Dean's POV
Nang makauwi ako sa bahay, nag aayos na sila ng mga ginamit sa party.
"Manong Ruben, nasaan po sila mom?" tanong ko sa kay Manong Ruben na nag-aayos ng mga upuan.
"Nasa living room sila Dean.." sabi ni Manon Ruben
"Thank you po" sabi ko habang nakangiti, tumango naman sya at nginitian din ako
Pinuntahan ko sila mom and dad sa living room, pag pasok ko ng bahay nakita ko sila na naka upo sa sofa, si dad umiinom ng wine habang si mom, ate Cy at ate Nicole ay nag kukwentuhan.
Nilapitan ko sila at niyakap isa isa..
"Mom, dad, thank you po sa party.." sabi ko ng mayakap ko si Mommy at daddy
"You're welcome son.." sabi ni daddy
"Dean, aalis din kami bukas, kailangan naming bumalik sa US dahil hindi namin pwedeng maiwan yung business namin doon.." sabi ni mommy sakin, nawala yung ngiti sa labi ko
"Mom.. h-hindi manlang po ba kayo mag tatagal kahit 1 week manlang?" kunot noong tanong ko, hinawakan ni mommy yung braso ko..
"Anak, sana maintindihan mo.. umuwi lang talaga kami para sa birthday mo.." sagot ni mommy, tiningnan ako ni dad
"And Dean.. that girl.. kailangan mong makipag break sa kanya.." sabi ni dad, mas lalong napakunot yung noo ko dahil sa sinabi ni Daddy..
"What??!" hindi makapaniwalang tanong ko sa sa kanya kahit na narinig ko naman yung sinabi nya
"sabi ko, kailangan mong makipag break sa babaeng ipinakilala mo---"
"No!!" sigaw ko, nakaramdam ako ng inis kay Dad.. gulat lang syang nakatingin sakin, "akala ko ba tanggap nyo sya?! dad mahal ko si Jema!" dagdag ko pa
"Dean!" saway sakin ni Mommy, tumingin ako sa kanya
"M-mom! pati ba naman ikaw??!" kunot noong tanong ko sa kanya
"Dean, kapag sinabi ko kailangan mong sundin! Alam mo ang tradisyon natin!" medyo galit na sabi ni daddy, umiling naman ako
"Wala akong pake sa tradisyon dad!! ipapakasal nyo ako sa hindi ko mahal??! igagaya nyo ako sa mga kapatid ko??! parusa yun dad!!" galit na sabi ko
"Dean! tumitigas ata yung ulo mo!" galit ni sabi ni daddy..
"Dad.. I'm sorry, p-pero hindi ko kaya... mahal ko si Jema.. sya nalang yung nag papasaya sakin sa mga araw na wala kayo dito! Kung hihiwalayan ko sya para ko na ding pinatay yung sarili ko!" naluluhang sigaw ko, tiningnan ko ng makahulugang tingin si Mommy at daddy bago ako nag walk out..
Umakyat ako sa kwarto ko at pabagsak kong sinarado iyon..
Niluwagan ko yung tie ko dahil sa inis..
Tanginang tradisyon yan! Hanggang ngayon ba naman?! Akala ko ba tapos na yon pagkatapos nilang ipakasal si Ate Nicole sa lalaking hindi nya naman gusto??!
Akala ko pa naman kaninang ipinakilala ko sa kanila si Jema tanggap na nila..
Inilapag ko yung paperbag na hawak hawak ko kanina pa..
Naalala ko, meron nga palang letter dito si Jema..
Kinuha ko uli iyon at kinuha yung maliit na papel at binasa ko iyon
B, Baby, Love,
Happy Birthday! Pasensya kana kung ito lang yung nakayanan kong bilhing regalo para sayo, pero hayaan mo na, kahit hindi kamahalan itong bracelet na 'to, wala namang katumbas yung pagmamahal ko sayo... I Love You! 💜
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanfictionBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito