Dean's POV
Pagkagising ko, sobrang sakit ng ulo ko.
Nag tataka din ako kung paano ako naka akyat dito sa kwarto ko.
Pagtingin ko sa relo ko, 11 AM na pala..
Tinanghali nanaman ako.. buti nalang at Sunday ngayon.
"Buti naman gising kana.."
"Uuuuuy!!" nagulat ako sa nag salita.. pagtingin ko si Jema pala..
"K-kanina ka pa dyan?" tanong ko
"Oo, kanina pa kita hinihintay magising.." sabi nya
Umupo lang ako sa kama ko.. tiningnan ko yung katawan ko..
May damit pa naman.. haayyy! kala ko napagsamantalahan nya ako.. mahirap na...
Napatingin ako kay Jema.. nakatingin lang sya sakin habang magkasalubong yung kilay..
"B-Bakit??" tanong ko
"Wala.. anong gusto mong kainin Master?" tanong nya sakin
Hmmm ano ba? parang gusto ko ng Ramen..
"Ramen.." sagot ko
"Ok.. sasabihan ko si Aling Lorna na ipag luto ka ng Ramen.." walang ganang sabi nya
"Hoy! hindi dito.. sa Mall.. mag bihis ka.. aalis tayo.." utos ko, tiningnan nya lang ako at napabuntong hininga..
"K. Fine...." walang ganang sabi nya
Nang makalabas sya, pumasok na ako sa CR para maligo at mag bihis.
Pero ang sakit talaga ng ulo ko hay! inom pa more!
Pagkatapos kong maligo at mag bihis.. nilista ko yung mga bibilihin ko sa National Book Store..
Tapos na kaya si Jema??
Maya maya lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba.. nakita ko si Yaya na nakatayo sa sala habang nakatalikod sakin...
Umandar nanaman yung pagkapilyo ko, kaya napangiti ako.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya.. pagkatapos ginulat ko sya.
"Aaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!" sigaw ko
"Aaaaaayyyy ano yown!!! anong nangyare!?" sigaw ni yaya, talagang nagulat sya...
"Hahahahahahahahahahahahahaha!!" hindi ko mapigilan yung tawa ko
Halos sumakit din yung tiyan ko kakatawa..
"Dean naman.. ikaw talagang bata ka! hindi kana nag bago.. pilyo pilyo mo talaga..! haha" sabi ni Yaya habang natatawa.
"Sorry yaya.. ano ba kasing ginagawa nyo dyan? hahah" tanong ko sa kanya..
"Ehh nililinisan ko itong mga picture ninyo.." sabi nya, napangiti naman ako at napatingin din sa picture na nililinisan ni Yaya
"Namimiss ko na sila Ya.." malungkot na sabi ko
"Hay nako.. uuwi din sila dito.." sabi ni Yaya.. hindi nalang ako umimik
Maya maya nakita kong pababa na si Jema ng hagdan..
Tagal naman nito.. kanina pa ko dito eh..
"Tagal mo naman.." sabi ko habang nakakunot noo
"Sorry ha... naligo pa ako eh.." sabi nya
"Tara na.. gutom na ako eh.." sabi ko
"Aling Lorna alis na po kami.." paalam ni Jema kay yaya
"Umingat kayo ha.." rinig kong sabi ni Yaya
Ako naman derederetso papunta sa sasakyan ko..
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanfictionBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito