Chapter 9

5.9K 127 3
                                    

Chapter 9 || Si Cristina, Fernando at Rosa

Mikkaella's POV

Muntikan na ako madulas dahil sa pagpulot ko sa kwintas sa sahig dun sa kweba. Kinuha ko ito hindi dahil sa nagandahan ako o ano. Parang there's a need lang talaga na makuha ko 'yon. Tinulungan ako ni Felix pero hindi ko mabalik 'yung dati kong turing sa kanya dahil sa huling nangyari sa amin. Napatingin pa ako kay Kailer dahil sa gusto kong basahin ang isip niya. Gusto kong maisip kung kahit kaunti ba ay wala siyang pagtingin sa akin.

Umalis na rin kami agad sa loob ng kweba at may binalikan lang si Kailer sa loob kaya inantay namin siya sa labas. Nagtaka pa nga ako nang tanungin niya ako kung nandun daw ba ako sa loob kanina nung bumalik siya.

Pero ang ikinabigla ko ng sobra ay ang sinabi niya sa akin tungkol sa boses na narinig niya sa loob. Sabi niya may narinig siyang kaboses ko na bumanggit sa pangalang Fernando ng dalawang ulit. Kinilabutan na naman ako. Isa lang ang kilala kong Fernando at 'yun 'yung lalaki na nakita ko sa notebook na kamukha ni Kailer.

Gaya ng gusto ni Cyrish, bumili kami ng maiinom at naupo malapit sa tabing dagat. Hindi mainit ngayon kaya gusto nilang dito muna kami tumambay.

"Salamat sa inumin." sabi ni Cyrish kay Kailer at si Kailer naman agad na namula ang pisngi. Ganun katindi ang epekto ni Cyrish kay Kailer. Pero ako? Kailangan ko pa talagang magayos... kailangan ko pang halikan siya para maisip niya na babae rin ako. Siguro nga ni minsan ay hindi niya naisip na magkakagusto ako sa kanya. Pero wala eh. Noon palang ay mahal ko na siya. Kaya masakit sa akin na nasa pinsan ko ang buong atensyon niya. Sana naman diba? Maambunan ako ng kahit kaunti? Baka sa susunod ay maulanan na rin ako kung sakali.

"Anong gusto niyong gawin ngayon?" tanong ni Felix sa aming lahat. Nakakatamad na kasing magswimming dahil ilang ulit na namin 'yon nagawa.

"Wala bang bar dito?" tanong din ni Cyrish.

"Oo nga!" Si Dianne ang nagreact.

"Ay meron dito haha. Hindi ko pa pala kayo nadadala." sagot ni Kailer. Hanga talaga ako sa resort ng pamilya niya. Lahat na ata nandito kaya pasyalan ito ng mga tao. Sikat na sikat hanggang maynila ang Eisen Beach Resort. Eisen nga pala ang second name ni Kailer kaya malalaman agad na anak siya ng may-ari ng resort. Usap-usapan talaga ang resort nila tuwing Summer kaya naman ang laki ng kita nila.

"Yes! Party party tayo!" sigaw ni Dianne at nakisali na si Cyrish. Lumilitaw na talaga ang totoong kulay ng pinsan ko. Dati ay hindi ito pala bar pero ngayon siya pa mismo ang naghanap para puntahan namin.

"Sige halika balik muna tayo sa kwarto tapos kita tayo sa lobby para sabay-sabay na magpunta sa bar." sabi ni Kailer. Nakita ko na hindi naman siya excited. As expected sa kanya. Hindi naman kasi siya 'yung tipo na hilig magpunta sa bar. Ayaw nga niya na umiinom eh. Napipilitan lang talaga kung minsan dahil sa amin.

Naisip ko tuloy. Bakit ko nga ba minahal si Kailer?

Sa itsura niya? Talino? Bonus na lang 'yun eh. Sa ugali niya ako nainlove. Dahil sa pakikitungo niya sa akin kaya mas minahal ko rin siya. Ngayon masasabi ko na lang na dahil siya si KAILER kaya mahal ko siya. Si Kailer na misteryoso pero makulit. Si Kailer na inosente at hilig sumubok ng mga bagay-bagay.

"Uy halika na." Tumayo na pala sila kaya ganun na rin ang ginawa ko.

Nang makarating kami sa loob, nagpaalam na lang agad ako na babalik sa kwarto at di na sasama sa kanila. Gusto ko kasing maintindihan kung sino ba talaga si Cristina, Fernando at Rosa. Nagkunwari akong inaantok kaya hinayaan na nila ako.

Pagdating ko sa kwarto, nilabas ko agad 'yung kwintas na nakuha ko. Makaluma na rin 'yung kwintas. Simpleng heart-shape lang ito at walang pangalang nakaukit kaya hindi ko alam kung kanino iyon. Kinuha ko 'yung notebook mula sa gamit ko at binuklat ko agad iyon.

Ito ang nabasa ko sa sumunod na pahina:

Nagsisisi ako dahil hindi ko naipagtapat kay Fernando ang tunay kong nararamdaman. Hinayaan ko siya kay Rosa dahil akala ko ito ang magpapaligaya sa kanya pero nagkamali ako. Bulag ang pag-ibig ni Fernando para kay Rosa kaya nasasaktan siya ng sobra ngayon. Isinusulat ko ito dahil sa sobrang nasasaktan ako para sa lalaking mahal ko. Kung iisipin ay ako rin ang may kasalanan sa naging kapalaran naming tatlo. Hindi ko sinubukang ipaalam ang damdamin ko kay Fernando kaya sila ni Rosa ang nagkatuluyan. Wala akong nagawa para sa lalaking mahal ko. Naduwag ko... wala akong silbi.

Hindi ko na tinapos ang pagbabasa sa pahina na 'yon dahil sobrang sakit na sa loob ko na magpatuloy pa. Tiningnan ko na lang na sunod 'yung last page.

At ganito ang sinabi ni Cristina:

Tanggap ko na. Hindi siguro talaga tayo ang para sa isa't isa ngayon. Aasa na lang ako na sana sa susunod na buhay, maipaglaban na kita. Masabi ko sa 'yo ang nararamdaman ko at mahalin mo rin ako.

Sana sa susunod na buhay masabi kong... akin ka at ako ang babaeng totoong iniibig mo.

B-Bakit ganito? Hindi ako 'yung tipo na madaling maapektuhan sa mga dramang nababasa at napapanuod ko pero bakit ngayon kusang tumutulo ang luha ko? Sino ka ba Cristina? Sino si Fernando? Anong koneksyon ko sa inyo? Bakit nasa panaginip ko kayong tatlo ni Rosa?!

***

Kaharap ko ang sarili ko. Nakangiti ako. "Mahalin mo si Fernando ng buong-buo... sana hindi ka gumaya sa akin. Sana magawang mong baguhin ang kapalaran mo..." sabi ko.

***

"...sana magawa mong baguhin ang kapalaran mo..." Nanaginip na naman ako at ito ang narinig ko sa mismong sarili ko. Huh? Ako ang nagsabi sa sarili ko?Pero hindi eh. Si Cristina ang kaharap ko hindi ba? Luma na naman kasi ang suot niya.

Teka...Hindi kaya iisa lang kami ni Cristina? Hindi kaya... ako siya sa sinasabi niyang sumunod na buhay?

Posible ba 'yun? Posible ba na iisa lang kami? Na iisa lang si Fernando at Kailer pati si Rosa at Cyrish?

Pero kung totoo nga iyon... na ang naging kapalaran ko noon ay hindi maganda, magagawa ko bang baguhin 'yon ngayon?

Sampung taon nang mahal ni Kailer si Cyrish. Malabong dahil lang nakaramdam siya ng kaunti sa pagaayos ko at halik namin ay maibaling niya sa kin ang atensyon na binibigay niya sa pinsan ko.

Pero ayoko. Ayokong magaya kay Cristina. Ayokong sumuko sa laban na hindi ko pa nasisimulan.

I don't want to be the girl he never loved.

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon