Ito 'yung story na matagal nang gumugulo sa isip ko :) Hehe Sana basahin niyo at magustuhan niyo. Ang laman ng Prologue na 'to ay naganap within the story. ^^ Sana basahin niyo at suportahan ang story kong 'to <3 -SQ
---
Nakatingin ako sa mamula-mulang labi niya. Hindi ko maintindihan kung dahil lang ba sa kalasingan kaya gusto ko siyang halikan. Sa tagal na naming magkakilala ay ngayon ko lang 'to naramdaman sa kanya. Ano bang nangyayari sa akin ngayon?
Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Alam kong mali ito lalo na't sinasamantala ko na tulog siya pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.
The next thing I know, magkalapat na ang labi namin. Hindi ko alam na ganito pala kalambot ang labi niya. I was about to stop pero may nagtulak sa akin na tagalan ang pagkalapat ng labi ko sa kanya.
Bakit pakiramdam ko matagal ko na dapat 'tong ginawa? Pero mali eh. Hindi pwede 'to. I should stop. Lasing lang siguro ako kaya ako ganito ngayon.
Nagulat ako nang dumilat siya. Nanlaki ang mga mata ko at dapat lalayo na ako pero hinila niya lalo ako palapit sa kanya. Lumalim ang mga halik namin habang paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko na dapat na kaming tumigil. Dapat na kaming tumigil kahit na alam ko namang ayaw kong gawin 'yon.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETE
RomanceSa loob ng maraming taon kay Cyrish lang ang buong atensyon ni Kailer at hindi niya napapansin si Mikka at ang totoong damdamin nito. Nang malaman ni Mikka ang tungkol sa sikreto ni Cyrish, naging desidido siyang baguhin ang laman ng puso ni Kailer...