Chapter 18

4.9K 101 9
                                    

Chapter 18 || Responsibilidad

Kailer's POV

Nang idilat ko ang mga mata ko, sobrang sakit ng ulo ko. Parang binibiyak. Napatingin ako sa paligid at naguluhan ako dahil nalaman kong nandito ako sa kwarto ni Mikka. Pagtingin ko sa tabi ko, nanlaki ang mga mata ko kasi katabi ko si Mikka at... at... sinilip ko ang katawan ko at wala akong damit kahit isa! Ganun din siya... Anong nangyari kagabi? Ang natatandaan ko sobrang lasing ako tapos... tapos... nakita ko si Cyrish... Hindi na malinaw sa akin ang mga sumunod na nangyari.

Ano ba Kailer?! Bakit ka ba kasi uminom?! Hinampas ko ang ulo ko kaya mas sumakit ito lalo. Hay!

"Mikka gi-" Nagtagpo ang tingin namin ni Joshua na pumasok ng hindi kumakatok at nang makita niya kung anong sitwasyon namin ni Mikka, sinugod niya ako at sinuntok ng malakas. "Gago! Ulol! Tangina mong gago ka!" sigaw nito at sinuntok niya ulit ang mukha ko habang paulit-ulit akong minumura.

"Joshua!" nagising na si Mikka at pilit niyang pinigilan ang kuya niya. Hindi ako makakilos o kaya makapagsalita. Nabigla pa rin ako sa nangyari sa amin ni Mikka kagabi... Hindi ko inexpect na hahantong kami sa ganito.

"Ano? Masarap ba kapatid ko ha hayop ka?! Gago!" Gusto pa rin akong suntukin ni Joshua pero hindi natuloy dahil dumating si Tito at Tita. Mas nanlaki ang mga mata ko dahil alam kong dahil sa nakita nila ay magbabago ang tingin nila sa akin. Sa amin ni Mikka.

"Anong ibig sabihin nito?!" malakas na pagkakatanong ng tatay ni Mikka. Lumapit ang nanay niya sa kanya at sinampal siya. Nagulat ako dahil alam kong ngayon lang pinagbuhatan ng kamay ni Tita si Mikka.

"I'm sorry po wag niyo na siyang ssktan. Ako ang may kasalanan." sabi ko at nilapitan ko si Mikka para tanggapin ang lahat ng hampas ng nanay niya.

***

"Ma... Pa... Sorry na... hindi po namin-" naputol sa pagsasalita si Mikka dahil kay Tito.

"Pakasalan mo ang anak ko." Nabigla ako sa gusto niyang mangyari. Sa akin niya ito sinasabi.

"Pero Pa hindi naman ako siguro nabuntis..hayaan na po natin.. hindi na po mauulit please papa." sabi ni Mikka pero nakita kong desidido si Tito at hindi naman umangal si Tita.

"Hindi pa natin sigurado ang tungkol sa bagay na 'yan pero ang gusto namin ng Papa mo, magpakasal kayo. Ikaw mismo ang responsibilidad niya wala o meron man kayong maging anak dahil sa nangyari sa inyo."

"Panagutan mo ang anak ko o magkakamatayan tayo rito." sabi ulit ni Tito sa akin. Natakot ako dahil alam kong may baril ito sa bahay para raw sa proteksyon ng pamilya niya. Alam ko 'yun dahil naikwento niya sa akin noon. May baril siya dahil may kapatid siyang pulis.

Nandito kami sa sala ngayon. Iniwan nila kami at pinagbihis tyaka pinapunta rito para makapagusap kami. Hindi pa rin kami nakakapagusap ni Mikka ng kami lang dahil wala akong masabi sa kanya. Nahihirapan din akong tingnan siya sa mata. Kasalanan ko kaya 'to nangyari sa amin at alam ko 'yon. Sobrang guilty ako sa ginawa ko sa kaibigan ko. Hindi ko matanggap na walang kwenta akong kaibigan... Hiyang-hiya talaga ako.

"Paguusapan po na-" naputol ang dapat sasabihin ko.

"Ulol anong usap usap. Nung ginago mo kapatid ko wala ng usap usap ah. Sarap na sarap ka nga sigurong hayop ka eh!" singit ni Joshua na nakaupo rin at nakisali sa amin.

"Joshua itikom mo 'yang bibig mo." inis na sabi ni Mikka.

"It's either magpakasal kayo o kakasuhan ka namin ng rape Kailer. At Mikka, wala kang magagawa rito. Ito ang gusto namin kaya manahimik ka. Pinagkatiwalaan ka namin pero ano? Si-Sinira mo 'yun." Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Mikka nang tumayo na ang magulang niya. Umiiyak din si Tita.

"Landi pa more." sabi ni Joshua bago umalis. Naiinis ako sa Kuya niya at gusto kong gumanti ng suntok kung hindi lang ako ang may kasalanan dito. Kumbaga he's adding fuel to the fire. Kung anu-ano sinasabi niya na wala namang maitutulong sa amin.

Naiwan na kami ni Mikka ngayon at nakayuko lang siya. Ilang minuto ang lumipas bago ko binuka ang bibig ko para makapagsalita. "Mikka..." tawag ko pero hindi niya ako tiningnan.

"I'm sorry..." sabi niya. Tinakpan niya ang mukha niya. Alam kong umiiyak siya. Rinig ko ang paghikbi niya. Ang sakit para sa akin syempre dahil ako ang dahilan ng pagiyak niya.

"Ako ang dapat magsorry..." sabi ko.

"A-Alam kong si Cyrish ang mahal mo at... at gusto mong pakasalan... kaya kakausapin ko sila." sabi niya pero alam kong malabong magbago ang desisyon ng magulang niya. Kilala ko kasi si Tito at Tita. May isang salita sila at ayaw nilang nasisira ang kung ano mang gusto nila at desidido silang mangyari. Ayaw din nila na nadudungisan ang kanilang angkan. Dapat ay ihanda ko na ang sarili ko. "Umalis ka na lang muna siguro." sabi niya at magsasalita pa sana ako pero naisip ko na baka tama siya. Kailangan naming makapagisip pareho.

Tulad ko, nabigla rin siya sa nangyari. Sinabi niya na may mahal siyang iba at alam kong nalulungkot siya dahil magpapakasal siya sa akin na kaibigan lang niya. Ako naman... ganun din. Paano na kami ni Cyrish sakaling pilitin nga kami ng magulang niya? Hindi ko rin alam ang sagot. Wala pang makakapagsabi... Pareho kaming nasasaktan ni Mikka. Ano mang maging desisyon ko, namin, alam kong may masasaktan at masasaktan pa rin sa gagawin namin. Ngayon pa nga lang ay may nasasaktan na. Paano pa sa mga susunod hindi ba?

Tumayo ako at tiningnan si Mikka sandali na patuloy pa rin sa pagiyak. Lumapit ako para sana haplusin ang buhok niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Tinalikuran ko na siya at dahan-dahang lumabas ng pintuan. Yumuko ako at inihilamos ang mga kamay sa mukha bago naglakad palabas ng bahay nila ng tuluyan. Ang laki ng kasalanan ko kay Mikka at malaki ang magiging kasalanan ko sa babaeng mahal ko... kay Cyrish kapag nalaman niya ang bagay na 'to. Pakiramdam ko tuloy wala akong kwentang lalaki...

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon