Chapter 33 || Wala Siya
Mikkaella's POV
Kung bakit ba kasi hindi ko napigilan ang pagsabog ng emosyon ko ng gabing 'yun e! Ugh. Naiinis ako kung bakit hinayaan kong mawala ako sa sarili ko! Nakalipas na ang isang linggo na walang Kailer akong nakita. Wala siya. Hindi nagpaparamdam at naglahong parang bula. Pero patuloy pa rin ang pagaayos ng kasal namin. Ang mga magulang naman namin ang punong abala pagdating sa bagay na 'yon.
Kahit nga ang pagaapply ko ay isinantabi ko na. Pasok ako pero hindi ko na tinanggap. Nawalan ako ng gana, makakahanap pa ako sa susunod ng mas magandang trabaho.
Binigyan ko si Kailer ng oras para makapagisip pero hindi pa rin niya sinasagot ang mga tawag at text ko ngayon. Iniiwasan niya ako kapag pinupuntahan ko siya sa mga lugar na alam kong pwede niyang puntahan.
Teka.. may isang beses pala. Nakaupo ako sa isang bench at galing ako sa kanila pero wala raw siya. Tulala ako nang bigla akong nilapitan ng dalawang lalaki at pilit pinasama sa kanila. Parang nga silang adik at medyo natakot ako dahil gabi na. Nung sinubukan kong umalis ay hinarang pa rin nila ako. Out of no where ay sumulpot si Kailer para tulungan ako. Wala siyang ibang sinabi kundi 'Go home'. Hindi ko na siya nakausap dahil sumakay siya ng kotse at pinaharurot ito paalis. At least he saved me... he cared. Pero I need to talk to him. Hindi 'yung tinatakasan niya ako...
Isang lugar na lang ang hindi ko pa nasusubukan ngayong araw... lugar na alam kong pwedeng-pwede nyang takbuhan.
"Hello?" sabi ko sa kabilang linya nang sagutin nito ang tawag ko.
"Ow hi Mikka. Namiss kita ng sobra." narinig ko ang matinis na boses ni Cyrish. It's obvious na ang plastik niya. Tss.
"Nandyan ba si Kailer?" tanong ko agad sa pakay ko. Wala akong balak na makipagchikahan sa kanya. Ayaw ko nga siyang makausap in the first place.
"And so? Aagawin mo ulit? Oops! Sorry!" At tumawa siya.
"I need to talk to him. Pakibigay ang phone sa kanya."
"Sorry pero busy kami. Ano bang gusto mong sabihin?" tanong niya kaya mas nairita ako.
"Ayokong makipagusap sa 'yo so please GIVE HIM THE PHONE!"
"Relax! Wow ah. Ikaw pa ngayon ang may ganang sumigaw?-" Natahimik siya bigla bago bumalik sa akin. "Wow. Sabi nga pala ni Kailer mas masarap daw akong humalik kaysa sa 'yo. Mag-aral ka nga muna." Napatakip ako ng bibig. Naghalikan ba sila kaya natahimik siya?
"What do you want?" nagngingitngit na ako sa galit.
"Tell me, you planned everything right?" Bumilis ang pintig ng puso ko sa tanong niya.
"Ano naman sa 'yo ngayon ha?" nagtaray na ako.
"So totoo nga? Ikaw ang may pakana ng lahat ha? You planned all of this para mapasayo si Kailer? Tama ako 'diba?"
"Babe..." Hindi boses ni Kailer ang narinig ko. One of his boys huh?
"Tss later babe. I'm talking with someone." iritang sabi niya sa kasama niya. "Tell me now, Kailer's not even here." baling niya sa akin. Bumalik ang inis ko lalo na at nalaman kong niloloko nga niya talaga si Kailer hanggang ngayon.
"Oo ginawa ko nga! Ako ang pumigil para hindi ka niya maging girlfriend but damn! I did all that I can to remove you from his life! I love him.. Alam kong masasaktan lang siya kasama ka! Alam kong niloloko mo siya! He doesn't deserve you!" Gusto ko siyang murahin, sabunutan at pakainin ng lupa! Inis na inis ako sa kanya! Binaba ko na ang tawag dahil medyo naduduwal na naman ako. Ilang araw na akong ganito. Masama talaga ang pakiramdam ko kaya hindi ko rin ata kakayanin ang magtrabaho sa lagay ko.
"Mikka, you know it's your birthday next week, we'll have a family dinner ok? Kasama ang family ni Kailer. You can invite friends if you want. Doon na lang daw tayo sa Lexa's Kitchen. They booked the restaurant the whole evening for you." narinig ko si Papa sa labas ng kwarto ko. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas ng kwarto. Nahihilo pa ako pero kinalma ko ang sarili ko.
"Ok po." sabi ko at ngumiti kahit na matamlay lang. Nang pababa na ako ng hagdanan ay parang medyo umikot ang paningin ko. Mabuti ay nahawakan ako ni Joshua.
"Anong drama mo?" tanong niya na nakakaasar kaya tumayo agad ako ng maayos at inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin. "Hoy Mikka." tawag niya pero hindi ko na pinansin.
Nang makababa na ako ng hagdan ay agad akong napatakbo sa CR malapit sa kusina. Hindi ko alam pero wala naman akong nakaing masama pero ganito ang pakiramdam ko. Hay! Dumuwal ako ng dumuwal na pakiramdam ko inilalabas ko na lahat ng laman ko.
"Mikka... Are you perhaps..." Si Mama 'yung nagsalita at sinundan pala niya ako rito sa CR. "Pregnant?" Napatakip siya ng bibig sa sinabi niya at nanlaki naman ang mga mata ko. A-Ako? B-Buntis?
***
If that's the truth.... magiging nanay na ako? Magiging tatay na si Kailer? Magiging magulang na kami? I gasped in that realization. I never imagined us being parents. Buong akala ko ay walang ganitong scenario na magaganap pero mali ako. Symptoms are telling me that there's probably a new life inside me.
Nandito ako sa kwarto ko ngayon at nakahiga sa kama. Wala akong sinabi sa hula ni Mama dahil hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Sinabi ko na lang na masama ang pakiramdam ko at gusto kong magpahinga. Nagtatanong na sila tungkol kay Kailer at sinabi ko na lang na busy ito para hindi na sila mataranta.
Sinubukan kong tawagan ulit si Kailer pero gaya ng dati ay wala paring silbi 'yon. Kung malalaman niya kayang buntis ako? Will he stay with me? Ako na kaya ang pipiliin niya? Kami ng anak niya? Mabubura na ba niya sa isip at puso niya si Cyrish?
Oo... I really want that to happen. Sana nga e. Sana ganun kadali lang na mabura niya sa buhay niya si Cyrish. Sana kami ng anak niya kung sakali ang gawin niyang buhay niya. Hindi ko naman hahayaan na magsisi siya e. Mamahalin ko siya ng buong-buo. Higit pa sa akala niya... He deserves someone better than my cousin, if not me, sana ibang babae man lang na nagmamahal talaga sa kanya...
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETE
RomanceSa loob ng maraming taon kay Cyrish lang ang buong atensyon ni Kailer at hindi niya napapansin si Mikka at ang totoong damdamin nito. Nang malaman ni Mikka ang tungkol sa sikreto ni Cyrish, naging desidido siyang baguhin ang laman ng puso ni Kailer...