Chapter 60 || Time
Kailer's POV
I said my last three words to Mikka but I'm not planning to let her go. Maybe she needs time and I'll give that to both of us. I can't help but smile whenever I think of her worrying about me... that's a sign that I still have a chance.
Sa mga sumunod na araw ay nagpakabusy ako sa agency namin. Maraming nag-apply bilang model. Naging abala ako sa iba't ibang fashion show na talaga namang naging successful.
Isang buwan ang lumipas at naimbitahan akong pumunta sa isang company auction para sa orphanage kung saan sponsor ito. Malaking event ito dahil sa imbitado ang matataas na tao sa iba't ibang larangan.Tinanggap ko naman dahil gusto rin iyon ng pamilya ko. Gusto naming makatulong. Sinabihan naman ako na isa ako sa mga naka-bid. Imbes kasi na gamit, ay tao ang gagamitin nila. I should be with the person who will have the highest bid on me and that's the same for others.
Pagdating ko sa location ng auction ay hindi pa masyadong marami ang tao. Naupo ako sa nakaassign na lugar sa akin na malapit sa stage. May mga katabi na akong lalaki at babae na may itsura talaga. Well it can't be helped kasi kailangan may dating para pagagawan. This auction were organized for fun and for the past years ay epektibo naman talaga ito. Sabi nga nila, this auction brings fun to those who wants to help and at the same time gives help to the needy.
Dahil sa wala naman akong magawa ay tiningnan ko na lang ang FB account ni Mikka. Ito ang ginagawa ko sa tuwing namimiss ko siya. Syempre bukod dito ay tumitingin din ako sa mga albums namin na nagbabalik ng mga magagandang alaala. Miss na miss ko na talaga siya.
Nakita ko sa timeline ni Mikka ang ilang pictures nila nung tatlong lalaking kasama niya sa beach pero this time ay may kasama silang babaeng mas bata sa kanila pero koreana rin. Mukhang namasyal sila sa amusement park doon sa picture na 'yon at masaya sila. Nakakatuwa na masaya naman si Mikka... sana ngumiti rin siya kapag nagkita na kaming muli.
Ilang oras ang lumipas at nagsimula na ang event. Pinaakyat na isa-isa sa stage at bago ako ay 2,000 pesos ang final bid nung lalaking nauna sa akin.
"Next is Mr. Kailer Eisen Ramirez!" Pinaakyat na ako ng stage at ngumiti naman ako sa kanilang lahat habang pumapalakpak sila. Nakakailang dahil sa dami ng tao rito pero siguro experiences made me stronger. Hindi naman kasi talaga ako sanay na masyadong nabibigyan ng atensyon noon.
"So again, the starting bid is 500 pesos!" sigaw ng host.
Napatingin ako sa paligid dahil maraming nagtaas. Hindi ko inasahan na ganito ang mangyayari.
"1,000!"
"2,000!"
"Last bid?" tanong ng host pero may mga kamay na nakataas pa rin!
"2, 500!"
"5,000!" Isang bakla ang sumigaw nun kaya kinilabutan ako. Don't get me wrong... hindi ako nanghuhusga pero may takot lang ako sa mga bakla. It's because of my childhood memory. Muntikan na akong mapagsamantalagan ng bakla and thank God... It was Mikka who saved me back then! Ito ang alaala na sa aming dalawa lang. Sikreto namin ito dahil nakakahiya talaga ang takot kong 'to.
"7,000!" sigaw nung babaeng mataba na sobrang kapal ng make-up. Nagtitigan sila nung bakla. Napalunok ako.
"10,000!"
"Wow! Grabe naman pala si Mr. Ramirez! Pinagaagawan!" sabi ng host na mukhang tuwang-tuwa pa. Napakagat na lang ako sa labi ko habang patuloy sa pagpapalitan ng presyo ang dalawa.
"11,000!"
"Ha! 15,000!"
"He's mine! 25,000!" Sobrang laking halaga na nun para sa isang date lang! Napatingin ako sa ibang nakaupo at halatang gulat na gulat din sila gaya ko pero hindi maitatanggi ang pagkamangha.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETE
RomanceSa loob ng maraming taon kay Cyrish lang ang buong atensyon ni Kailer at hindi niya napapansin si Mikka at ang totoong damdamin nito. Nang malaman ni Mikka ang tungkol sa sikreto ni Cyrish, naging desidido siyang baguhin ang laman ng puso ni Kailer...