Jema's POV
"Dean.. may sasabihin ako sayo..." sabi ko kay Dean
"Ano yun?" tanong nya
Magsasalita na sana ako ng marinig namin yung iyak ni Dwayne..
"Moooommmmmmyyyyy!!!" sigaw ni Dwayne habang umiiiyak, sabay kaming napatayo ni Dean
Nag alala ako ng makita kong nakadapa si Dwayne sa damuhan habang umiiyak..
Nagulat ako ng mabilis na naglakad si Dean palapit kay Dwayne, sumunod naman ako sa kanya
Nang makalapit si Dean kay Dwayne inalalayan nya iyon para makatayo..
Nadapa pala sya..
Umiiyak parin si Dwayne
Umupo na din sa damuhan si Dean pagkatapos kinandong nya si Dwayne..
"Ssshhh... tahan na.. may masakit ba sayo??" nag aalalang tanong ni Dean,
Parang hinaplos yung puso ko dahil sa nakikita ko..
Gusto kong maiyak dahil sa saya..
"Ang sakit po ng tuhod ko.." sabi ni Dwayne, nakita kong tiningnan ni Dean yung tuhod nya at nakita ko na meron syang sugat
Umupo ako sa tabi ni Dean at tiningnan yung sugat nya..
"Kasi, hindi nag iingat, nagalusan ka tuloy.." sabi ko kay Dwayne, humihikbi parin sya, kinuha ko yung wipes sa maliit na bag ko pagkatapos dahan dahan kong pinunasan yung sugat nya..
"M-Mommy masakit po.." hikbi ni Dwayne
"Hihipan ko nalang para mawala yung sakit.." sabi ni Dean, inilapit nya yung mukha nya sa tuhod ni Dwayne pagkatapos marahan nyang hinipan yung sugat ni Dwayne
"Akina Jema, ako na mag pupunas.." sabi ni Dean, kinuha nya sakin yung wipes..
Nakatingin lang ako kay Dean at Dwayne ngayon..
Habang pinupunasan nya yung sugat ni Dwayne hinihihipan nya rin iyon para hindi masyadong masakit..
"Next time mag iingat ka na sa pag takbo ok? mag aalala yung mommy mo sayo.." sabi ni Dean kay Dwayne
"Opo.. eh tumakbo lang po ako ng mabilis kasi gusto ko po kayong ayain maglaro ng kite, tulad non.." sabi ni Dwayne sabay turo sa isang bata na naglalaro ng saranggola kasama yung tatay nya, tiningnan din ni Dean yung tinuturo ni Dwayne..
Tiningnan ko si Dean na halatang nag iisip..
"Osige.. maglalaro tayo nyan, pero gusto ko kasama yung mommy mo.." sabi ni Dean pagkatapos tumingin sya sakin
Tumingin din sakin si Dwayne.
"Mommy??" tanong sakin ni Dwayne, natawa nalang ako sa reaction nilang dalawa dahil parehas na parehas...
"Oo na!" sabi ko
"Yehey!!" sabay na sigaw ni Dean at Dwayne..
Tumayo na si Dean habang karga karga si Dwayne pagkatapos humarap sya sakin at inilahad yung kamay nya para tulungan akong tumayo..
Napangiti ako at inabot ko iyon..
Nang makatayo ako, akala ko bibitawan na ni Dean yung kamay ko, pero nagkamali ako, mas lalo nyang hinigpitan yung pagkakahawak sa kamay ko..
"Let's go.. bibili na tayo ng kite ni Dwayne.." sabi nya, pagkatapos naglakad na kami..
Lihim akong napangiti..
Nang makalapit kami sa nagbebenta ng mga saranggola nakita namin na nandon din sila Bryle, napatingin sila sa amin, pagkatapos napangiti..
"Ayyyiiieee!! haha! Muling ibalik ang tamis ng pag ibig..." kanta ni Bryle, natawa naman si Jho, pati na din sila Gel

BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanfictionBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito