Chapter 50

5.2K 93 19
                                    

Chapter 50 || Resort

Kailer's POV

Balak kong sundan si Mikka pero nang habulin ko siya ay napahinto ako ni Cyrish. I clenched my jaw. "Why are you here?"

"I-I want to say sorry... kay Mikka. I want to talk to her." she look shocked at namumutla siya. Malamang nagkita sila ni Mikka at hindi siya nito pinakinggan gaya ng ginawa nito sa akin. I know... I understand... masakit pa rin... nasasaktan din kasi ako. Alam kong mas masakit para sa kanya.

"Ayaw niya."

"But... but I want to at least say I'm sorry." Napayuko siya na parang pasan niya ang mundo. I heard her sob pero hindi ko magawang lapitan siya at patahanin. I don't feel like doing it. I've done enough in the past and it made me hurt Mikka...

"Don't expect she'll forgive you that fast Cyrish... Kasi kahit ako nahirapang magpatawad." I am still unsure if I know how to forgive.

***

"Kuya Kai nasaan na si Ate Mikka?" tanong ni Dashiell nang pumasok ako at naupo sa driver's seat. Umiling ako. "Ayaw niyang magpakita?"

"Nope. Galit siya sa akin. May nagawa kasi akong kasalanan."

"Magsorry ka."

"Hindi ganun kadali e."

"Basta magsorry ka hanggang mapatawad ka. Tapos pakainin mo ng cookies, ice cream, chocolates. Ngingiti na 'yun." Dashiell is so innocent. He's manly but still, he has this addiction to sweets. Mukhang ito lang ang pinakamahalaga sa kanya and he hates sharing his sweets with anyone.

Ngumiti lang ako sa kanya kahit na hindi ako masaya dahil ayokong idamay pa siya at pinaandar na ang kotse. Pinakain ko muna siya ng ice cream bago kami umuwi sa bahay.

Hinang-hina ako. I actually don't know what to do with Mikka. I don't know how to ease her pain. I love her so much that it breaks me to even think about it.

Nang makarating kami sa bahay ay agad bumaba si Dashiell. Sumunod naman ako. Tumakbo siya papasok ng bahay dahil nakaamoy na naman ng bagong bake na cake. Si Mama talaga. Spoiled sa kanya si Dashiell kapag nandito.

Nakayuko akong pumasok sa bahay at diretso nang umakyat. Narinig ko pa ang pagtatanong nila Mama at Papa tungkol sa naging lakad ko pero hindi ko pa kayang magkwento sa kanila.

Itinulog ko muna ang nararamdaman ko at gumising lang ako nang maramdaman ko ang pag-alog sa akin. Nakita ko si Dashiell. Kumakain ng lollipop. "Baba ka na Kuya Kai. Hapunan na sabi ni Tita." sabi niya na blanko pa rin ang ekspresyon. Ito ang hindi maganda kay Dashiell, mahirap mabasa ang iniisip niya. Mas mahirap kaysa sa akin.

Tumayo na ako at nag-inat bago lumabas ng kwarto at bumaba. Nakita kong nakahanda na ang mga pagkain sa lamesa at naupo na rin ako. "Kamusta ba Kailer?" tanong ni Mama na halatang nagaalala.

"Galit pa rin siya sa akin." matabang na sagot ko at uminom ng tubig.

"Ano nang balak mong gawin ngayon?" tanong ni Papa.

Natahimik ako. "Hindi ko pa po alam pero hindi ako susuko."

"Hindi pa po ba tayo kakain?" singit ni Dashiell at natawa na lang kami. Sanay na kami sa ugali niyang 'to lalo na at sweet and sour pork ang ulam. Mabuti rin pala at nandito siya para kahit papaano ay hindi ganun kabigat ang pakiramdam ko.

"Si Ate?" tanong ko.

"Ahh pauwi pa lang. May date pa 'yun hayaan mo." sabi ni Mama. Wala pang boyfriend si Ate pero maraming manliligaw. Masyado siyang mapili e kaya hanggang ngayon wala pang nagiging boyfriend.

Habang abala kami sa pagkain ay narinig ko ang pagring ng cellphone ko. Inilabas ko 'yon mula sa bulsa ko at sinagot. "Hello?" Numero ito ng tauhan ko sa resort.

"Sir hindi po ba hinahanap mo si Ma'am Mikka? Mikkaella Louise Villaroel? Nakita ko po siya rito!" Bumilis ang pintig ng puso ko. Nasa resort namin si Mikka! Baka doon ay magkaroon ako ng pagkakataon na makausap siya!

***

"Hayaan mo na ang Kuya Kai mo." sabi ni Mama kay Dashiell na ngayon ay inosenteng nakabuntot sa akin. Paalis ako at papunta sa resort. Gabi na pero nagpaalam akong aalis. Nakatulog naman ako kaya hindi na ako aantukin sa byahe kahit na ilang oras iyon.

"Pero gusto kong makita si Ate Mikka." At ngumuso si Dashiell. Lumapit ako sa kanya at ginulo ang buhok niya.

"Aayusin ko muna ang away namin at dadalhin ko siya rito." I assured him. Mabuti at nakumbinsi rin siya kaya naman nakapasok na ako sa kotse ko ng matiwasay. Mabilis ko itong pinaandar dahil gusto ko nang makita si Mikka. Wala akong plano ngayon kung paano niya ako mapapatawad. Ang alam ko lang ay gusto ko siyang makausap. Gusto kong humingi ng tawad. Gagawin ko kahit anong gusto niya mapatawad lang niya ako.

Nilabanan ko ang antok at pagod makarating lang ng maayos sa resort namin. Sinadya kaya niya na sa resort namin magbakasyon dahil may nararamdaman pa siya sa akin? Sana valid pa rin ang sinabi niya noon. Sana mahal pa rin niya ako... kasi mahal na mahal ko siya. Hindi ko nga alam kung paano ko naatim na umaligid si Felix sa kanya noon e. Siguro ay talagang ang lakas ng paniniwala ko na wala akong pagtingin sa kanya. Ayokong mawala ulit siya sa akin. Sapat na ang pagkakamali ko noon at ayoko nang madagdagan pa 'yon. I don't want to commit the same mistake again if that means losing her.

Nang makarating ako sa resort ay hapon na. Maraming tao dahil sa summer ngayon. Bumalik sa alaala ko ang nangyari sa aming huling summer magkakaibigan.

We shared a kiss at kahit lasing ako at alam kong si Mikka 'yon... I didn't stop in an instant... I can still feel the lingering feelings inside me.

Hinanap ko agad ang naginform sa akin at nang makita ko siya ay nawalan na ako ng interes dahil sa nakita ko na ang kailangan ko hindi kalayuan. Nasa may dagat siya kasama ang tatlong lalaki. Kumunot ang noo ko at parang may nagalab sa aking dibdib. Who are those guys? Bakit nakikipagtawanan siya sa kanila? Bakit parang ang saya-saya niya kasama sila?

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon