Chapter 64

3.8K 70 14
                                    

Chapter 64 || Date

Kailer's POV

I want to hold you in my arms and never let you go...

From: Secret Admirer

Nagpadala ulit ako ng bouquet kay Mikka at itutuloy ko ang gawaing 'to hanggang sa makasilip na ako ng pag-asa mula sa kanya...

Wala pa akong gagawin ngayon dito sa opisina dahil sa katatapos lang naman ng fashion show nung isang araw. Kumain nga kami sa labas at kahit na lagi akong nilalapitan ng babaeng models ay pilit akong umiiwas. Ayokong magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sakaling may ibang makakita.

Pahinga muna kumbaga ngayon. Naisipan kong magbukas muna ng FB at tingnan ang timeline ni Mikka. Sumandal ako sa swivel chair at medyo narelax.

Nagtaka ako sa kanyang status.

"Truth is, I hate to see you with someone else..."

Kumunot ang noo ko dahil doon. Nakita ba niya ako kahapon? May model kasi na pilit tumatabi sa akin kahit na nilalayo ko na. Ayokong pagselosan niya 'yun dahil siya lang naman talaga ang mahalaga sa akin. Siya lang ang mahal ko.

Nakita kong kagabi pa niyang status 'yon. Kagabi lang din nangyari ang pagkain namin sa labas. I don't know how pero siguro nga ay nakita niya ako... I better ask her out and fix this mess.

Alam ko na ang number niya dahil sa hiningi ko kay Mama (kinuha ni Mama ang number niya at pinagyabang sa akin. Hiningi ko naman agad pero ngayon lang ako naglakas loob na gamitin ito.) kaya tatawagan ko na siya ng direkta.

Mabuti at sinagot niya ang tawag ko kahit na unregistered number ito. "Bakit Kailer?" Huh? Nagulat naman ako. Alam niyang ako ang tumawag? Hindi pa naman ako nagsasalita a. It's not as if I still have my number registered on her phone. Kinuha niya? Hindi kaya kabisado niya ang number ko? "H-Hello sino 'to?" She suddenly asked again. Napangisi ako.

"You memorized my number huh?" Hindi mawala ang ngisi ko.

"Wag kang assuming Mr. Ramirez. Nakasave sa phone ko ang number mo. T-That's it. So what do you want?" mataray na tanong niya kahit na medyo nagstutter siya. I have to be direct to my point now.

"Pwede ba kitang maaya mamayang dinner? May importante akong sasabihin sa 'yo."

"Tell me now."

"Kailangan magkaharap tayo."

"Fine. Tss."

"Susunduin na lang kita mamaya."

"Whatever." At binaba na niya. Medyo nasasanay na rin ako sa pagsusungit niya ngayon. Hindi na tulad ng dati ang nararamdaman ko. Kasi noon talagang apektado ako.

I wonder if she still has feelings for me that's why she's jealous... Sana nga mayroon pa. I want her to still love me just like before and I'll promise not to break her heart again.

***

Excited akong lumabas ng opisina. Natanong pa nga ako ng mga kasamahan ko sa agency kung anong meron dahil bakas daw sa mukha ko ang saya. Ngayon lang daw nila ako nakitang ganito. Malamang dahil palagi lang akong seryoso sa trabaho. Para na nga raw akong robot kung iisipin e.

Sabi ko naman ay may date ako. Ayun at goodluck daw. Kabado ako syempre kasi I want to leave a good impression sa date na 'to. I reserved Lexa's Kitchen for this evening at hinayaan naman ako ni Mama. Aniya ay para naman iyon sa future ko. Candlelight dinner ang inihanda namin ni Mama. Gusto kong maramdaman niyang espesyal siya sa inihanda ko. Naisip kong sa sariling restaurant namin kami kumain para naman mas makakain siya dahil sa halos lahat ng paborito niya ay recipe dito.

Maayos naman ang suot ko ngayon. Mabuti na lang at maporma talaga ako kaya wala ng problema. Nagsuklay na lang ako at nagpabango para naman hindi turn-off sa kanya ang amoy at itsura ko.

Pagkatapos ng lahat ng paghahanda ko ay dumiretso na ako sa boutique kung saan nakita ko si Mikka. Muntikan na akong mauntog sa manibela dahil sa biglang pagtigil ko. Parang gumuho ang mundo ko. Hindi ako pwedeng magkamali dahil si Mikka nga ang nakikita ko. Binukas sara ko ang mga mata ko ng ilang ulit para makasigurado na hindi nga ako nagkakamali.

I can feel anger swirled like a red tide within me like it's rising to choke me. My breath became harsh and shallow as I stared at her from a far.

Nakayakap siya ng mahigpit kay Tyron mula sa likod. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Parang ayaw niyang umalis si Tyron. Parang pinipigilan niya. I thought he's in France kaya bakit siya nandito ngayon? Bakit malungkot si Mikka? Bakit nakayakap siya kay Tyron? Malungkot ba siya dahil kay Tyron? Are they finally together?

Is she finally in love with that man?!

Sa dami ng tanong sa isip ko ay wala akong sagot na nakuha kahit isa. Hindi naman kasi ako ang makakasagot sa mga tanong ko.

Lumabas ako ng kotse nq hindi nagiisip at agad na naglakad palapit sa kanilang dalawa. Napatingin sa akin si Tyron at nakita niya ang paghila ko kay Mikka palayo sa kanya. Hinawakan naman niya ang kabilang palapulsuhan nito dahilan para hindi ko ito tuluyang mahila palayo sa kanya.

Nakita ko ang gulat na ekspresyon ni Mikka sa akin. "K-Kailer?" At agad napunta kay Tyron ang kanyang tingin bago muling bumaling sa akin.

"Bitiwan mo siya." utos ko kay Tyron at nakita ko ang pagigting ng panga nito. Nakita ko sa mga mata niya ang galit habang matalim na tingin ang pinupukol niya sa akin.

"Ikaw ang bumitaw. You don't have the right to hold on to her. I already said you lost your chance. Isn't it clear to you?" Alam kong dalawa ang kahulugan ng kanyang sinabi pero hindi ako nagpaapekto.

"May usapan kami ngayon kaya bitiwan mo siya." Totoo naman na pumayag si Mikka sa akin kaya hindi niya ito pwedeng pigilan ano man ang hindi nila pagkakaunawaan.

"Please Kailer sa susunod na lang. Kailangan naming magusap ni Tyron." Nakaramdam ako ng kirot. Napatingin ako sa mga mata ni Mikka. Oo nga at malungkot ang mga 'to. She looks so tired. Bakit siya nalulungkot dahil kay Tyron?!

Hinigit ko pa siya pero ganun din ang ginawa ni Tyron. I don't want Mikka to get hurt pero nakita ko ang paglukot ng mukha nito dahil sa higpit ng hawak namin ni Tyron sa kanya.

Mas nagkaroon ng tensyon ang tingin namin ni Tyron sa isa't isa.

I'm not going to leave her here where she's in pain. Sapat nang nasaktan siya sa akin noon. Ayokong masaktan siya ulit ng kahit na sino. Gaya ng sabi niya, she deserves to be happy and for me, she deserves the best.

"No. You're coming with me." maawtoridad kong sinabi kay Mikka at sinuntok ko ng malakas si Tyron kaya nabitawan niya rin si Mikka. Narinig ko naman ang pagsinghap ni Mikka pero hinila ko na siyang tuluyan at pilit pinasakay sa kotse ko.

I feel like I'm already losing this fight... because I think in the first place, I've lost my weapon. That is Mikka's heart.

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon