Chapter 36 || The Baby
Kailer's POV
"Grabe talaga hindi ko na kinaya tumingin dun sa babae. Kawawa naman. Grabe duguan!" Narinig kong sabi ng isang babae sa kasama niya.
Umuulan pa rin at hinahanap ko si Mikka hanggang ngayon. Ayaw akong hayaan ni Cyrish pero pinakiusapan ko siya na pabayaan nya muna ako na mahanap ang pinsan niya at umuwi na siya. Delikado na kasi dahil gabing-gabi na at malakas pa ang ulan. Hindi na ako bumalik sa kotse para kumuha ng payong at hinayaan kong mabasa ako.
I'm confused about myself. Kanina lang galit ako kay Mikka pero ngayong umalis siya at hindi ko alam kung nasaan sobrang binalot na ako ng pagaalala. Ilang ulit na rumerehistro sa isip ko ang itsura niya nang tumakbo siya palayo. Palagay ko ay hindi niya kinaya ang sinabi ko. Natalo pa ng pagaalala ko ang galit ko sa kanya. Napakahina pa naman ng katawan nun kaya baka ano na ang nangyari sa kanya ngayon! Natatakot ako para sa kanya.
"Shocks kung ako 'yung babae grabe hay!" May nagsalita na naman. Kanina pa ako nakakarinig ng mga usap-usapan tungkol sa isang babae at masama na ang kutob ko.
"Sh*t kawawa talaga..." Umiling-iling 'yung lalaking dumaan sa tabi ko.
Pinuntahan ko na kung saan nanggaling ang mga naguusap na 'yon. Ayokong isipin na tama ang kutob ko pero kailangan kong malaman na mali ako ng iniisip.
Nakita kong may mga tao sa kalsada at papaalis na ang mga 'to. Kahit malayo pa ako ay nakakita ako ng heels. Nanlaki ang mga mata ko dahil alam kong kay Mikka iyon. Napansin kong ito ang suot niya kanina. Halos hindi ako makapaglakad palapit dito dahil bumigat ang pagkiramdam ko. Mas nabigla ako nang makita kong may dugo sa gitna ng kalsada kung saan nanduon ang heels na 'yon.
Nanginginig akong lumapit sa mga tao para malaman kung anong nangyari rito. "B-Babae ba 'yung nandito kanina?" tanong ko sa isang matanda na nakatingin sa dugo sa kalsada gaya ko. Tumango ito.
"Mabuti hindi nabangga pero ayan nagkalat ang dugo kasi nung natulak siya nung lalaki bumagsak siya sa bubog. Hay kawawa naman... Mukhang hinang-hina 'yung babae." sabi pa nito. Namataan ko ang tinutukoy niyang bubog. Galing iyon sa basag na bote.
I felt darkness wrapped around me as I feel my body trembling so hard.
"Nasaan na s-siya?" Kung nilalamig na ako kanina ay mas nilalamig ako ngayon.
"Hindi ko alam kung saan dinalang ospital e. Pero may lalaking tumulong sa kanya. Boyfriend o asawa siguro niya kasi halos magwala na ito nung wala pang dumarating na ambulansya. Pati ako nataranta dahil sa halos magmakaawa na siya makahanap lang ng tulong."
Sino ang kasama ni Mikka ngayon?! Damn! Kung hindi ko siya sinigawan ng ganuon at binigla sa mismong birthday niya hindi sana nangyari 'to!
Hinilamos ko ang dalawang palad ko sa mukha ko at nilabas ko ang phone ko para matawagan ang Ate ko. Nanginginig pa ang mga kamay ko dahil sa lamig. Humina na rin ang ulan pero dumoble lang ang ginaw ko.
"H-Hello?" tanong ko nang marinig ko ang pagtigil ng ring.
"God! What did you do to Mikka?! Did you hit her or something?" Ngayon ko lang narinig ang boses ng Ate ko na ganito. Parang takot na takot siya para kay Mikka. "Where did you both go?!" Mas lumakas pa ang kanyang boses.
"What the hell is wrong with you Ate? Alam mo na ba na naaksidente siya?"
"WHAT?! Naaksidente si Mikka? Kai-"
"Kailer!" Boses ni Papa iyon at mukhang kinuha nito ang phone ni Ate. Nasa restaurant pa kaya sila? Galit din ang boses nito. I know they'll surely be mad for what I did in this special day. Pero masisisi ba nila ako kung ganuon ang ginawa ko? Nalaman ko na niloko ako ng taong pinagkatiwalaan ko ng sobra!
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETE
RomanceSa loob ng maraming taon kay Cyrish lang ang buong atensyon ni Kailer at hindi niya napapansin si Mikka at ang totoong damdamin nito. Nang malaman ni Mikka ang tungkol sa sikreto ni Cyrish, naging desidido siyang baguhin ang laman ng puso ni Kailer...