Part 12

2.1K 59 5
                                    

Dean's POV

Pinauna kami ni Bryle dahil may kukunin pa daw sya sa locker nya. Kaso naalala ko na may kailangan din akong kunin sa locker ko.

"Ri, una na din pala kayo, may kailangan din akong kunin sa locker eh" sabi ko sa kanila

"Ha? edi samahan kana namin" sabi ni Riri

"Oo nga, sabagay nandon din si Bryle" sabi naman ni Tots

"Ok" tipid na sagot ko sa kanila

Habang naglalakad kami, nahagip ng mata ko si Jema at si Bryle, kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Oh, bakit ka huminto?" tanong ni Tots, pero hindi ko sya sinagot, nakatingin lang ako kila Bryle at Jema

Nag kukwentuhan sila, nakita kong nakangiti silang dalawa, nakaramdam ako ng inis kaya napakunot noo ako..

"oowww! kaya naman pala hahaha sabi ko na eh, may gusto talaga itong si Bryle kay Jema.." sabi ni Riri, inis akong tumingin sa kanya, "Oh bakit? hahaha" tanong nya sakin, napailing ako habang nakakunot noo

"Wala, halika na, gusto ko ng umuwi...!" inis na sabi ko

"Akala ko Dean may kukunin ka sa locker mo?" tanong ni Gel

"Tinamad na ako eh" sagot ko

"Sus.. nag selos kamo.." asar ni Riri, tumigil ako sa paglalakad at inis na humarap sa kanya

"Ri, can you please stop teasing me with Jema? hindi ako nag seselos!" inis na sabi ko, pagkatapos nag simula na uli akong mag lakad

"Hindi daw pero halos magdikit na yung kilay.." bulong ni Riri at narinig kong tumawa si Tots, hindi ko nalang sila pinansin.

Nang makarating ako sa sasakyan ko agad akong sumakay at mabilis na nag drive paalis..

Nakakainis! dumagdag pa tong si Riri! wala naman akong gusto kay Jema eh! wala talaga!

Nakakunot yung noo ko hanggang sa makauwi sa bahay.

"Oh Dean nandito kana pala, gusto mo bang mag meryenda?" tanong sakin ni yaya Lorna

"Ya, wala po akong gana, akyat na po ako sa kwarto ko" walang ganang sabi ko

"Aakyat kana?" tanong nya

Kakasabi ko lang eh...

"Opo.." sagot ko

"Eh pano ba yan, may naka-miss sayo iho.." sabi ni Yaya Lorna habang nakangiti, tiningnan ko naman sya na nagtataka

"S-Sino po?" tanong ko

"Deannn!!" masayang sigaw ng isang may edad na lalaki na lumabas mula sa Kitchen

Biglang lumaki yung mata ko at napangiti ako..

"Manong Ruben!!" masayang sabi ko, patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap ko sya..

"Hahahaha namiss kita.. guma-gwapo ka lalo ha!" sabi ni Manong Ruben, natawa naman ako

"Namiss din po kita... babalik kana po ba dito?" tanong ko sa kanya, tumango naman sya

Si Manong Ruben, sya yung driver ko noon, last year umalis sya dahil nagkaroon ng emergency sa family nila sa probinsya. Sobrang close kaming dalawa dahil parang tatay na nga yung tingin ko sa kanya. Sya yung lagi kong kalaro sa lahat, lalo na sa tongits haha.

"Mabuti naman po, hahahah namiss ko kayo kalaro sa tongits Manong Ruben" sabi ko

"hahahahah hayaan mo, magaling na ako sa larong tongits, matatalo na kita hahaha" sabi nya habang natatawa

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon