Chapter 12

4.8K 110 1
                                    

Chapter 12 || Ang Pagudlot

Kailer's POV

Nireserve ko ang isang dining hall dito sa resort namin. Nagpaalam na naman ako sa parents ko at inakala pa nga nila na si Mikka 'yung babaeng tinutukoy ko na sampung taon ko nang mahal. Haha. Sa totoo lang kasi ay mas prefer nila si Mikka kaysa kay Cyrish dahil mas kasundo nila 'to.

Mas kasundo ng magulang ko si Mikka dahil magaling ito sa gawaing bahay. Kapag nagpupunta sa amin si Cyrish at Mikka, tumutulong lagi sa kanila si Mikka kaya naman hanga sila rito. Si Cyrish kasi ay palagi kong kasama sa sala o hindi naman sa kwarto ko. Nanunuod o hindi kaya nagkukukwentuhan at naglalaro kami.

Sabi sa akin ng Ate ko napakaengrande naman daw ng gagawin ko pero sabi ko hindi naman. Gusto ko lang talagang gawing espesyal ang pagtatanong ko kay Cyrish dahil espesyal siyang babae para sa akin. Gusto kong maramdaman niya kung gaano ko siya pinahahalagahan.

Sikreto lang dapat 'to pero dahil sa matagal ko na namang katulong si Mikka ay sinabihan ko siya na magpunta rito ngayon habang 'yung iba naming kaibigan ay busy sa kakaswimming. Gusto kong tulungan niya ako para maging successful ang gagawin ko. Noon pa man kasi ay siya na ang nagsisilbing tulay namin ni Cyrish.

"Damihan niyo 'yung petals doon." utos ko sa isang waiter. Nagpapalagay ako ng petals sa sahig na dadaanan ni Cyrish. Sa isang lamesa, may ipapahanda akong pagkain tapos kandila lang ang gagamitin namin imbes na ilaw sa buong paligid. May tutugtog din habang kumakain kami at aayain ko siyang magsayaw. Doon ko na siya tatanungin kung pwede kong ba siyang maging girlfriend. Hay. Naiisip ko pa lang ang gagawin ko parang mawawalan na ako ng malay sa sobrang kaba.

"K-Kailer?" Si Mikka pala 'yon. Nilapitan ko siya kaagad. "Anong meron dito?" Nagulat rin ata siya sa hinahanda ko dahil halata sa mukha niya.

"Ngayong gabi ako magtatapat kay Cyrish." sabi ko sa kanya. "Tatanungin ko na siya." masayang sabi ko.

"Ha? Bakit?" Magkasunod na tanong niya.

Tumawa naman ako sa reaksyon niya. "Anong bakit ka dyan? Oo syempre kasi bukas uuwi na tayo kaya dapat mamayang gabi ko na siya tanungin. Para namang hindi ko nasabi ang balak ko sa 'yo."

"Uhm.. sorry.. nakalimutan ko lang." sabi niya. Inakbayan ko siya at lumapit kami dun sa lamesa.

"Excited na ako tapos kinakabahan din. Hay. Sana pumayag siya sa gusto ko." nangangarap na sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko.

***

Sabi ko kay Mikka papuntahin niya si Cyrish dito pagdating ng hatinggabi kaya nandito ako ngayon sa dining hall at nagaantay lang na dumating ito. Tatawagan ako ni Mikka kapag papunta na rito si Cyrish para syempre prepared ako.

Handang-handa na ang lahat. Ilaw na lang mula sa mga kandila ang nagbibigay ng liwanag sa paligid. Si Cyrish na lang pala ang kulang dito para maging matagumpay lahat ng 'to.

Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Malamig din ang mga kamay ko. Sobra yata akong kinakabahan. Sa buong buhay ko kasi ay ngayon ko lang gagawin ang surpresa na 'to. Sampung taon akong nanahimik at lihim na nanligaw kay Cyrish. Siguro ngayon na talaga ang panahon para mas magkalinaw nga ang relasyon namin pati ang nararamdaman ko para sa kanya. Na higit pa sa kaibigan ang tingin ko sa kanya. Na siya ang babaeng gusto ko makasama buong buhay ko.

Tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko agad ang tawag. Nakita ko rin naman na si Mikka ang tumatawag.

"Hello?"

"K-Kailer... ang sakit.. tulungan mo a-ako. H-hindi ako makahinga!"

Nagulat ako sa boses ni Mikka. Hindi ito normal. Kapos siya sa hangin at palagay ko ay inaatake siya ng asthma! Napatayo kaagad ako. "Bakit po?" tanong ng isang waiter sa akin nang palabas na dapat ako.

"Pasensya na may emergency." sabi ko.

"Pero sir-"

Tumakbo na ako palabas ng dining hall at hindi ko na siya pinatapos. Baka anong mangyari kay Mikka kung hindi siya maaagapan.

Sasakay sana ako ng elevator at nakakailang pindot na ako kaso matagal pa yata ito. Hindi na makakapagintay si Mikka! Nagpunta na lang ako sa hagdanan at binilisan ko ang bawat hakbang ko.

Mabilis akong nagpunta sa kwarto ni Mikka pagtungtong ko sa palapag niya at pagpasok ko, nakita ko siyang nakabulagta sa sahig. "Mikka!" tawag ko at nakita ko na hirap na hirap siyang huminga kaya hinanap ko agad ang inhaler niya. "Nasaan ba 'yun?!" Hindi ko kasi makita sa gamit niya! Tss! Nasaan ba kasi 'yun?! Dapat nandito lang 'yun eh. Dapat sa madali lang makita nakalagay lalo na at may ganitong emergency!

"K-Kailer..." tawag ni Mikka. Nasaan na ba ang lintek na inhaler ni Mikka?!

"Sandali lang Mikka! Subukan mong huminga please." sabi ko at tiningnan ko na ang buong kwarto niya. Pagtingin ko sa ilalim ng kama, nanduon pala 'yung hinahanap ko. Kinuha ko naman 'yon at ginamit kaagad sa kanya.

Nang gawin ko 'yon ay nakita ko na nakahinga siya ng maayos pero nanginginig ang buong katawan niya. "K-Kailer... wag mo muna akong iwan." sabi niya kaya inakap ko siya ng mahigpit. Natakot siguro talaga siya. Natakot din naman ako para sa kanya dahil akala ko malalagutan na siya ng hininga kanina.

"Okay na ang lahat... wag ka nang matakot." sabi ko at talaga palang pinagpawisan at hiningal ako. Nakakita ako ng isang basong tubig sa lamesa malapit sa kama kaya kinuha ko 'yon at ininom. Inihiga ko si Mikka sa kama pagkatapos at hinayaan na humiga siya sa hita ko. Medyo napagod ata ako kasi pakiramdamam ko inaantok ako...

P-Pero... Hindi... Ako... Pwedeng... M-Makatu..log.

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon