Part 40

2K 67 9
                                    

Dean's POV

Gabi na ng magising ako, yakap yakap ko parin si Jema..

Naalala ko nanaman yung kanina, bwisit naman kasing Ed to.. pero siguro mas ok na din yung alam talaga ni Jema..

Tumingin ako sa kanya, tulog na tulog sya..

Kita ko rin na medyo namamaga yung mata nya..

Mas hinigpitan ko yung pagkakayakap ko sa kanya at hinalikan ko sya sa noo..

Akala ko iiwan na nya talaga ako.. natakot ako kanina.. takot na takot ako na baka iwan nya ako..

Naramdaman ko nanaman yung pag patak ng luha ko, dahan dahan akong gumalaw para punasan iyon, kaso nung gumalaw ako biglang nagising si Jema. Tumingin sya sa mukha ko habang nakakunot noo dahil kakagising nya lang. 

"Umiiyak ka na naman..." sabi nya sakin, sya na yung nag punas ng luha ko sa mata

"S-Sorry..." sabi ko,  "N-Natatakot ako na baka iwan mo ako.." sabi ko sa kanya, tiningnan nya muna ako sa mata bago sya magsalita

"Nagalit lang ako kanina kasi nag sinungaling ka nanaman, gusto din kitang iwan kasi nasaktan ako, pero mas mananaig ngayon yung pagpapatawad ko sayo kasi mahal kita,, basta wag na wag kanang mag sisinungaling sa akin.." sabi nya sakin, naluha nanaman ako dahil sa sinabi nya

"Promise B, promise yan.." sabi ko

"Wag ka ng umiyak... yuck para kang bata umiyak.. tahan na.." biro nya sakin, biglang gumaan yung pakiramdam ko dahil sa biro nya kaya ngumiti ako

"B, lalaban tayo ok? hindi mo ako iiwan diba?" tanong ko sa kanya

"Promise.. lalaban tayo hanggang sa matanggap nila ako.. hindi kita susukuan, kasi yun yung promise ko sayo..." sabi nya sakin, mas inilapit ko sya sakin at hinalikan ko sya sa labi pero smack lang

"Wag kang mag alala B, gagawin ko yung lahat matanggap ka lang nila.." sabi ko sa kanya, tipid naman syang ngumiti

"Willing akong maghintay B.." sabi nya

"B-Bakit nga pala kayo magkasama ni Ed kanina?" tanong ko sa kanya

"Hmmm kinausap nya kasi ako, nagtapat sya sakin na gusto nya ako, na sya nalang daw yung mahalin ko, pero syempre sabi ko ikaw yung mahal ko, hanggang sa yun nga s-sinabi na nya sakin y-yung h-hindi daw ako t-tanggap ng magulang mo" utal na sabi ni Jema

Alam kong masakit para sa kanya yung ganitong sitwasyon, hindi nya deserve na makaramdam ng ganito.. 

"Sorry B... hindi mo deserve yung maramdaman yung ganitong klase ng sakit, alam kong nasaktan kita dahil sa ginawa ko.." sabi ko sa kanya

Nakita kong tumulo yung luha sa mga mata ni Jema

"S-Sobra B.. p-pero pinipilit kong intindihin.." sabi nya, ngumiti sya at tumingin sakin, "Hay! tama na nga... basta ang mahalaga, parehas tayong magiging matatag, kahit anong pagsubok pa yan.." dagdag pa ni Jema, hinalikan ko uli sya sa noo nya

"Hayaan mo B, matatanggap ka din nila.." sabi ko

"Osya! halikana, tulungan mo akong magluto ng dinner natin" sabi nya, tatayo na sana sya kaso hinila ko sya pabalik kaya pumaibabaw sya sakin

"Dito muna tayo B.." sabi ko 

"Iihh, nagugutom na ako B eh.. luto muna tayo.." sabi nya, napanguso naman ako, nakatigin lang sya sakin

"Tingnan mo yang mata mo, maga na.." sabi nya sakin

"Natakot kasi talaga ako B, natakot ako na baka iwan mo ako.." sabi ko

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon