Chapter 55

4.5K 86 22
                                    

Chapter 55 || Tita

Mikkaella's POV

"Wala na ba tayong naiwan?" tanong ni Philip.

"Utak mo." pilosopong sagot ni Fred at bago ko siya mabatukan ay nakailag. "Haha! Kala mo ah?" At bumelat siya. Natawa na lang kami.

"Wala na akong naiwan." sabi ko.

"Wala na rin akong nakita sa kwarto natin." sabi naman ni Tyron. Pumasok na kami sa loob ng van at tumulak na pabalik ng Maynila.

Nakahinga ako ng maluwag dahil wala nang Kailer na gumambala sa akin. Mukhang umalis na siya ng resort. Sumuko na kaya siya? Baka. I guess I'm not worth it para mageffort siya ng sobra. Ano ba naman kung hindi ko siya mapatawad 'di ba? Wala lang 'yon sa kanya.

"Ayos ka lang? Gusto mo magdrive-thru sa mcdo?" tanong sa akin ni Philip. Si Fred ang driver namin ngayon.

"Sure. I crave for fries." sabi ko.

Nang makabili na kami ay naging busy kami sa pagkain. Walang nagsasalita kaya nagpatugtog si Fred at parang baliw na sumasabay sa kanta kahit na sobrang sintunado. Sintunado na nga ako pero mas worst siya!

"Chandelier!!" Humagalpak siya at tawang-tawa rin kami.

"Gago 'to hahaha." sabi ni Philip na parang mamamatay sa katatawa.

***

Huh? Umiiyak si Kailer-hindi! Si Fernando 'yung umiiyak. Nasa harap siya ng isang puntod. "Cristina patawarin mo ako... nagsisisi ako dahil nahuli ako." Kumunot ang noo ko. Puntod ni Cristina ang iniiyakan niya?

"Ngayon ko lang nalaman na mahal na mahal kita kung kailan wala ka na." Bakit ba kailangan pang mawala ng isang tao para lang malaman ng isang tao ang halaga nito? Hindi ba pwedeng bago pa lang mangyari 'yon ay pahalagahan na nila? Mahalin na nila? Ugh! Noon at ngayon, Fernando-Kailer! You're one hell of an insensitive jerk!

***

Ramdam ko ang pag-angat baba ng dibdib ko nang dumilat ako. Pagtingin ko sa driver ay si Tyron na ang nakaupo roon. Tulog na tulog si Fred at Philip. Hindi ko na kinausap si Tyron at kinuha ko na lang ang phone ko para libangin ang sarili ko.

That dream was awful. I still hate him. I hate him to the core!

Kumunot ang noo ko nang makita na may isang message ako sa FB at galing 'yon kay... Kailer.

Binuksan ko at nakaramdam ako ng kaba. May sakit si Tita? Malala? Gusto niya akong makita pero that means seeing Kailer right? Oh please! Ano ba naman 'to tsk.

Okay fine. Basta ang pupuntahan ko naman ay si Tita. Kahit naman may alitan kami ni Kailer ay naging malapit sa puso ko ang pamilya niya.

Sinabi ko lang 'Ok.'

"You awake?" Napatingin ako kay Tyron. Nasilip yata niya ako at nakita ang liwanag mula sa phone ko.

"Yup. Nga pala, kina Kailer mo ako ibaba ok?" Nagkaroon ng sandaling katahimikan.

"Bakit?"

"May sakit si Tita e. Gusto raw akong makita."

"Uhmm 'yun lang ba talaga?"

"Oo naman. 'Yun lang." Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Sige. Susunduin kita. Just text me when you're done there."

Sinabi ko ang address. Nahihiya man ako ay pumayag na. Ayoko namang isipin niya na may ibang rason ang pagpunta ko kina Kailer. All I want is to visit Tita. "Thanks."

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon