Chapter 2

10.3K 176 12
                                    

Chapter 2 || Wala Siyang Balak

Kailer's POV

"Ahh-Aray naman!" Dapat pala hindi ako natulog eh! Nakagat na naman tuloy ni Mikka 'yung tenga ko. Tapos tumatawa ngayon siya na parang baboy haha. Inaasar ko nga siya sa tawa niya eh haha. Ok na sa simula pero kapag hihinto na tunog-baboy na.

"Ayaw mo pa kasing gumising eh kanina ka pa namin kinakalabit." sabi ni Mikka sabay belat. Kahit kailan ang hilig niyang kagatin ang tenga ko. Ang cute daw kasi at di ko alam kung bakit niya nasabi 'yon.

"Ang sakit ah." sabi ko habang hinihimas ang tenga ko na kinagat niya,

"Hindi ka pa nasanay kay Mikka." natatawang sabi ni Felix habang ginugulo ang buhok ni Mikka. Nahampas siya tuloy nito. Inakbayan niya ito at nauna na sila sa paglalakad papunta sa resort. Nakita ko na nagharutan pa sila habang naglalakad. Matagal na niyang gusto si Mikka pero ginagawa lang niyang biro palagi kapag nagpaparamdam siya rito ng nararamdaman niya. Pareho lang kaming torpe ni Felix lalo na kapag seryoso na talaga 'yung pakiramdam namin sa babae. Kung siya apat na taon nang may pagtingin kay Mikka, sampung taon naman ako kay Cyrish.

"Halika na." aya ni Cyrish sa akin at sumabay na ako sa kanila ni Dianne. Resort nga pala namin ito at dalawang linggo kami ritong magkakaibigan. Pagkatapos ng graduation, pinagusapan agad namin kung saan kami magbabakasyon ngayong summer. Dito nga kami sa probinsya namin napunta. Gusto namin na bago namin harapin ang pagtatrabaho, makapagenjoy man lang kami.

"Dalawang kwarto lang ba tayo?" tanong ni Mikka sa akin habang hinahawakan ni Felix ang buhok niya at naiirita siya rito. Natawa na lang ako sa kanila bago nagsalita.

"Limang kwarto na para may sari-sarili tayo." sabi ko at tuwang-tuwa naman si Cyrish at Dianne.

"Sure ka? Hindi ba libre mo na kami? Okay lang ba 'yun sa parents mo?" nagaalalang tanong ni Mikka. Sa aming lima, siya na ata ang concern palagi sa akin. Hindi ko rin siya masisisi dahil matagal na kaming magkaibigan. Kaming tatlo nila Cyrish ay magkasama na since gradeschool.

"Okay lang naman. Regalo na nila ang dalawang linggo natin dito." Malapit silang apat sa parents ko lalo na't good influence daw sila sa akin. Lahat pala kami ay gumraduate with Latin Honor. Kagaya ko ay Summa rin si Mikka habang silang tatlo na natitira Cumlaude. Pareho kami ni Mikka na Masscom habang 'yung tatlo, nagtourism.

Kahit na hindi si Mikka si Cyrish, I still enjoy being with her dahil masarap naman siyang kasama. One of the boys kasi siya kaya parang mas naiintindihan niya kaming nga lalaki. Pero ang babaeng mahal ko kasi, si Cyrish kaya lagi ko siyang kinukulit na ilakad ako sa pinsan niya.

Nagpunta na kaming lima sa kwarto namin para magayos ng gamit. Magkikita ulit kami sa mamayang lunch sa may dining hall para kumain at pagkatapos, didiretso kami sa may dagat para magswimming.

Pagpasok ko sa kwarto, inayos ko muna 'yung gamit sa bag ko at nang mailabas ko na 'yung susuotin ko mamaya, tumingin muna ako sa may bintana. Ang presko talaga rito sa resort namin. Matagal na rin nung huli akong makapunta rito. Ang kasama ko noon, si Cyrish at Mikka. Dalawang araw lang kami rito dahil sa biglang inatake ng Asthma si Mikka habang nagsu-swimming at si Cyrish naman, nabastos ng lalaki. Simula noon ay nagpadagdag na ako ng medical assistance dito at mas hinigpitan din ang security.

"Kailer!" Si Mikka 'yon. Naiwan ko palang bukas ang pinto kaya pumasok siya. Naupo siya sa kama at lumapit naman ako sa kanya.

"Naayos mo na gamit mo?" tanong ko.

"Yup! Wala namang dapat ayusin masyado eh." As expected. Parang lalaki talaga si Mikka. Hindi siya gaya nila Cyrish at Dianne na ang tagal magayos ng gamit at sarili.

"Nasaan na sila Cyrish?"

"Sila o si Cyrish lang?" binigyan niya ako ng nakakalokong tingin sabay bato ng unan na saktong nasapo ko. "Nagaayos pa. Alam mo naman sila ni Dianne." Lady-like kasi talaga 'yung dalawa samantalang siya hindi niya hilig 'yon. Nakasuot lang siya ng pantalon at v-neck black shirt habang nakalugay ang mahaba niyang buhok ngayon.

"Si Felix ba?" Ako naman ang tumingin sa kanya ng nakakaloko at babatuhin sana ulit niya ako ng unan pero naunahan ko siya. Ngayon tuloy ay agawan ng unan ang nangyari sa amin.

"Tigilan mo nga ako!" sigaw niya at natamaan ako ng unan sa mukha. Tinalon ko siya sa kama at pumaibabaw ako sa kanya.

"May crush ka na ba kay Felix?" tanong ko habang hinihingal. Hindi siya nakapagsalita at nakita ko ang pamumula ng pisngi niya. "May gusto ka na nga sa dude mo?!" gulat na tanong ko. Halata kasi sa ekspresyon ng mukha niya.

"Ibubulong ko sa 'yo." sabi niya kaya inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Nagantay ako sa sasabihin niya. "Ah!!" sigaw ko kasi kinagat na naman niya ang tenga ko!

Umalis ako sa ibabaw niya habang hinihimas ang tenga ko. "Trip mo talaga lagi tenga ko." reklamo ko at tawa lang siya ng tawa.

"Kayo naman ni dude, trip ako lagi. I'm just being fair." sabi niya at nag-peace sign siya kasunod ng tunog-baboy na pagtawa niya. Ang kulit talaga kahit kailan haha.

***

"Anong gusto mong kainin? Ako na kukuha." nahihiyang tanong ko kay Cyrish. Tumayo na kasi yung tatlo pero naiwan kami ni Cyrish. Nagprisenta na ako para sa kanya.

"'Yung low in fats na lang. Salamat Kailer." sabi niya at nung ngumiti siya akala ko matutunaw ako. Tumayo na agad ako at nagpunta sa mga pagkain. Naghanap ako ng sinasabi niyang low in fats na mga pagkain at agad ko iyong dinala sa kanya. Kumuha na rin ako ng pineapple juice na alam kong paborito niya. "Thank you ulit Kailer." Hinawakan ni Cyrish ang kamay ko at parang may kuryente na dumaloy sa buong katawan ko. Ganito kalala ang epekto niya sa akin.

"Kumain na nga kayo. Lakas niyong pumagibig eh." sabi ni Felix at binatukan ko siya. Bumalik ako sa kuhaan ng pagkain para sa plato ko naman at nakita ko na nanduon pa rin si Mikka. Dalawang plato na ang hawak niya at punong-puno iyon ng pagkain. Natawa na lang ako.

"Balak mong kainin lahat ng 'yan?" manghang tanong ko. Seryoso siyang tumango at hindi ko na siya inistorbo dahil mukha namang wala siyang balak na pansinin ako. Haha. Kailangan niyang magfocus para mapanatili niya ang malusog niyang cheekbones. Mas bagay kasi sa kanya ang pagiging chubby niya dahil kapag nagbago 'yon, hindi na siguro siya ang Mikka na kilala namin.

Matakaw talaga si Mikka at sanay na kami dun. Binilisan ko na nga ang pagkuha ng pagkain ko at inilapag ko kaagad ang plato ko sa lamesa. Binalikan ko siya para tulungan sa naguumapaw na platong hawak niya. "Uy ako na!" protesta niya pero huli na dahil nailagay ko na sa lamesa 'yung platong hawak niya.

Inantay ko siyang makaupo kaso nakarinig ako ng tili ng babae. Hindi tumitili si Mikka kaya nung una hindi ako tumingin pero nung tumayo na si Felix, sinundan ko siya palapit kung saan ko iniwan si Mikka. Nakita namin na may babae sa harapan niya at nalaglag sa sahig ang plato niya kaya nagkalat ang mga kinuha niyang pagkain.

"Anong nangyari rito?" tanong ko at 'yung babae nakakunot ang noo kay Mikka. Si Mikka nakayuko lang at may sinasabi. Lumapit ako sa kanya para marinig ko. "Anong sabi mo?"

".... Nasayang 'yung pagkain sa kaartehan mo! Alam mo ba kung gaano karaming bata ang namamatay dahil sa gutom ha?!" sumabog na si Mikka at akala ko aatras na lang 'yung babae pero hindi ito nagpatinag.

"Sino ka bang baboy ka at haharang-harang ka sa daan ko?" pinandilatan niya si Mikka at dapat papagitna na ako pero nauna na si Felix.

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon