Part 19

2.5K 65 16
                                    

Dean's POV

Saturday ngayon, ibig sabihin nandito uli si Jema sa bahay mamaya.

Napagpasyahan ko na din na ngayon kami magdidate..

Habang hinihintay kong dumating si Jema, naligo muna ako at nagbihis, para naman pagdating nya dito aalis na kami agad.

Nang matapos akong maligo at magbigihis bumaba na ako.

"Yaya, nandyan na po ba si Jema?" tanong ko sa Yaya Lorna.

"Nasa kusina sya iho, bakit?" tanong nya

"Aalis po kami" sagot ko, naglakad ako papunta sa kusina at nakita ko syang kumakaen at kasama nya si Manong Ruben, napangiti naman ako, umupo ako sa harap nya at nagpangalumbaba, nagulat naman sya sakin,

"Anong ginagawa mo dyan?" tanong nya

"Haha, tinitingnan ko yung pangarap ko" sagot ko sabay kindat sa kanya, inirapan nya ako kaya natawa ako

"Baliw ka, nasobrahan ka ata sa gamot no?" tanong nya sakin

"hindi, nasobrahan ako ng pagmamahal sayo, haha!" sabi ko sa kanya, nakita kong lihim na natawa si Manong Ruben, napahilamos naman sya sa mukha nya, 

Alam kong nahihiya sya sa pinagsasabi ko, lalo na't naririnig din ni Manong Ruben yung mga pinag sasabi ko, tumingin ako kay Manong Ruben,

Kinindatan nya ako at nag thumbs up sya sakin, nginitian ko naman sya.

Ibinalik ko yung tingin ko kay Jema.

"Tapos ka ng kumaen?" tanong ko sa kanya

"Bakit?" tanong nya din

"Aalis tayo" sabi ko

"Saan tayo pupunta?" tanong nya sakin

"Mag didate, diba sabi ko naman sayo mag didate tayo?" tanong ko sa kanya, napakamot sya sa noo nya,  "Nakalimutan mo?" tanong ko uli sa kanya, umiling naman sya

"E-Ehem! s-saan naman tayo mag didate?" tanong nya sakin, napangiti naman ako

"Kakaibang date ang gusto ko ngayon eh.." sabi ko

"Andami mong arte, ayaw mo pang sabihin, saan nga?" kunot noong tanong nya

"Mag go-golf tayo ngayon..." sabi nya

"weh? kaya pala parang naka pang golf outfit ka ngayon. Marunong ka?" tanong nya

"Ako pa! tara na" aya ko sa kanya, hinawakan ko sya sa kamay, pagkatapos tumingin ako kay Manong Ruben, "Manong Ruben tara na po.." sabi ko, nakita kong inubos nya muna yung kape nya pagkatapos sumunod na sya samin

Napatingin ako sa damit ni Jema kaya napatigil ako.

"Yaya Lorna, bigyan nyo nga po si Jema ng  damit panag golf" utos ko kay Yaya Lorna

"halika Jema" aya sa kanya ni Yaya Lorna, tiningnan ni Jema yung suot nya

"Ok naman yung suot ko ha.." reklamo nya

"haist! basta sumuno ka nalang.." sabi ko

"Ang arte naman!" inis na reklamo nya, sumunod nalang siya kay Yaya Lorna, natawa naman ako habang naiiling.

Umupo muna ako sa sofa, habang hinihintay ko si Jema, nag basa muna ako ng mga text. 

Nakita kong may text si Bryle. Pupunta din pala sya sa Wack Wack Golf & Country Club. Member kasi yung family namin doon. 

Maya maya, bumaba na si Yaya Lorna, kasunod nya naman si Jema. Nang makita ko yung suot ni Jema pinagmasdan ko iyon at napangiti ako.

Ganda talaga... 

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon