Chapter 41

6.2K 109 17
                                    

Chapter 41 || Panahon Na Siguro

Mikkaella's POV

"Bitiwan mo ako! Please!" sigaw ako ng sigaw pero tuluyan na akong binuhat ni Tyron na parang sako at ngayon ay sinakay na niya sa loob ng kotse niya. Pinaandar niya ng mabilis ang sasakyan.

"Tyron stop the car!" untag ko pero walang silbi dahil tahimik lang siyang nakatitig sa kalsada at wala siyang balak na pansinin ang sinasabi ko. Binuksan ko ang pintuan ng kotse kahit na umaandar kami kaya malakas na hangin ang tumama sa akin.

"MIKKA!" sigaw niya at nanginig ang buong sistema ko. Inabot niya ang pinto at mabilis itong sinara.

"P-Please, wag sa kanila. Wag sa ospital." pakiusap ko at bumuhos na naman ang luha ko. Dumarating siya lagi kapag nasa ganito akong sitwasyon and I hate it. Tatalon na ako pero pinigilan niya ako! I want to kill myself! I want to end this sh*t!

"Hindi kita dadalhin doon kaya manahimik ka muna dyan." mariing sagot niya at medyo nakahinga ako ng maluwag. Tumingin na lang ako sa may bintana habang ramdam na ramdam ko pa rin ang mainit na likidong tumutulo sa sa gilid ng mga mata ko. Sobrang lalim ng sugat na nararamdaman ko ngayon. Walang kwenta ang mga natamo ko sa aksidente kagabi kumpara sa nararamdaman ko.

Narinig ko ang malakas na pagpreno niya. "Damn! Dapat hindi na lang ako umalis! Dapat hindi kita iniwan sa lalaking 'yon!" Galit na galit niyang sigaw at pinaharurot ang kanyang sasakyan.

***

Sa isang parke kami tumigil. Pinababa niya ako at naramdaman ko ang pagtama ng hangin sa katawan ko. Medyo napangiwi ako dahil masakit pa rin ang mga sugat ko dahil hindi pa ito tuluyang naghihilom. Nakakita ako ng bench kaya naman naupo ako tapos sumunod siya sa akin. Nakatingin lang ako sa malayo habang siya ay malalim ang pag buntong-hininga.

"Now tell me, why do you want to kill yourself again?" Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatitig na siya sa akin. Nakakunot ang noo niya at umigting ang kanyang panga.

"I lost my child." Napatakip ako ng bibig dahil pinigilan ko ang paghikbi. Sa tuwing naiisip ko na wala na ang baby ko ay parang gusto kong saktan ang sarili ko ng ilang ulit. I want to get used to this pain.

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya. "Wh-a-Why?" Hindi malamang tanong niya.

"Ang natatandaan ko lang ay kausap ko si Kailer.. galit na galit ako dahil pinipilit pa rin niya ang paniniwala niya sa akin. And then I saw b-blood-"

"That jerk!" Nasuntok niya ang upuan namin kaya nagulat ako. Tiningnan niya ako gamit ang mapungay niyang mga mata, tyaka ako inakap. Hindi iyon mahigpit pero tama lang para makaramdam ako ng comfort mula sa kanya. Hinaplos niya ulit ang buhok ko at umagos na naman ang luha ko sa pisngi.

"Stop crying please..." napapaos na pakiusap niya.

"Ang hirap!"

"You're not supposed to end your life. Don't you think you're supposed to change your fate?"

"I did try to change it. L-Look what happened." mapait na sagot ko. Pinilit kong baguhin ang kapalaran namin ni Kailer pero sa huli'y hindi nangyari bagkus ay nasira ko lang ang lahat.

Humiwalay siya sa akin at tiningnan akong humihikbi pa rin. Pinunasan niya ang basa kong pisngi gamit ang mga kamay niya. "I-I love him... kahit ganito na kasakit mahal ko pa rin siya pero kahit isang beses hindi niya ako minahal!"

"Shh..." Patuloy pa rin siya sa pagpunas kahit na wala namang nagbabago dahil hindi pa rin ako tumitigil sa pagiyak. "It's your decision now, If you can't make him love you, instead of loving him, love yourself. Don't let him be your world or be your life. Gaya ng sabi mo, Cristina died loving him, why don't you continue living and learn how to truly love yourself? You're not supposed to end up like her. It's already in the past. Wag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan."

May punto si Tyron. I am not supposed to be like Cristina. Tingin ko ay sapat na ang maraming taong pagmamahal ko kay Kailer. Panahon na siguro para ang sarili ko naman ang mahalin ko. Nakaligtas ako sa kamatayan kahit na si Cristina noon ay mas piniling yakapin ito. Siguro iba ako sa kanya. Ayoko nang mabuhay sa nakaraan; sa mga pag-asang walang patutunguhan. Gusto kong maging masaya ng totoo simula ngayon.

Napatingin ako sa mga mata ni Tyron. "Sino ka bang talaga?" tanong ko. Tumawa siya at napangiti ako.

"Dakilang tagapayo." sabi niya sabay kindat. "Kidding, I'm your friend right? Magaan lang talaga ang loob ko sa 'yo. Didn't know we'll actually be like this now." sabi niya patungkol sa pag-uusap namin ng seryoso. Ngumisi siya at inakbayan ako. Naramdaman ko ang pagpunas niya ng luha ko gamit kamay niya. Huminga ako ng malalim at sinubukang magisip ng positibo.

"Ang dumi-dumi nung ilog e pagtalon mo roon patay ka dahil sa dumi at 'di dahil sa pagkalunod." He laughed at natawa na rin ako.

***

Ayoko pa talagang umuwi pero nagulat naman ako sa pinagdalhan sa akin ni Tyron. "Nasaan ba tayo?" bulong ko nang bumukas na ang malaking gate. May guards pa sa labas a. Sa loob ay may mga maids na yumuko sa amin. Medyo nahirapan akong huminga sa kaba. Nagpark kami bago niya ako pinagbuksan ng pinto at pinababa. May maid na lumapit at kumuha sa bitbit na gamit ni Tyron.

"My house."

What?! Bahay niya 'to? SOBRANG LAKI! Sa labas pa lang ay alam kong malaki na. Kulay puti na may halong maroon ang labas ng bahay. Ang lawak ng hardin at puno ng mga bulaklak. Parang pangprinsipe ang bahay na 'to. Napatakip ako ng bibig tapos sumunod lang sa kanya sa front door ng bahay. May nagbukas nito at bumungad sa akin ang interior. Halos malaglag ang panga ko dahil sa purong puti ang paligid. Ang linis! Sobrang nakaayos ang lahat ng gamit. Walang misplaced na furniture. Lahat nasa proper place. Sa harap ay makikita agad ang hagdanan. Sa kaliwa ang sala tapos may pintuan doon na palagay ko para sa comfort room. Sa kanan naman ay dining area at mukhang nanduon din ang kusina sa isang pintuan. Shocks. Sino ba talaga si Tyron Han?

"Not coming?" Huminto pala ako sa paglalakad kaya ganun din si Tyron. "Nagulat ba kita?" natatawang tanong niya habang nakahawak sa batok at napatango naman ako. I never expected myself to be in a place like this.

"U-Uwi na nga lang ako." Napalunok ako at tatalikod na nang hawakan niya ang kamay ko.

"No way. You said you don't want to go home so stay here. Wag kang magalala dahil ako lang mag-isa rito." He smirked.

"Huh? Bakit naman? Tyaka sikat ka ba talaga kaya ganito ka kayaman?" Akala ko nung una ay nagbibiro lang siya pero mukhang ako pala ang nagkamali ng hinala.

"Well siguro hindi ako masyadong kilala rito. Sikat ako sa France actually. I'm a fashion designer just like what I've told you. Maaga akong naulila because my parents were in a car accident and I don't have a sibling. Ito ang naipundar ko sa lahat ng pagsisikap na ginawa ko. I'm already working since then. Isama mo na rin ang namana ko sa parents ko to make up for these."

"Uhmm sorry didn't know-"

"It's okay! Hindi na ako nasasaktan. Natanggap ko na and now I'm already successful thanks to them who were my inspiration." Napangiti siya sa sinabi niya.

"Teka bakit ka nagjeep nung una tayong nagkita?"

"Uhmm nasiraan ako. Sanay naman akong magjeep kahit ganito ako ngayon. Naranasan kong maghirap. Every life has ups and downs." Napangiti ako at naglahad siya ng kamay sa akin. Mas nakita ko tuloy na maputi siya. Mas maputi kaysa sa akin. "So shall we? Dadalhin kita sa matutulugan mo." Inilagay ko ang kamay ko sa kamay niyang nakaabang at huminga ng malalim. Simula ngayon ay balak kong gawing inspirasyon para magtagumpay ang mga masasakit na napagdaanan ko gaya niya.

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon