Dean's POV
"Gusto kong magalit kay Jema, hindi magkaka ganito yung kaibigan namin kung hindi dahil sa kanya..." rinig kong sabi ni Tots
"Hoy! tumigil ka nga dyang panda ka, wag mong sisihin si Jema dito.. kung tanggap lang sana sya ng parents ni Dean hindi mangyayare to! ni hindi mo nga alam yung side ni Jema eh!" inis na sabi ni Ced
"Guys, wag na tayong mag away, parehas nating kaibigan yung dalawa, Tots, tama na yan, baka mamaya kayo naman mag away ni Ced, saka tama si Ced, hindi natin alam yung totoong nangyare.. saka walang may gusto ng nangyare.." rinig kong sabi ni Gel
"Tama si Gel, sa gitna lang tayo..." sabi naman ni Riri
Naririnig ko yung pinagsasabi nila.. ramdam ko yung sakit sa dibdib ko.. Parang sa mga oras na to gustong gusto kong puntahan si Jema, pero wala akong lakas.. pakiramdam ko hinang hina ako..
Narinig kong bumukas yung pinto..
"Kamusta na ang anak ko?!"
Alam kong kay mommy na boses yon..
Naramdaman kong hinawakan ako ni mommy..
"H-Hinihintay nalang po na magising sya, a-at kailangan din daw pong bumalik ng lakas nya bago po makalabas" rinig kong sabi ni Bryle
Pero feeling ko hindi ako lalakas dito.. Kailangan kong makausap si Jema.. Hindi ako papayag na iwan nya ako.. alam kong mahal nya parin ako..
Hindi ko na uli narinig yung nga usapan nila dahil nakatulog uli ako..
Kinabukasan...
Madaling araw palang gising na ako, nakita kong ang tao nalang na nandito sa room ko ay si mommy at daddy..
Mabilis kong inalis yung mga nakadikit sakin, nang matanggal ko iyon mabilis akong lumabas..
Wala namang nakapansin sa akin..
Sumakay ako ng taxi at umuwi sa condo ko..
Ilang oras din yung naging byahe, ramdam ko pa yung panghihina ko..
Nang makarating ako sa condo ko, ang tahimik...
Muli nanamang pumatak yung luha ko..
Pumunta ako sa kwarto ni Jema, nakita kong wala na yung mga gamit nya doon..
May nakita akong sulat sa ibabaw ng kama nya kasama ng susi ng condo ko at kwintas..
Kinuha ko iyon pagkatapos umupo ako sa lapag at sinimulan kong basahin yung letter nya..
Dean,
Hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Gusto kong magpasalamat sayo sa mga araw na kasama kita. Kanina, habang papalayo yung sasakyan na sinasakyan ko nakatingin ako sayo, gustong gusto kong bumaba at yakapin ka, pero mas pinili kong wag nalang... Nagdesisyon ako na tapusin yung relasyon natin kasi ayaw ko ng makita kang nahihirapan ng dahil sakin, mas lalo akong nasasaktan...
Tinigil ko muna yung pagbabasa ko dahil nanlalabo na yung paningin ko dahil sa luha..
"K-Kaya ko naman sana yung hirap eh... b-basta kasama kita..." bulong ko sa sarili ko..
Pinagpatuloy ko yung pagbabasa..
Alam kong nasaktan kita, pero kailangan ko itong gawin dahil alam kong maraming maapektuhan, siguro nga hindi talaga tayo yung para sa isa't isa...
Hindi ko na tinuloy yung pagbabasa ko at pinunit ko yung sulat nya..
Mabilis akong lumabas ng condo ko, pinuntahan ko yung sasakyan ko at nag drive ako papuntang Laguna kung saan nakatira si Jema..
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanfictionBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito