Chapter 8

6.2K 124 8
                                    

Chapter 8 || Sa Loob Ng Kweba

Kailer's POV

"Ang sabi nila, may nagmumulto raw na babae rito. 'Yung babae na 'yon, nagantay dito para dun sa lalaking mahal niya pero hindi siya nito pinuntahan. May asawa na raw kasi 'yung lalaki at mahal na mahal nito ang asawa niya. Dito na raw binawian ng buhay 'yung babae." Kwento ni Cyrish. Damang dama talaga niya ang pananakot na ginagawa niya kaya natawa ako. Alam na namin ni Mikka ang kwento na 'yon matagal na pero ngayon lang narinig nung dalawa. Pero ngayon lang din naman kami makakapunta sa kweba dahil natakot kami noon.

"Ang creepy naman! Go pa ba tayo?" tanong ni Dianne. Napatingin ako kay Cyrish na parang hindi naman natatakot. Ganun din si Felix. Si Mikka naman biglang napatingin sa akin at umiwas agad ako ng tingin. Napanaginipan ko 'yung nangyari sa amin... Paanong hindi ko 'yon mapapaginipan gayong first kiss ko 'yon. Hindi ko alam na ganun pala ang pakiramdam at guilty ako dahil kaibigan ko siya pero nagawa ko 'yon. Inisip ko pa nga na baka hindi naman talaga nangyari sa amin yon eh pero malinaw sa isip ko ang nangyari kahit na lasing ako.

"Hindi naman totoo ang mga ganyan." sabi ni Felix. Nauna na syang maglakad. Malapit na kami sa bukana ng kweba ngayon.

Wala na talagang atrasan nang makatungtong na kami sa loob. Tumingin ako sa paligid at parang normal na kweba lang naman ang nandito. Binuksan nila ang dalawang flashlight na dala namin para makita namin ang loob.

"Ang balita ko pa nga sa ibang kwento, nagpakamatay 'yung babae dahil sa sobrang kalungkutan. Ilang libong taon na ang nakakaraan nang mangyari 'to. Ang iba nga nagsasabi na mahigit pa sa taon." kwento pa ni Cyrish. Totoo naman 'yung pagkukwento niya. Ito rin kasi ang naging kwento sa amin noon.

"Wag ka nang manakot." natatawang sabi ko at natawa na rin ang iba. Naglibot pa ang lahat sa loob pero hindi kami naghiwa-hiwalay.

Napansin kong tahimik lang si Mikka. Medyo naglakad siya malayo sa amin kaya hindi ko na inalis ang tingin ko sa kanya dahil baka mapano siya bigla.

"May gusto ka ba kay Mikka? Kanina ka pa kasi nakatingin sa kanya eh." Si Cyrish 'yon. Binulong lang niya 'yon sa akin. Humarap ako sa kanya na nagtataka. Hindi pa ba nasasabi ni Mikka kay Cyrish ang nararamdaman ko? Bakit kailangan pa niya ako tanungin ngayon?

"Hindi mo ba alam ang sagot sa tanong mo?" tinanong ko siya pabalik.

"Akala ko rin alam ko eh. Linawin mo kasi." sabi niya at ngumiti siya bago bumalik sa iba naming kasama. Hindi ko malaman kung nagseselos ba siya o ano na eh.

Oo nga pala. Paghahandaan ko pa ang pagtatapat ko sa kanya. At finally, umaasa akong sasagutin na niya ako pagdating ng oras na 'yun.

"Ay!" Napatingin ako kay Mikka at hawak siya ni Felix ngayon.

"Ayos lang ba kayo?" tanong ko agad sa kanila pareho.

"Oo okay lang." sagot naman ni Felix sa akin.

Mabuti naman. Akala ko may nasaktan sa kanila eh. Muntik na yatang madulas si Mikka sa hindi ko malamang dahilan dahil nawala sa kanya ang atensyon ko nang kausapin ako ni Cyrish.

"Salamat." narinig kong sabi ni Mikka kay Felix bago umayos ng tayo. Tumingin siya agad sa akin pagkatapos at hindi ko alam kung bakit. Napailing ako nang kagatin nya ang labi niya at maglakad siya kasama si Felix. Kung hindi ko siya hinalikan ay hindi ako magkakaganito ngayon. Hay. Paulit-ulit sa isip ko ang paghalik ko sa kanya at ang pagtugon niya rn sa akin. Tsk.

"Wala namang makikita rito eh. Alis na nga tayo at baka mapano pa tayo eh." sabi ni Felix kaya pumayag na kami. Isang normal na kweba lang naman kasi ang nakita namin. Walang kakaiba at wala ring nagpatunay na totoo ang mga kwentong kumakalat.

"Bili tayo ng juice pagkalabas natin ah." sabi ni Cyrish kaya kinapa ko agad ang bulsa ko para sa wallet ko. Teka. Nalalag ko yata kung saan dahil wala akong wallet sa bulsa.

"Una na kayo. Kunin ko lang 'yung wallet ko." sabi ko at naglakad na sila paalis habang ako ay tumingin muna sa paligid.

***

Lumabas na ba sila ng kweba? Binalikan ko lang sa loob 'yung wallet ko kasi nalaglag tapos wala na sila kaagad. Naliligaw ba ako o ano? Wala namang masyadong pasikot-sikot dito pero medyo madilim. Nilabas ko na lang 'yung cellphone ko at inilawan ang daan para mas maging malinaw sa akin ang lahat.

"Cyrish? Felix? Dianne? Mikka?" tawag ko sa apat. Echo lang ang narinig ko. Wala na yata sila rito sa loob.

Tinuloy-tuloy ko lang ang paglalakad pero natigil ako nang lumamig bigla sa paligid. Saan naman nanggaling 'yung hangin?

"Fernando..." Huh? Boses 'yun ni Mikka. Nandito pa ba siya sa loob ng Kweba?

"Mikka?" tanong ko.

"Fernando..." Sino naman si Fernando?

"Mikka nasaan ka? Nasaan ba kayo?"tanong ko sa kawalan.

"Kailer!" Si Felix na 'yun ngayon. Nagtaka tuloy ako nang magkaharap kami ni Felix dahil nang tanungin ko siya kung nasaan na 'yung iba, sabi niya nasa labas na at nagiintay sa akin. Eh sino 'yung nagsalita kanina? Hindi ako pwedeng magkamali! Boses ni Mikka 'yung narinig ko! Kilala ko ang boses na 'yun eh.

Nang makalabas na kami ni Felix, nilapitan ko agad si Mikka at hinayaan kong mauna 'yung tatlo sa paglalakad para makausap ko ito nang hindi naririnig ng iba. "Wala ka ba talaga sa loob kanina nung nagpaiwan ako?"

"Huh? Wala. Bakit?" kumunot ang noo ko. Sino 'yung narinig ko?

"M-May narinig ako... dalawang beses... ang sabi pa nito Fernando. Kaboses mo." Namutla siya sa sinabi ko.

"Anong sinabi nung kaboses ko?"

"Fernando. Bakit?" tanong ko dahil parang kinabahan 'yung itsura niya sa sinabi ko.

Umiling na lang ako ng ilang ulit. "Guni-guni ko lang siguro 'yun. Halika na nga at wag mo nang intindihin ang sinabi ko." Sa totoo lang ay medyo kinabahan ako pero mawawala rin siguro 'to. Ang alam ko para lang dumami ang tao rito sa resort kaya ginawan nila ng kwento ang kweba na 'to. Marketing strategy lang. Imposible naman kasi na totoo ang kwento tungkol sa kweba.

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon