Part 28

1.9K 60 5
                                    

Dean's POV

Friday..

Bukas na yung alis naming dalawa ni Jema, dadalawin namin yung family nya..

Nitong mga nagdaang araw palagi kong kasama si Jema, hindi ko na din nakita uli si Ate Jov..

Baka busy.. or baka nag tatampo parin sya sakin kasi tumanggi akong sumama sa kanya nung last na inaya nya ako..

Uwian na namin ngayon, kasama ko sila Bryle, Riri, Tots, at Gel, sa parking nalang namin hihintayin yung mga girlfriend namin..

"Guys.. malapit na yung sembreak.. anong plano nyo?" tanong ni Gel

"Uhm, gusto kong mag bakasyon.." sagot ni Tots, "Kasama si Ced.." dagdag nya pa sabay ngiti

"Asusss! gusto mo lang maka---"

"Ri! dumi ng isip mo!" putol ni Tots sa sasabihin ni Riri, nagtawanan naman kami

"Hahahah! Bakit? anong madumi sa gusto mo lang syang makasama??" natatawang tanong ni Riri

"A-Aahhh a-ayun ba yon?? O-Oo, gusto ko syang makasama.." utal na sabi ni Tots, nagtawanan uli kami

"Luh! hahaha si Tots.. ang dumi ng isip.. siguro ano yung iniisip mo nu?!" asar ni Gel sa kanya

"Shut up!" inis na sabi ni Tots

"Asssusss! bastos nasa isip nito hahah!" asar uli ni Riri sa kanya

"Sabing tumigil eh!" inis na sabi ni Tots..

Hindi na namin sila pinansin dahil parang bata nanaman sila na nag away..

"Bro, diba bukas alis nyo ni Jema?" tanong sakin ni Bryle, tumango naman ako habang nakangiti

"Yieh! ipapakilala na sya ni Jema...hahaha parehas na kayong legal..." sabi ni Gel

"H-ha?? O-Oo.." utal na sagot ko..

Alam nga ng parents ko, tutol naman..

"Dean" napalingon kami sa tumawag sakin, nakita ko si Ate Jov, lumapit kami sa kanya..

"Ate Jov, ngayon ka nalang uli namin nakita ah" sabi ni Riri, ngumiti lang si Ate Jov

"Uhm na busy kasi ako.." sagot niya kay Riri, pagkatapos tumingin sya sakin.

"Dean, p-pwede ba tayong mag usap?" tanong ni Ate Jov sakin, napatingin ako sa mga kasama ko, tumango naman sila, tiningnan ko si Ate Jov

"Uhmm p-pwedeng dito lang tayo? hinihintay ko kasi si Jema" sabi ko

"Sure, p-pero pwedeng lumayo tayo ng konte, kahit doon lang.." turo nya sa may puno, sakto lang yung layo dito sa kinatatayuan namin, "Mahalaga lang yung sasabihin ko.." dagdag nya pa

"O-Ok.." sabi ko, nakaramdam ako ng kaba dahil hindi ako sanay na ganto kaseryoso si Ate Jov..

Naglakad na sya papunta sa tinuro nya kanina, nagpaalam muna ako sa mga kasama ko bago sumunod sa kanya..

"Anong pag uusapan natin?" tanong ko ng huminto sya, huminga sya ng malalim saka sya tumingin sakin..

"D-Dean, gaano mo kamahal si Jema?" tanong nya sakin, tiningnan ko sya na para bang nag tatanong...

"H-Ha?" tanong ko sa kanya

"Dean, alam kong narinig mo, sabihin mo sakin kung gaano mo kamahal si Jema?" tanong nya uli sakin, biglang sumeryoso yung mukha ko

"Sobra... kulang pa yung sobra, dahil sobra sobra... hindi ko kaya kapag nawala sya sakin.." sabi ko, nakita kong namula yung mata nya, mapait syang ngumiti, nakatingin lang ako sa kanya

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon