Chapter 6 || Halik
Kailer's POV
Wala siguro ako sa sarili kanina nung nagjudge ako sa contest. Ilang ulit ko rin kasing kinumbinsi ang sarili ko na si Mikka ang nakikita ko pero kakaiba 'yung nararamdaman ko. Sa bawat pagngiti niya, bumibilis ang pintig ng puso ko. Para akong nababaliw. Siguro kabado lang din ako para sa kanya. 'Yun lang siguro 'yon 'diba at wala nanv iba pang kahulugan?
"Cheers!" sigaw ni Cyrish. Ise-celebrate daw namin ang pagkapanalo ni Mikka kaya nandito kami sa kwarto ko ngayon. Kumakain at umiinom. Minsan lang naman daw 'to kaya pumayag na ako. Sa totoo lang kasi, madali akong malasing. Ang pinakamalakas lang naman samin pagdating sa ganito ay si Mikka. Ewan ko ba eh hindi naman siya anak ng manginginom haha pero kayang kaya niyang uminom ng marami at makarating pa rin sa bahay nila ng magisa at walang nangyayaring masama sa kanya.
Teacher pareho ang magulang ni Mikka at wala sa kanila ang umiinom. Siguro natuto siya dahil sa kuya niya na wagas kung uminom. Sinasabihan ko nga siya na wag papaimpluwensya dun eh at hindi pa naman siya gayang-gaya sa kuya niya. Sa paginom lang talaga ang namana niya. Sabi kasi niya, nung bata siya ay lagi siyang pinapashot ng kuya niya. Nung ikwento nga niya 'yun sa akin medyo nainis ako. Hindi ko kasundo ang kuya niya dahil ayaw ko sa ugali nito.
Mabuti na nga lang at nagiisang anak lang si Cyrish kaya ang parents lang niya talaga ang dapat kong pakisamahan. Hindi rin naman madali 'yun pero sa palagay ko kapag pinakita ko namang sincere ako sa anak nila baka tanggapin nila ako ng sobra.
Napansin ko na nakakadalawang baso pa lang ako pero hilo na talaga. Samantalang 'yung mga kaibigan ko eh ayos pa rin. Tinigil ko na muna ang paginom at nakisali na lang ako sa paguusap nila. Baka masobrahan kasi ako. Medyo umiikot na ang paningin ko. Ang hina ko talagang uminom.
"Oo nga Felix! Taray mo nitong nakakaraan sa akin. Para kang sira lam mo 'yun? Haha." sabi ni Mikka. Napagusapan ata ang pagiging bad mood ni Felix. Hindi ata niya alam na siya ang dahilan kung bakit ganun ito. Na natatakot ito sa ginawa niyang pagsali sa contest.
"Secret." sabi ni Felix at mukhang sira na ngumiti. Namumula pa talaga siya haha. Dala ng alak o nahihiya?
"Bakit nga?!" sinuntok siya ni Mikka sa balikat. Bumalik na ang Mikka na kilala namin ngayon pero kapag napapatingin ako sa kanya parang hindi ako mapakali. Bumabalik sa isip ko 'yung Mikka na lumaban sa contest. Parang nakikita ko siya bilang babae. Sumasakit lang tuloy lalo ang ulo ko ngayon.
Sumandal ako sa balikat ni Cyrish na katabi ko. "Okay ka lang ba?" bulong niya.
"Oo..." sabi ko naman.
"Bakit nga kasi Felix?" Si Mikka 'yung nagsalita.
"Aalis na nga ako." Tumayo na si Felix at mabilis na tumakas. Haha ayaw niyang mabulgar ang sikreto nya.
"Balik na nga rin ako. Inaantok na ako eh." sabi ni Cyrish at tumayo rin ako para sana ihatid siya sa kwarto niya. "Ay ok na Kailer. Kaya na namin 'to ni Dianne. Tulungan mo na lang si Mikka pabalik sa kwarto. Nakatulog na ata. Salamat!" sabi niya. Mukhang hindi naman siya nalasing ng sobra kaya hinayaan ko na sila ni Dianne. Napatingin naman ako kay Mikka nang umalis na silang tuluyan. Tulog nga ito gaya ng sinabi ni Cyrish. Ang bilis naman ata? Nakahiga siya sa kama ko ngayon. Napagod siguro talaga sa laban kaya hindi niya namalayang natutulog na siya.
Napansin kong may bahid pa rin pala ng make-up ang mukha niya. Naupo ako sa sahig at napatitig ako sa mukha niya. Hindi siya si Cyrish at alam kong kaibigan ko siya but she made my heart waver.
'Yung mahaba niyang pilikmata. 'Yung cheekbones niya...
Nakatingin ako sa mamula-mulang labi niya. Hindi ko maintindihan kung dahil lang ba sa kalasingan kaya gusto ko siyang halikan. Sa tagal na naming magkakilala ay ngayon ko lang 'to naramdaman sa kanya. Ano bang nangyayari sa akin ngayon?
Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Alam kong mali ito lalo na't sinasamantala ko na tulog siya pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.
The next thing I know, magkalapat na ang labi namin. Hindi ko alam na ganito pala kalambot ang labi niya. I was about to stop pero may nagtulak sa akin na tagalan ang pagkalapat ng labi ko sa kanya.
Bakit pakiramdam ko matagal ko na dapat 'tong ginawa? Pero mali eh. Hindi pwede 'to. I should stop. Lasing lang siguro ako kaya ako ganito ngayon.
Nagulat ako nang dumilat siya. Nanlaki ang mga mata ko at dapat lalayo na ako pero hinila niya lalo ako palapit sa kanya. Lumalim ang mga halik namin habang paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko na dapat na kaming tumigil. Dapat na kaming tumigil kahit na alam ko namang ayaw kong gawin 'yon.
Ayaw kong tumigil? Ano ba 'tong sinasabi ko ngayon? Kalokohan! Hindi si Mikka si Cyrish. Hindi...
Inilayo ko na siya sa akin pero nang magtagpo ang mata namin ay umiiyak siya. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito. Umiiyak lang si Mikka kapag sobrang nasasaktan. Hindi siya 'yung tipo na iyakin at makanti lang ay iiyak na. "I-I'm sorry Mikka. Lasing lang ako.. I'm sorry." sabi ko. Ano 'tong ginawa ko? Hinalikan ko ang kaibigan ko! Hinalikan ko ang pinsan ni Cyrish!
Umiiyak pa rin siya kaya naman inakap ko na siya at pilit na pinatahan. "Sorry Mikka...."
"K-Kailer... K-Kailer..." tawag niya sa akin. Ramdam ko ang takot sa boses niya pero bakit? Natakot ba siya sa ginawa ko?
"Hindi ko na gagawin ulit 'yun. Sorry talaga Mikka. Hindi ko sinasadya." sabi ko. "Matulog ka na ulit. Ihahatid kita sa kwarto mo..."
"P-Pwedeng dito na lang ako?" Umiling siya ng umiling. "A-ayokong matulog!" Nanginig siya sa huli niyang sinabi.
"Bakit ayaw mong matulog? Bakit ka ba talaga umiiyak?" nagaalalang tanong ko dahil mas lumalakas ang pagiyak niya.
Wala siyang sinabi na kahit ano. Tingin ko rin ay ayaw niyang magkwento kaya tumahimik na lang ako at sinunod ko ang gusto niya. Hinayaan ko siya na dito na lang sa kwarto ko. Naupo siya sa isang tabi at humiga ako. Ipinikit ko na ang mga mata ko at okay lang din 'to dahil sa masakit ang ulo ko.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETE
RomanceSa loob ng maraming taon kay Cyrish lang ang buong atensyon ni Kailer at hindi niya napapansin si Mikka at ang totoong damdamin nito. Nang malaman ni Mikka ang tungkol sa sikreto ni Cyrish, naging desidido siyang baguhin ang laman ng puso ni Kailer...