaya sakin

"Uhm mamaya nalang po" sabi ko

"Sure ka?" tanong nya

"opo.." sagot ko sa kanya

"Sure ka talaga?" tanong nya uli

yaya talaga..

"Opo.." sagot ko uli

"Sure ka wala kang gusto sa kanya..?haha" natatawang tanong nya, napa roll eyes naman ako

"Wala po.. hahaha sige na.. mamaya nalang yaya.." taboy ko sa kanya

"haha sige na nga.." sabi nya sabay alis.. napapailing nalang ako habang nakatingin sa kanya, nang makababa na sya bumalik na ako sa upuan ko.

Nang matapos ko na yung design, nag unat ako..

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon